PRECIOUS GIFT 43

4.3K 85 0
                                    

Alya Herrington?.... No! ALYA MENDOZA
-----------------------------

Nagising ako dahil sa haplos ni Mama. Nakangiti siya saakin kaya ngumiti rin ako sakanya kahit na hindi ko alam kung paano iyon gawin.

Hindi ko alam kung paano ako napunta sa kama ko. Siguro ay binuhat ako ni Dad.

"May gusto ka bang kainin?" Tanong ni mama.

Nag-isip ako kung ano ba ang gusto ko pero iisa lang talaga ang sinisigaw ng sistema ko pati ang baby ko iyon din ang gusto.

Si Ian.

Shit niloko kana nga mahal mo pa rin? Manhid ka ba o sadyang tanga lang?

"Wala po Mama" Sagot ko kay Mama at bumangon.

Umupo siya sa paanan ng kama ko at hinaplos ang tyan ko. Nagulat ako sa ginawa ni mama.

"Huwag mong ayawan itong dinadala mo. Alam mo bang gustong-gusto namin ng Dad mo ng isa pang anak pero hindi kami pinalad, nahirapan kaming bumuo ulit at sobrang thankful kami dahil sayo Alya. You're the most precious gift that we have" Inalis niya ang palad niyang nasa t'yan ko at lumipat iyon sa dalawang kamay ko.

"Kahit na ayaw naming maaga kang magkababy pero wala na kaming magagawa nand'yan na yan baby eh. Nabuo na yan. Palalakihin natin ang baby mo kakayanin nating apat okay?" Tumulo ang luha ko sa sinabi ni Mama.

Marahan niya namang pinunasan ang luha ko.

"A-Apat?" Nanginig ang boses ko dahil sa pag iyak.

Tumawa si Mama.

" Si Dad mo, ako, ikaw at ang baby mo" Nakangiti niyang sabi.

"P-Paano pag h-hahanapin niya ang tatay niya? A-Anong sasabihin ko?" Ano na lang ang sasabihin ko sa baby ko? Na tanga ako? Binuntis na nga niloko pa.

Pero shit! Thank you sa gift! Thank you at hundi na kita kailangan! Mamatay na sana kayo ni Kiya! Arrrgh mga manloloko!

"Huwag mong poproblemahin yan..Hindi pa naman nangyayari diba? Basta baby huwag mo istresin ang sarili mo" Tumango ako sa sinabi ni Mama.

"Ma galit po si Dad" Ngumiti lang si Mama sa sinabi ko.

Pinisil niya muna ang kamay ko bago siya tumayo.

"Lambingin mo lang anak, bumaba kana ah mag-aalmusal na tayo" Sabi ni Mama.

Tumango ako.

"Thank you po"

Buong araw akong hindi pinapansin ni papa. Naiintindihan ko naman kung bakit siya ganon. Kaya ang ginawa ko ay nagkulong ako sa kwarto ko at ano pa nga ba? Edi umiyak na naman ako.

Hindi ko na alam kung paano  mawala ang peklat sa puso ko. Nakatulog din ako sa kakaiyak.
Lagi akong inaantok. Parang laging kulang sa tulog kahit na wala naman talaga akong ginagawa kundi ang matulog lang.

" Im so sorry baby" Umiiyak siya ng sabihin niya iyon saakin.

"B-Bakit mo ako niloko?" Tanong ko. Wala ako ibang pinakita kundi ang katigasan ko. Hinding-hindi ako manghihina sa harapan niya.

"Im sorry. Sorry sorry" Lumuhod siya at hinawakan ang kamay ko. Marahas kong hinila ang kamay ko sa pagkahawak niya.

Nagising na naman ako sa gitna ng panaginip ko! Bullshit hindi ba ako titigilan ng panaginip na iyon?

Paano ko ba takasan ang lahat ng sakit? Paano ako makawala sa masamang panaginip na ito? Paano ako lubayan ng nakaraan?

Paano?

Herrington 2: Precious Gift (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon