Nakahiga ako sa sofa habang kumakain ng chips at nanonood ng tv. Inaantok na naman ako pero maganda 'yung palabas kaya pinilit ko talaga na nanatiling dilat ang mga mata ko.Hindi ko makatext at makausap si Ian, may importante siyang ginagawa.
Anne:
Ate mag-isa ko lang sa bahay :3 Si kuya Ian busy, si Mommy naman ay sumama kay Daddy tapos yung artista ko namang kuya may taping. ArghME:
Puntahan kita gusto mo?Anne:
Huwag na ate. Ako ang pupunta sayo later.Me:
Okay, see you.Umalis si ate Ley para mag padala ng pera sakanila kaya mag-isa ko lang sa bahay. Naiinip din ako kaya eto nanood na lang ng tv. Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako. Umuulan, himala at umulan ngayon. Alas tres na ng hapon kaya dumiretso ako sa kusina at naghanap ng makakain. Binuksan ko ang ref ngumuso ako nang wala akong nagustuhan. Kapaag umuulan ang sarap kumain ng champorado pero tuwing iniisip ko ang kulay nito ay bumabaliktad talaga ang sikmura ko.
Ano ba yan!
Kinuha ko nalang ang mansanas na nakita. Hinugasan at hiniwa, kumuha rin ako ng platito at naglagay ng asin. Bumalik ako sa sala at umupo sa sofa. Nilapag ang lalagyan ng apple at asin. Kumuha ako at dinip sa asin ang apple tsaka nilagay sa bibig.
Sarap!
Tumayo ulit ako at bumalik sa kusina. Kumuha ako ng baso at binuksan ang ref tsaka nagsalin ng tubig . Ininom ko iyon habang pabalik sa kinauupuan ko kanina. Pinalitan ko ang channel at O Shopping ang napili ko. Naglalaway ako sa mga pagkaing niluluto nila. Shrimps ang sarap tingnan.
Nang mapagod sa kakanood ay pumanhik ako sa kwarto at natulog nalang. Nagising naman ako sa sunod-sunod na pagtunog ng cellphone ko.
Anne callling....
"Hello?" Sagot ko sa tumawag.
"Going na ako ate" Sabi niya. Sinulyapan ko ang wall clock at 5pm na iyon.
" 5 pm na ah, sige mag-iingat ka ah" Sabi ko at bumangon.
"Opo" Binabaan niya na ako kaya lumabas narin ako ng kwarto at bumaba.
Hindi talaga nagtetext si Ian! Tss ganon ba iyon kabusy? Kahit Hi? Hello?
ME:
Anong ginagawa mo? Bakit hindi ka nagtetext?Naghintay ako ng ilang minuto wala pa rin. Nakatanggap ako kaninang 10 am ng text galing sakanya pero hindi ko na replayan kasi nga nakatulog na ako non at ngayon lang nagising. Kung kelan naman ako nagreply tsaka naman siya hindi nagrereply!
Ian:
Baby kumain ka ng marami ah? Pupuntahan kita jan.Yan ang text niya kanina.
Me:
Akala ko ba pupuntahan mo ako?Hindi rin siya nagreply kaya tinapon ko ang cellphone ko. Bwisit!
5:30pm na wala paring Anne na lumalabas ang tagal naman niya. Nagmadali akong lumabas ng bahay nang may nag doorbell. Binuksan ko ang gate at hindi ko inaasahan ang nakita ko.
Si Jerome.
"Bakit ka nandito?" Masungit kong tanong.
"Si Anne naaksidente" Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.
"A-ano?" Nauutal kong tanong.
"Si Anne na aksidente, Nabangga ang sasakyan nila. Siya at yung driver nila ay nasa ospital. Kaya tara na Alya" Seryoso siya. Fuck
BINABASA MO ANG
Herrington 2: Precious Gift (COMPLETED)
RomancePaano kung nabiyayaan ka ng pinakamahalagang regalo na maaari mong matanggap sa panahong hindi mo pa kayang tanggapin, paano kung biniyayaan ka ng anak, ng kambal na anak pero kapalit noon ang pag-iwan sayo ng mahal mo? Maituturing mo pa rin ba ito...