PRECIOUS GIFT 28

3.6K 73 5
                                    


Pinuntahan namin ang second year building. Mahihirapan kami kasi kahit pangalan ay hindi naman alam at hindi rin namin alam ang course niya.

"May kilala ba kayong Mr. Sanpedro?" Tanong namin sa bawat taong nakakasalubong namin.

"Wala po eh" Lagi nilang sagot.

Saan namin hahapin ang kapatid niya? Siya nalang ang paraan para malaman namin kung saan sila nakatira.

"At kung malaman mo kung saan sila nakatira anong gagawin mo?" Tanong niya. Napaisip din ako. Hihingi ng tawad? Tatanggapin ba?

"Alam mo bessy hayaan mo na. Hindi mo naman kagustuhan eh kasalanan niya lahat. Halika na nga mas maganda pang magmall tayo, magpa-manicure and pedicure pa ako eh at ikaw rin" Wala na akong nagawa at sumunod nalang sa kaibigan.

Tama naman siya. Si Kiya ang may kasalanan ng lahat. Sana lang ay huwag niya akong sisihin sa lahat ng kasalanan niya. Pumara kami ng taxi. Hindi parin nawawal sa isipan ko ang nangyari kay Kiya. Sana ay may natutunan na siya sa lahat ng nangyayari. Masama kasi ang ipilit ang sarili sa taong hijdi ka naman pinapahalagahan.

Tinext ko si Ian na huwag na akong sunduin kasama ko naman si Kim at may lakad kami. Alam ko namang busy siya graduating student kaya siya.

"Bessy isama mo naman ako kapag pupunta ka kina Oxy" Ngumisi lang ako sa kalokohan ng kaibigan ko.

"Adik" Utas ko.

"Inlove ako at hindi adik" Ngumuso niyang sabi.

"Oo na. Lahat nalang ng gwapong lalaki ay sinasabi mong inlove ka" Sabi ko.

Sunod lang ako nang sundo kay Kim. Gaya ng sabi niya magpa-pedi at manicure kami. Pagkatapos noon naglibot-libot sa bawat shop. Namili siya ng mga gamit, mostly pang lalaki.

"Good evening po Mama, Dad" Bati ko. Ginabi na ako ng uwi dahil sa lakad namin ni Kim.

May napansin nga ako sa labas. Parang kinilabutan ako nang may anino ng tao akong nakita kaya nagmamadali talaga akong pumasok. First time kong makaramdam ng kakaiba rito sa amin. Kahit kasi gabi na at maglalakad ka lang ay wala kang makikitang nakakatakot na bagay ngayon lang talaga. Bukod doon sa lasenggo.

"Kumain kana ba?" Tanong ni amama

"Opo Ma nagdinner na kami ni Kim" Sabi ko.

Tumango lang sila kaya iniwan ko na sila sa sala. Nanonood sila ng tv. Pumasok ako sa kwarto ko at binaba ang bag ko. Nakakapagod kasama si Kim mas bet ko pa sumama kay ate Jenny kahit na pagtitripan lang ako. Nakita ko sa gilid ng mata ko na may taong nakahiga sa kama ko. Nanlalaki ang mata ko at ready na akong sumigaw nang yumakap siya saakin.

Mainit at kilala ko ang mainit na iyon!

"Ian?" Naramdaman kong tumango siya. Shit siya nga.

Ang bango niya at ang likot-likot na naman ng mga kamay. Nagtataas baba kasi ito sa likod ko.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko. Hinalikan niya lang ako sa leeg kaya humiwalay ako sakanya.

Shit marumi ako! Puno ng alikabok! Galing ako sa labas at mabaho ako!

"Alam ba nila Mama?" Tanong ko. Tumango siya kaya lumabas ako ng kwarto at bumaba para puntahan sila mama.

"Ma" Tawag ko. Mukhang alam na nila ang sasabihin ko kaya hindi nila ako pinansin!

Really? Anong meron?

"Ma, dad" Tawag ko ulit.

"Okay lang 'yan wala naman kayong gagawin hindi ba?"Sabi ni Dad.

Herrington 2: Precious Gift (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon