Kinuhanan niya ako ng jeans at round neck na white shirt. Ang hilig niya sa puti. Pareho rin kami ng brand para tuloy kaming kambal.Iuuwi niya na ako sa bahay.
Pinamulahan ako ng pisngi sa nangyari saamin sa kwartong ito. Yung pader, Kama at lap niya gosh naka apat na round kami bago siya nagyayang kumain! Hindi pa siya busog non ah?
Sinulyapan ko ang wall clock 11:35 na ng gabi. Gising pa kaya sila Mama? o kahit si ate man lang. Mamaya ko na poproblemahin kung paano ako makakapasok sa bahay.
Sinirado niya ang pinto at tinago ang susi niya. Hindi ko na dala ang dress ko ang sabi niya iwan ko nalang pati yung purse ko na laman lang naman ay powder at lipstick. Dala ko lang ang phone ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa front seat kaya sumakay naman ako kaagad at kinabit ang seatbelt. Sinulyapan ko siya nang makaupo na siya sa driver seat.
Mabagal ang pagmaneho niya kahit hindi naman na trapik ay mabagal parin. Hinayaan ko nalang at diretso ang mata sa labas.
Tumunog ang cellphone ko kaya tinaas ko iyon at binasa ang mensahe ng isang Unknown Number.
Unknown:
Can we talk? Nasa labas ako ng bahay niyo.Kahit na unknown ay alam ko na kung sino ang nagtext. Si Jerome lang naman ang gusto akong kausapin.
"Sino yan?" Tanong niya nang mabasa ang text.
Kung sasabihin kong hindi ko kilala magsisinungaling ako?
"Si Jerome yata?" Mabilis nagbago ang reaksyon niya. Nagtiim bagang siya at nasa normal rate na ang takbo niya.
Hinaplos ko ang braso niya. Seryoso lang siya at diretso ang tingin sa kalsada.
Galit siya.
Pagkarating namin sa bahay ay napansin na kaagad namin si Jerome na nakaupo sa sahig at nakayuko. Parang may hinihintay siya. Bumaling siya sa amin nang nasilaw siya sa ilaw na galing sa sasakyan.
Tumayo siya nang makitang bumaba na si Ian mabilis naman akong bumaba at lumapit kay Ian. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan nila. Nasa likod ko si Ian at pinipigilan siya sa pagsugod kay Jerome.
"Jerome umalis kana" Pagod kong sabi kay Jerome.
Umamba siyang lalapit saakin nang magsalita si Ian.
"Subukan mong lumapit gago ka. Hindi ka pa ba nadala sa ginawa ko sayo? Kulang pa nga iyon para sa paghalik mo sa asawa ko" Maririing binitawan ni Ian ang mga salita. Hinaplos ko ang braso niyang nakataas at dahan dahang binaba.
Ngumisi si Jerome sa sinabi ni Ian at ang kapal lang ng mukha at nakuha pang sumagot
"Asawa? Huh? Are you kidding me Ian? Kelan nga ulit kayo kinasal? Wala akong matandaan bro? Nasisiraan kana ba ng ulo at inaangkin mo ng sayo. Brad madali lang yan gawan ng paraan. Alam mo ba ang kasabihang 'Asawa nga naaagaw girlfriend pa kaya' " Hindi ko na napigilan si Ian at agad niya nang sinugod ng suntok si Jerome.
Kinuwelyuhan niya si Jerome at pinagsusuntok sa mukha. Hinila ko si Ian at niyakap. Baka mapatay niya si Jerome kung hindi ko siya pipigilan.
"Enough baby please? Natatakot ako" Bulong ko sakanya. Yumakap siya saakin at humalik sa ulo ko.
"I'm sorry to scare you" Aniya at kumalas sa yakap ko. Hinarap namin si Jerome na may mga pasa na sa mukha.
It suits him. I hate the fact that I hate him so much! Seriously? Wala ba siyang magawang matino at naninira na lang ng relasyon?
BINABASA MO ANG
Herrington 2: Precious Gift (COMPLETED)
RomancePaano kung nabiyayaan ka ng pinakamahalagang regalo na maaari mong matanggap sa panahong hindi mo pa kayang tanggapin, paano kung biniyayaan ka ng anak, ng kambal na anak pero kapalit noon ang pag-iwan sayo ng mahal mo? Maituturing mo pa rin ba ito...