Sabado at nasa bahay lamang ako. Busy si Ian dahil may practice sila sa school kaya kami lang nila Mama ang nasa bahay kasama si ate Ley. S Dad naman ay nasa trabaho niya.Nasa kwarto lang ako at nakatunganga sa cellphone.
Tumunog ang cellphone ko at sinagot agad ang tumawag.Unknown number kaya ni-loudspeaker ko nalang iyon.
"Alya" Bungad ng tumawag.
"Sino 'to?" Tanong ko
"Jerome" hindi ko na rin siya nakikita sa school at dapat lang kasi kung makikita ko siya ay iiwasan ko rin siya.
Hindi ko alam kung saan niya na naman nakuha ang numero ko! Kapag malaman ito ni Ian, manggagalaiti na naman iyon sa galit.
Ang kapal ng mukha niya para yayain akong makipagdate. Pagkatapos ng ginawa niya sa tapat ng bahay namin?
"Alya pwede bang magkita tayo?" Tanong niya ng di ako nagsalita.
"Para saan?"Tanong ko.
"Sasabihin ko kapag pumayag kana" Sabi naman niya.
Umirap ako sa kawalan. Nakakainis!
"Wala akong oras. Pwede bang huwag mo na akong guluhin pa?" Sabay end ko ng tawag niya.
Nakipagtitigan ako sa kisame habang hinakawan ang kwintas ko.
Ilang araw nalang ga-graduate na si Ian, nakakaproud lang.
"Alya kakain na" Tawag ni ate Ley. 25 years old na siya at single mom.
Tinanong ko nga siya about sa baby niya kung paano niya nakayanan na mahiwalay sa anak. Ang sagot niya naman ay kailangan para mabuhay sila. Ang baby niya ay nasa parents niya sa probinsya at nagpapadala na lang siya ng pera para may panggastos ang Tatay at Nanay niya sa probinsya.
Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko ang pinagkainan namin nang pinigilan niya ako.
"Ako na d'yan, Alya. Umakyat kana sa kwarto mo" Sermon niya saakin. Grabe siya tutulungan na nga.
"Sige na salamat nalang" Nagkibit balikat ako at umakyat na.
Naabutan kong nagriring ang cellphone ko. Sasagutin ko na sana nang tumigil sa kakaring.
One missed call from Kim
Ako na ang tumawag sakanya at sinagot niya naman kaagad.
"Lahat nalang s-sila sinasaktan ako *sobs* wala bang matino na lalaki na magmamahal saakin? b-bessy ang s-sakit sakit na" Umiiyak siya. Shit.
"Ssh kumalma ka Kim. Na saan ka ngayon?" Tanong ko.
Humikbi siya bago sumagot.
"Nasa tapat ng b-bahay niyo" Sabi niya at umiyak ulit.
"ANO?!" Mabilis ako bumaba at dumiretso sa pintuan.
Nakasalubong ko si Mama.
"Bakit anak?" Tanong ni mama
"Si Kimberly po nasa labas" Sabi ko at lumabas tsaka tinungo ang gate. Binuksan ko iyon at nakita si Kim na umiiyak, nakaupo sa sahig.
"Bakit hindi ka nagdoorbell?" Tanong ko at pinatayo ko siya.
"Tahan na" Sabay haplos ko sa likod niya. Kaya lang mas lalo siyang umiyak nang umiyak.
Inaya siya sa loobg ng bahay.
BINABASA MO ANG
Herrington 2: Precious Gift (COMPLETED)
RomansaPaano kung nabiyayaan ka ng pinakamahalagang regalo na maaari mong matanggap sa panahong hindi mo pa kayang tanggapin, paano kung biniyayaan ka ng anak, ng kambal na anak pero kapalit noon ang pag-iwan sayo ng mahal mo? Maituturing mo pa rin ba ito...