"Na saan si Anne, Ian?" Tanong ni Anikka kay Ian.Nasa iisang table kami ng mga kaibigan namin. Ang sarap lang ng feeling after kasi noong outing namin ay lagi nila ako sinasama kapag may lakad sila, shempre sumasama lang ako kapag weekend.
Nasa tabi ko si Ian at malayo ang tingin niya. Bumuntong hininga ako nang tinanong ulit siya ni Anikka.
"Hoy Ian na saan nga?" Tanong niya ulit.
Close ata sila, lahat ata ng barkada ni Ian ay malapit kay Anne. Ako lang tong hindi, ako na fiance ni Ian. Naiintindihan ko naman. Darating din iyong araw na magiging close kami.
Kakatapos lang namin kumain at ang newly wed ay nasa harapan kasama ang parents nila.
"Nandito lang 'yon. Baka nasa ibang table" Sabi ni Ian kay Anikka. Tumango siya at luminga-linga. Hinahanap niya si Anne.
"Teka lang ah parang nakita ko siya" Sabi ni Anikka at tumayo.
Hindi ko na siya sinundan ng tingin nang biglang may nagsalita.
Sh*t si Jerome! Parang kabute, sulpot nang sulpot!
"Alya pwede ba kitang makausap?" Tanong niya. Nagtiim bagang ako. Hindi man lang siya nahiya o natinag man lang dahil kasama ko si Ian. Si Ian na fiance ko! Hindi ko na napigilan ang pagtayo ni Ian. Agad niyang kinuwelyuhan si Jerome.
Pumagitna ang mga kaibigan namin dahil hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. I hate it. Ayokong may nag-aaway sa harapan ko. Ayaw ko kasi nakakatakot!
"Hindi ka ba talaga titigil ah? Alam mo napapansin na kita. Iba ka makatitig sa asawa ko!" Mariing sabi ni Ian. Hindi sila pwedeng mag-away rito.
Sh*t!
" Bro tama na yan. Pinsan yan ni Jenny, at ikaw naman Jerome bumalik kana sa table ninyo" Mahinahon ang boses ni Lance nang sinabi niya iyon sa dalawang lalaki.
"Asawa? Nagpapatawa ka ba? Kailan kayo kinasal? Hindi mo siya asawa" Tumayo ako at tiningnan ng masama si Jerome.
Sumosobra na siya!
"Kahit kailan hindi mo siya magiging asawa Ian. Tandaan mo yan. Aagawin ko siya sayo" Nakangising sabi ni Jerome bago pumihit at umalis sa harapan namin.
Hindi ko maintindihan kung bakit nakikigulo tong si Jerome!
"Fuck you ulul! Hanggang tingin ka na lang" Sumigaw na si Ian kaya naman pinagtitinginan na kami ng mga bisita.
Tumigil si Jerome at humarap saamin.
"Tingnan natin" Mala-demonyo niyang sabi.
Gusto kong bulyawan si Jerome kung hindi lang nakakahiya. Ako na naman ang dahilan kung bakit nagkagulo!
"Fuck! Mapapatay kita!" Nanggigil na sigaw ni Ian.
Kinalma siya ng mga kaibigan namin. At ako naman naupo na lang ulit. Nawawalan ako ng salita. May nakadagan sa dibdib ko na malaking bagay, hindi ko maintindihan kung saang parte ng pangyayari ang nagpabigat ng dibdib ko.
Tinungo ko ang ulo ko sa table at pumikit. Bakit ba may ganitong nangyayari?
"Okay ka lang?" Tinaas ko ang kamay ko at nag-sign ako na 'Okay lang' kahit hindi naman.
Ang sakit ng puson ko. Feeling ko mamamatay na ako sa sakit!
Magkakaroon yata ako. Umayos ako ng upo at lumingon sa kakaupo lang na si Ian. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako.Nanghihina ako. Ang sakit talaga.
"Fuck Alya!" Sigaw niya ng pinikit ko ang mata ko.
Naramdaman na ng pisngi ko ang mainit niyang palad kaya dinilat ko ang aking mata
![](https://img.wattpad.com/cover/66317265-288-k730481.jpg)
BINABASA MO ANG
Herrington 2: Precious Gift (COMPLETED)
Storie d'amorePaano kung nabiyayaan ka ng pinakamahalagang regalo na maaari mong matanggap sa panahong hindi mo pa kayang tanggapin, paano kung biniyayaan ka ng anak, ng kambal na anak pero kapalit noon ang pag-iwan sayo ng mahal mo? Maituturing mo pa rin ba ito...