Oxygen Mendoza.
--------------------------
Bumalik siya sa paghiga niya at ramdam ko ang mabilis niyang paghinga dahil narin sa balikat niyang nagtaas baba.
Sinikap kong masuot ang damit ko at laking pasalamat ko nang nagawa ko iyon nang mabuti.
Humiga ako sa kama at kinumutan ang sarili ko. Pinikit ko ang mata ko. Maya-maya lang ay napadilat ako! What the fuck!
May humawak sa hita ko at hindi lang iyon may kasamang haplos pa iyon.
Tinampal ko ang mainit niyang kamay na nasa hita ko.
"Walang hiya! Manyak!" Sita ko.
Narinig ko ang ngisi niya.
Bwisit! Anong akala niya? Porket nakatabi namin siya sa pagtulog ay bati na kami? Hell no!
Pinikit ko ang mata ko at nagpapasalamat naman ako at hindi siya naging makulit. Pinatulog niya ako nang mabuti.
Hindi ko alam kung anong oras na? Pero pakiramdam ko ay maaga pa kaya tinuloy ko ang mahimbing na tulog ko.Gigisingin naman siguro ako ng kambal ko kaya hindi na ako nabahala at natulog ulit.
Napaungol ako nang bumigat ang kumot. Hinayaan ko iyon at mas lalo kong pinikit ang mata ko. May bigla namang bagay na dumampi sa leeg ko. Ano ba to!Dumilat ako and I swear pinapatay ko na si Ian sa isip ko.
Tinulak ko siya pero hindi siya nagpaawat at mas lalong diniin ang sarili niya saakin. Nagpapatuloy rin siya sa paghalik sa leeg ko.
Kinagat ko ang labi ko at pumikit. Gusto ko ng sumuko." I'm sorry.." Bulong niya sa leeg ko.
Hindi ako kumibo at mas lalong kinagat ang labi ko.
Gumalaw siya sa ibabaw ko. Shit.Pumikit ako nang mariin at hinayaan siya na baliwin ako.
Kahit na may mga damit kami ay ramdam ko parin ang init sa katawan namin."Ohh" Narinig kong ungol niya. Shit.
Dumilat ako at hinayaan ang luha ko.
I missed him so much pero nasasaktan ako. Hinawakan niya ang pisngi ko at tinitigan ako sa mata. Umiiling ako sa bawat titig niya saakin.
"Masakit... Ayoko na" Bulong ko.
Niyakap niya ako at naramdaman ko naman ang malamig na tubig na tumulo galing sa mata niya.
He's crying too.
Hinaplos ko ang likod niya siya naman ay hinahalikan ang leeg ko. Natahimik ako nang pilit niyang ikuwento ang mga bagay na hindi ko alam..Ang mga pangyayari na hindi ko alam. Sa mga panahon na iyon na ang akala ko ay ako lang ang nasasaktan pero hindi pala.
Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko sa mga kinuwento niya saakin. Humihikbi ako at niyakap siya nang mahigpit. 'yong inipon kong pagkasabik sa yakap niya ay binuhos ko na.
"Ang sabi ni Anne gumising daw ako nung october 6 2015, alam kong birthday mo iyon at kinabukasan sabi nila ay bumalik ako sa pagkatulog. Laging ganon ang paggising ko. Nakakaramdam lang ako kapag dumating ang araw na iyon. Hindi ko pala alam na yung dalawang anghel na gumigising saakin ay ang bunga ng pagmamahalan natin" Huminto siya at naramdaman ko ang pagsipsip niya sa leeg ko.
Paborito niya ata iyon.
Kung alam ko lang talaga.." I'm sorry Ian. Hindi ko alam" Humihikbi kong sabi. Umiling siya at mas pinagtuunan ng pansin ang leeg ko.
"Sshh I love you" Yan lang ang lagi niyang sinasabi kapag nag so-sorry ako.
Lumipat ang labi niya sa labi ko. Pareho kaming umiiyak. Nakadampi lang ang labi niya sa labi ko. Hinaplos ko ang buhok niya. Namiss ko siya ng sobra..
Dahan-dahan niyang ginalaw ang labi niya. Bawat hagod ng labi niya sa labi ko ay humihiyaw ako sa sobrang bagal
Hinuli niya rin ang dila ko. Sinipsip niya iyon at nang nagsawa siya ay pinagdikit niya ang noo namin.
Tumulo ang luha niya sa pisngi ko. Inabot ko ang labi niya hindi niya naman ako binigo at sinuklian ang halik ko.Nagising siya mula sa mahabang pagkakatulog sa ikatlong gising niya nagpatuloy na siya at hindi na bumalik sa tulog.
Naghalikan kami, 'yong tipong amin lang ang mundo at bawal ang ibang makisawsaw. Dumapo ang palad niya sa dibdib ko.
Napadaing ako. Kahit na nasa ibabaw iyon ng tela ay ramdam ko parin ang init ng palad niya.
Tumigil kami sa ginawang halikan. Pareho kaming naghahabol ng hininga. Niyakap ko siya at hinalikan ang balikat niya. Hinayaan ko ang palad niyang nasa loob na ng damit ko. At tulad ng dati wala akong bra kasi nga hindi ako sanay matulog ng may bra.May naramdaman akong kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko. Niyakap ko siya nang mahigpit sa ginagawa niyang paghaplos don.
Namiss ko iyon.
Umungol ako at pumikit.ANNE'S POV
Hawak ko ang kamay ng kambal. Sila na ang kumatok sa pintuan ng kwarto nila. Ngumuso ako nang natagalan sa pagbukas si Kuya. Sana magkakahappy ending na sila.
"Kuya naman ang tagal mo" Nakanguso kong sabi.
Ngumisi siya.
"Naka iskur si kuya eh" Nanlaki ang mata ko.
"Talaga? Kuya 'tong kambal hinahanap ang mommy nila" Kinuha niya naman ang kambal saakin kaya iniwan ko na sila.
Happy Family :)
Kinuha ko naman ang phone ko at binasa ang mensahe na galing sakanya.
Siya:
Im here. Na saan ka?Ako:
Going. Wait.Lumakad ako at dumiretso palabas. Hinanap ko ang kotse niya at nanh makita ko naman ay agad na bumaba ang salamin ng front seat. Nakakunot ang noo niya habang pinagmamasdan ako sa paglalakad palapit sakanya. Bumaba siya at umikot. Hinapit niya ako sa baywang at mas lalong kumunot ang noo niya.
"Bakit ka natagalan?" Masungit niya tanong saakin.
"Oxy naman, kasama ko 'yung kambal kanina tapos hinatid ko pa sila kay kuya" Ngumuso ako.
Nawala naman ang pagkakunot ng noo niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayang pumasok sa front seat.
Hinintay ko siya makasakay sa driver seat. Ngumisi siya.
Kapag kami lang dalawa madalas niyang pinapakita ang other side niya. Kapag naman nasa maraming tao kami, 'yung other side niya naman which is super duper sungit.Hinila niya ako at siniil ng halik. Gumanti ako ng halik kaya mabilis niya iyon pinutol!
What! Tsss!
"No kiss for a bad girl baby" Nakangisi niya sabi.
No kiss daw pero hinalikan niya naman ako! Atsaka ano? Bad girl? Sino? Ako?
"Kailan pa ako naging bad?" Sabi ko.
"Ngayon. Look at you. I can see your bra" Matigas niyang sabi.
Hays.
"Ano gusto mo mag hubad ako? Hindi na kita maintindihan" Hiyaw ko.
Bumaba ako ng kotse niya at naglakad palayo. Hindi pa ako nakakalayo nang hinablot niya ang braso ko. Nakakunot ang noo niya. Hinila niya ako at biglang hinalikan sa labi. Hindi niya gusto ang 'make a scene in a public' Masyado siyang strikto sa salitang PDA. Ayaw niya.
Pero heto siya ngayon. Hinahalikan ako sa maraming tao. He kiss me like he never kissed me before. Malalim iyon at kumalas lang siya nang tumikhim si kuya. Niyakap niya ako bago niya binalingan ng tingin si Kuya.
"Sorry bro, masyadong matampuhin ang kapatid mo" Hinampas ko siya sa braso sa sinabi niya.
Nagtawanan naman sila sa sinabi ni Oxy.
"Kayo pala ni Anne? Grabe ah! Si Monica kay Matt Everlastjng at ikaw? Kay Anne? Wow" hindi makapaniwalang sabi ni ate.
Mahirap, at masakit ang pinagdaanan naming dalawa. Masyado niya akong nasaktan dati at ngayon ay bumabawi palang siya. Ngumisi ako at hinalikan ang dibdib niya. Nanigas siya sa ginawa kong paghalik.
Sorry, I won't let you rule us this time.
BINABASA MO ANG
Herrington 2: Precious Gift (COMPLETED)
Storie d'amorePaano kung nabiyayaan ka ng pinakamahalagang regalo na maaari mong matanggap sa panahong hindi mo pa kayang tanggapin, paano kung biniyayaan ka ng anak, ng kambal na anak pero kapalit noon ang pag-iwan sayo ng mahal mo? Maituturing mo pa rin ba ito...