PRECIOUS GIFT 41

3.8K 80 0
                                    


Para akong timang na nakatingin sa malayo. Nasa labas ako ng bahay habang nakaupo sa kahoy na upuan.

Nagising na naman ako sa mundong hindi ko kilala. Heto na naman ako at hinahanap ang presensya niya.

"Aaaaccccccck" hindi ko napigilan ang pagsuka nang may maamoy ako na mabaho.

Shit!

Tumingala ako at naging mabuti ang pakiramdam nang makita ang berdeng mangga na nasa itaas.

Ang sarap.

Bakit ba pa iba-iba ang mood ko? Bakit minsan sobrang inaantok ako kahit na buong magdamag naman akong tulog at bakit pag gusto ko ang isang bagay ay  gusto ko makuha kaagad except sa isang tao... Si Ian

Parang ang hirap niyang abutin.. Isang linggo na siyang hindi nagpapakita saakin at alam niyo bang miss na miss ko na siya.

Sinulyapan ko ang kakalabas lang na si ate Ley.

"Cellphone mo Alya?" Tanong niya.

Nilapitan ko siya at nakitang cellphone ko nga iyon. Kinuha ko iyon kaagad at in-on kaso ayaw ma-on, lowbat siguro.

"Akin to ate. Salamat at nahanap mo" Tumango naman siya kaya sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay.

Ako paakyat ng hagdanan siya naman ay pinagpatuloy ang paglilinis niya. Chinarge ko ang cellphone ko at tinapon ang sarili sa kama ko.

Bakit ba natitiis ako ni Ian? Nagawa niya na ito saakin ah at talagang balak niyang ulitin. Isang linggo niya ako hindi pinupuntahan. Isang linggo niya ako tiniis at isang isang na walang Ian sa buong araw ko.

Ayokong isipin na mangyayari ulit iyon pero sa mga nangyayari ngayon parang ganon na rin. Bakit? May nagawa ba ako? May nakita na naman ba siya? Shit kailan ba siya magtitiwala sa pagmamahal ko para sakanya?

Kailan niya ba matutunan ang magtiwala saakin? Kailan siya magtitiwala saakin? Kung huli na ang lahat?

Hinaplos ko ang suot kong kwintas na bili niya at tinaas ko rin ang kamay ko kung saan nakasuot ang singsing sa daliri ko.

Mga bagay na binigay niya na puno ng pagmamahal pero bakit ganon? Bakit hindi ko siya ramdam sa mga nakaraang araw? Ganon nalang ba iyon kadali? Kakalimutan niya na ang lahat?

Alya baka busy lang? Malay mo may supresa pala siya para sayo.

Ginawa kong busy ang sarili ko sa pag-aayos ng kwarto ko. Ang kalat kalat na ng kwarto ko.
May nakita akong isang box sa ilalim ng kama ko may pangalan iyon at nakasulat ang mga letra ng pangalan ko.

Ano kaya ito?

Hinaplos ko iyon at nilagay sa kama ko, bubuksan ko ito mamaya. Naligo ako pagkatapos kong maglinis at lumabas ng kwarto nang katukin ako ni Dad.

" Kumain na tayo Alya, bawal ang diet anak" Natawa na lang ako sa sinabi ni Dad at sabay na kaming bumaba.

Umupo ako sa upuan ko at kumuha ng pagkain. Hindi ko gusto ang nakahanda pero kailangan kong kumain. Feeling ko kakailangan kong magpalakas.

"Anak dito magbabakasyon si Monica at siguro ay kasama rin si Oxygen" Tumango ako sa sinabi ni mama.

Alam ko na iyon dahil sinabi niya na iyon saakin.

Nauna akong natapos sakanila kaya hinintay ko ring matapos sila bago tumayo.

"Sige na kaya ko na" Agad naman ako sinabihan ni ate nang umamba akong tutulungan siya.

Okay ba! Busy rin ako eh. Nakapagdesisyon ko na kasing ako ang dadalaw kay Ian bukas ng umaga. Umakyat na kaagad ako sa kwarto at naglock. Tinanggal ko sa saksakan ang charger ko at kinuha ang phone. Umupo ako sa kama at hinintay ma-on ang phone ko.

Herrington 2: Precious Gift (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon