Dedicated to: ashbhie
-----------------------------------
Naka-upo kaming pareho sa damuhan habang magkahawak kamay. Napangiti ako sa nangyari kanina. Hindi ako makapaniwala.
Ang saya saya ko.
"Happy monthsary baby,Will you marry me?" Tanong niya ng nakangiti.
Napatakip ako sa bibig ko sa sobrang gulat. Tumango ako bilang sagot, sobrang laki ng ngiti niya nang sinuot niya ang singsing saakin. Tumayo siya at niyakap ako ng sobrang higpit napayakap narin ako.
" I love you baby" Bulong niya.
hindi ko napigilang hindi mapaluha. Eto ba yung tinatawag nilang tears of joy? Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa sobrang saya.Pero.. Hindi pa ito ang oras namin, hindi dapat kami magpadalos-dalos. May mga pangarap kaming tinutupad at kasama ang pagpapakasal doon.
Handa siyang maghintay hanggang sa maging ready na ako. Ang sarap lang sa pakiramdam na kahit hindi pa kami gaano katagal ay iisa na talaga ang takbo ng puso namin. Pinag-isa kami dahil sa pagmamahal.
Pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya. Naramdaman ko namang hinalikan niya ako doon. Sana laging ganito. Laging masaya yung walang problema. Alam ko namang kasing may pagdadaanan pa kami ni Ian na mga pagsubok. Hindi pa kami nangangalahati sa pagsubok namin.
"Baby sasabihin ko na kela mama"Bulong ni Ian. Napatingin ako sakanya sa sinabi niya. Sure na ba siya?
"Baka ka-" Hindi ko natapos sasabihin ko ng bigla niya ko hinalikan sa labi.
Smack lang pero pagkatapos ng ilang segundo ginalaw niya na rin ang labi niya. I kissed him back like the way he kissed me. Gentle yet hot kiss. Hinaplos niya ang likod ko habang nag hahalikan kami. Hinawakan ko rin ng sobrang higpit ang kamay niya at napapikit. Dumilat ako ng bigla niyang tinigil ang halikan namin. Ngumiti siya at hinalikan ako ulit yung tipong binasa niya lang anh labi ko gamit ang matamis niyang labi tsaka niya hinalikan ang noo ko.
"Halika na baka gutom na sila baby" Ngisi niyang sabi.
Noong una hundi ko pa gets kung anong sinasabi niya at nang narealize ko kung ano ang pinaparating niya natawa ako.
Mahigit isang oras din kami sa lugar na nadiskubre ni Ian, gusto ko na iyon gawin regular dating place. Ang gaan lang sa pakiramdam ang paligid na ganoon, nababalot ng katahimikan.
Kumain kami sa resto bar malapit lang sa school at pagkatapos noon hinatid niya na ako. Hindi na kami nag-usap ng matagal dahil may klase siya at baka malate pa siya. More ten minutes byahe niya papuntang school nila pero kung nakahigh speed siya baka 5 minutes lang iyon pero sana hindi!
"Kyaaaaaa Alyaaaaaa" Nakakabinging hiyaw ni Kim nang makita niya ang singsing ko.
"Ano ba" Saway ko sakanya.
"Guys ikakasal na si Alya soon" Galing. Nakuha pang iannounce.
"Talaga? Ang swerte naman talaga ni Alya" Nakisawsaw narin ang iba.
BINABASA MO ANG
Herrington 2: Precious Gift (COMPLETED)
RomancePaano kung nabiyayaan ka ng pinakamahalagang regalo na maaari mong matanggap sa panahong hindi mo pa kayang tanggapin, paano kung biniyayaan ka ng anak, ng kambal na anak pero kapalit noon ang pag-iwan sayo ng mahal mo? Maituturing mo pa rin ba ito...