PRECIOUS GIFT 50

5K 93 3
                                    

Nagpapatuloy siya sa pagkatok! Shit nandito ang kambal!

"Go away Ian" Sigaw ko.

Buti nalang at busy ang kambal sa palabas kung hindi baka hindi ko na alam ang gagawin kung tatanungin nila ako kung bakit? Bakit ba siya nandito? Bwisit talaga! Tss

Wala nang kumakatok kaya lumapit na ako sa kama at nakitabi sakanila. Dinalaw ako ng antok kaya pinikit ko na lang ang mata ko.

"Matutulog lang si Mommy ah"

ANIKKA'S POV

Si Ian na ang kumuha ng gamit nila Alya, dapat si Lance ang gagawa non pero ang sabi niya ay siya nalang. Nalate siya ng dating kaya hindi niya naabutan ang mag-ina niya.

Grabe hindi ako makapaniwala na ganon 'yung nangyari sakanilang dalawa. Napaka desperada naman kasi ng babaeng iyon. Mabuti naman at patay na 'yon baka masampolan ko pa. Nandito lahat ng barkada except kay Ian na kinukuha ang gamit ng asawa niya at si Alya na nasa kwarto kasama ang mga anak niya.

Nakapalibot kami sa isang table. Si Kim naman ay parang naiirita sa sitwasyon niya. Nahirapan kasi siyang umupo samantalang si Jenny ay ayon nilalandi ang asawa niya kahit kita niyang busy si Mark sa pagpakain kay Tyler.

Si Jimboy at si Bea ay may sariling mundo. Nako nagtatago pa 'tong dalawang 'to halata naman na.

"Sweetie kwarto muna tayo" Biglang bumulong si Lance sa tainga ko at waaaah dinilaan niya pa iyon!

Ngumuso ako at hinarap siya.

" Bakit ba? Dito nalang tayo" Inirapan ko siya at bumaling sa mga kaibigan ko.

"Kailan niyo balak bumuo ng pamilya ni Lance?" Pabigla-bigla naman itong si Bea eh!

" Kailangan pa ba 'yon? Huwg na oy" hindi ko alam kung tama ba yung sinabi ko. Hindi naman sa ayaw ko hundi ko lang talaga alam paano sabihin sakanila.

Eh hindi pa nga nagyayang magpakasal bubuo na kaagad? Ano yan? Si Ian at Alya lang ang peg!

Nagwalk-out ang beast. Napakamot ako sa ulo.

" Bakit na naman 'yon? Hays hindi ma-explain ang halimaw na iyon" Natawa sila sa sinabi ko.

"Halimaw nga. Ibig sabihin mahirap mong amuhin. Kung ako sayo sisimulan ko na ngayon mukhang natinag sa sinabi mong 'Kailangan pa ba 'yon? Huwag na oy' " Ginaya pa ni Jenny ang boses ko.

"Eh? Hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko. Bubuo agad? Hindi pa nga siya nagpropose saakin. Hmp" Tumayo ako at sinundan ang halimaw na nagwalk-out.

Kumatok ako sa pintuan pero hindi niya ako pinagbuksan. Hinawakan ko ang doorknob at salamat naman hindi niya iyon nilock. Sinara ko kaagad ang pinto nang makapasok na ako. Nasa kama siya at nakahiga. Nakatalikod siya saakin at kitang-kita ko ang ganda ng likod niya. Wala siyang suot na damit. Hinubad niya siguro.

Lumapit ako at umupo sa paanan ng kama. Hinawakan ko ang binti niyang natatakpan ng makapal na kumot.

"Sorry.." Sabi ko.

Hindi niya ako pinansin at nilayo saakin ang binti niya.

Gumapang ako at humiga sa tabi niya..Niyakap ko ang matigas niyang likod.

"Sorry na sweetie" Hinalikan ko ang batok niya.

Gumalaw siya kaya mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sakanya. Humikbi ako. Ewan ko ba kung bakit bigla nalang ako naiyak. Masakit kasi puso ko. Hindi niya ako pinapansin.

Herrington 2: Precious Gift (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon