ALYA MENDOZA POV
"Fuck shit! Sana namatay kana lang! Fuck you! Bakit pa? Bakit ka pa bumalik? After 4 years uh? Tapos ano babawiin mo ang mga anak ko? Fuck you wala kang anak Damn!" SIGAW ko.
Yes sumisigaw ako! Nagulat ang mga kaibigan ko sa biglaan kong pagsigaw. Paano ako hindi sisigaw kapag paggising ko wala na sa tabi ko ang kambal? Alam mo 'yung feeling ng iniwanan? Iyon ang naramdaman ko kanina.
"Akira, Andrei hali kayo kay mommy. Uuwi na tayo" Lumapit naman ang dalawa kaya hinawakan ko sila sa kamay.
"Alya.." Hindi ko pinansin ang tawag niya at dumiretso na lang sa kwarto.
Fuck! Paano kami uuwi ngayon? Sinong maghahatid saamin? Ayoko naman maistorbo ang mga kaibigan ko at nakakahiya sa may birthday! My gosh kung alam ko lang na ganito ang mangyayari edi sana hindi na kami sumama. Hindi kumikibo ang kambal. Parang nakakaramdam sila na wala ako sa mood. Niyakap nila ako nang nasa kama na kami. Yumakap ako pabalik.
"Huwag niyo iiwan si mommy. Natatakot ako" Tumango ang dalawa na para bang alam na alam nila ang ibig sabihin non.
May kumatok at maya-maya lang ay may pumasok, si ate Jenny. Nginitian niya ako. Napansin ko naman ang dala niyang pagkain.
Hays.. Sa sobrang panic ko hindi ko na naalagaan ng maayos ang baby ko. Ni hindi ko alam na hindi pa sila nakakain! Anong klaseng ina ako? Ngumuso ako at kinuha ang dala niyang pagkain. Umupo lang siya sa kama at nginingitian ako.
Sinubuan ko ang kambal hanggang sa matapos silang kumain. Kinuha ni ate ang dala niyang tray at lumabas na. Hindi man lang ako nakapag thank you.
5 pm na yata. Hindi ko alam kasi nasa disney channel ang tv nanonood ang kambal.
Bigla namang nagpakita si Kimberly. Tinitigan ko siya. Ang laki ng tiyan niya, ilang months kaya?
"Kamukha ni Andrei si Ian ano?" Inirapan ko siya.
Tumawa lang siya at umupo sa tabi ko. Hinihimas niya ang tiyan niya habang nakatingin sa kambal na nanonood ng tv.
" Sana ganyan kalusog ang baby ko. Ang ganda ng lahi" Tumawa pa siya sa huli niyang sinabi.
"Gusto ko nang umuwi kim. Nasasakal ako rito. Natatakot din ako" Naging seryoso ang mukha niya sa sinabi ko.
Hinawakan niya ang kamay ko at mahigpit na hinawakan iyon.
"Makinig ka ng mabuti, hindi ko na ito uulitin pa okay?" Kahit na naguguluhan ako ay tumango parin ako.
" Once upon a time, there was a boy who tried to chase his dream, But, suddenly this fate we called, Crash him down. He tried to chase his princess. His runaway princess but the prince failed. He failed to chase the dream of him. He's the boy version of sleeping beauty. Na-comma siya for three damn years Alya. Nakakatakot ang bangungot na iyon" Huminto siya sa pagkukuwento.
Hindi ko siya maintindihan. Mahilig ba siya sa fairytales na always may happy ending?
"Kailan ka pa nahilig sa fairytales Kim?" Napatanong ako.
Lumungkot ang mata niya at umiling-iling. Pinakawalan niya ang kamay kong hawak niya.
" Hindi naman iyon fantasy lang. True story kaya 'yon. Mahirap mang paniwalaan pero nangyayari talaga" Ngumiti siya ng mapakla.
"Bakit kasi ganon? Oh tapos nagising ba ang prince?" Tanong ko.
Inirapan ako ng buntis.
BINABASA MO ANG
Herrington 2: Precious Gift (COMPLETED)
Roman d'amourPaano kung nabiyayaan ka ng pinakamahalagang regalo na maaari mong matanggap sa panahong hindi mo pa kayang tanggapin, paano kung biniyayaan ka ng anak, ng kambal na anak pero kapalit noon ang pag-iwan sayo ng mahal mo? Maituturing mo pa rin ba ito...