Umalis ako sa pool at tumungo sa mga kaibigan ko na ngumingisi at parang ewan na nakatitig saakin."Walang hiya talaga! Nang-aagaw bwisit" Naiinis kong sabi sabay upo sa inuupuan ni Ian kanina.
"Nakakainis. Bwisit!" Sabay tungga ko ng alak.
Bahala na kung kanino man iyon.
"Alya tingnan mo yung mag ama mo ang saya saya nila" Nagpoker face ako sa sinabi ni Kim.
Tumungga ulit ako at kahit masakit sa lalamunan ay sige pa rin ako. Gusto kong maalis ang galit sa puso ko.
" Bakit ba ngayon lang natutong magparamdam? Walang hiya talaga. Bwisit kung kailan unti-unti ng naghihilom saka naman niya lalagyan ng alcohol" Tumunganga ako sa alak na kalahati nalang ang laman.
Bagong kuha ko lang non at hindi ko alam kung nakailang bote na ako.
" Masakit man ang pagbabalik ko wala akong magagawa, Iyon nalang ang tanging paraan para mabawi kayo" May halimaw na nagsalita.
Sinulyapan ko siya. Tatlo ang nakikita ko.
"Saan ang mga anak ko?" Napatanong ako.
Kahit na dumobol pa ang paningin ko ay lagi ko paring uunahin ang kalagayan ng mga anak ko.
"Mag-usap nga kayo. hmp" Nag sitayuan ang mga nakaupo at ang alam ko na lamang ay mag isa ko nalang sa round table na ito.
Walang ibang tao dahil private itong nakuha nila Jenny.
Saan ang kambal?
"Mga anak ko Ian na saan na?" Sigaw ko.
Hindi siya natinag at binawi ang alak na hawak ko.
" Na kay Anne, Pwede ba huwag kang uminom ng alak na parang sanay na sanay ka" Sumigaw din siya kaya nag init ang kalooban ko.
Tumayo ako at marahas na hinampas ang mesa. Nahulog ang mga bote at hindi ko alam kung may nabasag ba o wala.
Alam kong nasa katinuan pa ako. Kasi nandito parin ang sakit. Nanunuot parin sa sugatan kong puso."How dare you to shout at me like that? What the fuck Ian. Will you just go away like what did? Will you just bury your stupid actions kung hindi naman totoo" Nanlilisik ang mata ko nang tiningala ko siya
Nanghina ako sa titig niya.
Mas lalo iyon naging intense.
Tinalikuran ko siya at naglakad nang diretso. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala na akong pakealam.
Naririnig ko ang tunog ng alon. Ang amoy ng dagat at ang malamig na simoy ng hangin.Tahimik akong umiiyak. May nakita akong puno ng niyog kaya naisipan kong umupo roon. Binaon ko sa tuhod ko ang luhaang mukha ko.
Niyakap ko rin ang binti ko. Malamig.
Iniyak ko ang lahat. Lahat lahat.
Tiningala ko ang maliwanag na langit. Pinahid ko ang luhang nasa ilalim ng mata ko.
Isa lang ang hinihiling ko.Ang mawala ang lahat ng sakit.
Kung totoo ang falling star sana matagal ng napawi ang sakit. Lagi naman ako humihiling sa langit. Sa mga bituin na sana mawala ang sakit na nararamdaman ko.4 years was enough to love him. Sana matutunan ko nang hindi maapektuhan sa mga ginagawa niya, Like I said. Mas mabuti pang ilibing niya nalang ang mga pekeng pinapakita niya kung hindi naman totoo.
Ano bang akala niya? Na nasa isang palabas kami? At siya ang bidang lalaki at ako naman ang bidang babae? Na kahit anong sakit ay sila parin sa huli? Na talagang may hustisya sa nag lamat nilang pag-iibigan? Pwes! Gusto ko siyang buhusan ng mainit na tubig, 'yung tipong kumukulo ng ilang oras para magising naman siya sa kahibangan niya.
BINABASA MO ANG
Herrington 2: Precious Gift (COMPLETED)
RomancePaano kung nabiyayaan ka ng pinakamahalagang regalo na maaari mong matanggap sa panahong hindi mo pa kayang tanggapin, paano kung biniyayaan ka ng anak, ng kambal na anak pero kapalit noon ang pag-iwan sayo ng mahal mo? Maituturing mo pa rin ba ito...