PRECIOUS GIFT 42

3.9K 88 3
                                    


Parang naging magic ang boses  ni Dad at nawala ang pagkahilo ko. Nanlalaki ang mata kong nakapako sa mga mata ni Dad. Nanlilisik ang mga mata niya at kulang nalang ang apoy na lumabas doon.

Mabibigat ang hininga niya kita ko iyon sa pamamagitan ng pagbaba taas ng balikat niya.

What the fuck? Anong meron?

Sinulyapan ko ang nasa side ko at nakita ko si Mama na hindi mapakali at iniiwas ang mata saakin.

Wag mong sabihin? Kaya ako nasusuka ay? MAY SAKIT AKO?! MALUMBHA BA HA? BAKIT GANYAN SILA MAKAREACT?

"KAILAN MO BALAK SABIHIN SA AMIN NG MAMA MO ANG NANGYAYARI SAYO? HA ALYA!!" Shit! Halos mabingi na ako sa sigaw ni Dad

Tiningnan ko si Mama. Kinakausap ko siya gamit ang mga mata ko pero iniiwas niya iyon saakin.

"SUMAGOT KA ALYA? KAYA BA LAGI KANG UMIIYAK DAHIL DITO? KASI ANO? BINUNTIS KA LANG NIYA AT HINDI KA KAYANG PANAGUTAN? TELL ME ALYA KAILAN MO PA TINATAGO ANG LAHAT NG ITO" My gosh parang lumilipad ang kaluluwa ko sa pagsigaw ni Dad

And what? BUNTIS AKO?

Kaya ba walang Ian ang nagpapakita saakin? Kasi hindi niya kaya? Hind siya handa? Eh gago naman pala siya eh! Nasasarapan siya pero duwag naman sa responsibilidad! Walang kwenta.

Napatakip ako sa bibig ko nang may lumabas na hikbi. Shit heto na naman ako iiyakan ko na naman siya. Umiiyak na naman ako dahil sa kagaguhan niya.

Kailan ba ito matatapos? Tama na please pagod na ako.

Umambang lalapit saakin si Mama nang..

"Rica huwag mong lalapitan 'yan" Banta ni Dad  kay Mama.

Shit bakit ganito? Mas masakit ata ang sinabi ni Dad. Malaking kasalanan ba ang nagawa ko?

OO! DAHIL NAGPAKATANGA KA! NATALO KA! NABUNTIS KA NGA EH!!

HINDI KO NAMAN ALAM NA BUNTIS AKO! SHIT! ALAM BA NIYA?

Hindi ko na nasundan kung paano nakalapit saakin si Dad at sinampal ako. Nabibingi ako. Mainit ang pisngi ko at feeling ko matatanggal na ito sa sobrang sakit. Suminghap si Mama.

"ANTON!" Suway ni Mama kay Dad at lumapit saakin.

Niyakap niya ako kaya nakahanap ako ng paraan para ilabas ang lahat lahat ng natitirang luha ko.

Ang sakit isipin na niloko niya ako. Ang sakit isipin na ginamit niya lang ako para saan? May premyo ba kapag nasaktan ako? At ang worst binigyan niya ako ng alaalang napakasakit na balikan.

Ang sabi niya ako ang pinaka- PRECIOUS na regalong natanggap niya pero bakit? Bakit nakuha niyang saktan ang PRECIOUS na sinasabi niya?

Liar.

Lahat ay kasinungalingan lang. Walang totoo sa sinabi niya! Fuck ang tanga tanga Alya!

Alam ba ni Kimberly ito? O sila Anne? At yung iba? Shit malamang alam nila magkaibigan kaya sila! Tss ikaw kasi Alya puso ang pinairal! Bumigay ka kaagad kaya ngayon doble-dobleng hapdi, sakit ang nararamdaman mo.

Nakakasiguro ako na alam ito ni Kim kasi naalala ko na tinanong niya ako kung anong gagawin ko kapag nalaman kong niloloko ako ni Ian. Fuck simula pa lang pala niloloko niya na ako!

Lumabas si Dad kaya kami nalang ni Mama ang magkasama sa kwarto. Wala akong ginawa kundi ang umiyak namg umiyak. Hindi niya iyon gagawin saakin.

Hindi niya ako kayang saktan. Alam ko at ramdam kong mahal niya ako. Nakatulog ako sa kakaiyak hinayaan naman ako ni Mama at pagkagising ko naman ay hinihintay nalang kami ni Dad para makauwi na.

Herrington 2: Precious Gift (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon