Nagising ako sa sunod-sunod na pagkatok sa pintuan ko. Bumangon ako at kahit nakapikit pa ang mga mata ko ay tinungo ko pa rin ang pintuan at pinagbuksan ang walang hiyang istorbo sa tulog ko."ANO?!" Oo sumisigaw ako.
"Alya anak" Boses ni Mama? Kaya napadilat ako at nanlalaki ang mga mata.
"Waaaah sorry Mama ko" Sabay yakap ko sakanya. Walang hiya talaga at Mama ko pa ang masigawan ko.
Hinaplos ni Mama ang likod ko.
" Nagulat ako sa pagsigaw mo baby ko" Naluluha ako sa pag tawag saakin ni Mama ng baby.
"Waaaaah Mama I'm your baby talaga" Madrama kong sabi at yumakap pa lalo. Natatawa Mama saakin.
"Naistorbo ko ba ang tulog mo?" Sabi ni Mama.
"Hindi po. Bakit po ba Ma?" Tanong ko.
"Aalis kami ng Dad mo may party sa opisina at 2 nights and 3 days iyon baby" Tumango ako sa sinabi ni Mama.
Mas maganda na iyon at makapagrelax naman si Dad sa araw-araw na pagtatrabaho at makapagbonding sila ni Mama. Iyon nga lang hindi ako kasama. Wawa naman ako
Umalis sila Mama bandang 3pm ng hapon kaya ang ginawa ko ay nagkulong sa loob ng kwarto. I need more sleep. Alam mo ba yung feeling ng sobrang inaantok ka? Yung kahit isang bagsak mo lang sa kama ay nasa dreamland kana.
Sinabi ko rin kay ate na huwag na muna ako gisingin. Gusto ko lang magpahinga. Nagising lang ako dahil sa tunog na nanggagaling sa cellphone ko. Sinagot ko iyon nang hindi tinitingnan ang tumawag.
"Ate h-help" Napamulat ako nang marinig ko ang nanginginig na boses na iyon. Shit sino yon?
Tiningnan ko ang caller at unknown lamang iyon. Hindi ko pinansin baka pinagtitripan lang ako. Bumangon ako at lumabas ng kwarto, hindi ko alam kung anong oras na. Naabutan ko si ate na nanonood ng teleserye.
"Kakain kana? Ipaghahanda na kita" Sabi ni ate nang umambang tatayo ng tinaas ko ang kamay ko.
"Ako na lang. Marunong naman ako" Sabi ko at dumiretso sa kusina.
Kumuha ako ng cereal sa ref at nagtimpla ng gatas. Ayoko n heavy foods mabigat sa belly.
Tumunog ang doorbell, mga tatlong beses iyon. Nagkatitigan kami ni ate sino namang tao ang bibisita ng ganitong oras? 11:45 pm? Sino kaya iyon?
Tumayo siya at lumabas ng bahay ako naman ay naupo nalang sa sofa at nilapag ang baso ng gatas at kumain ng cereal. Pinalitan ko ng channel at nanood ng Asian Next Top Models S4.
"Alya huhuhu" Nalalag ang panga ko nang umiiyak si ate Jenny na pumasok siya sa bahay.
Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang atensyon ko. Kung sa pagkain ko o kay ate Jenny na umiiyak. Nilapag ko sa table ang bowl of cereal. Sorry baby babalikan kita at tumayo. Nilapitan ako ni ate at mas lalong humagulgol ng iyak.
"Ate what's wrong?" Nag-aalalang tanong ko at hinaplos ang likod niya.
"A-Alya si si J-Jerome *Sobs*" Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni ate masyadong siyang pinangunahan ng iyak.
"Calm down ate" Umiling-iling siya at nag-uunahan na naman sa pagtulo ang mga luha niya.
Shit talaga.
"Si Jerome Alya naaksidente. H-He needs you" Napaawang ang bibig ko sa sinabi ni ate.
"W-Why me? Dapat kayo ang kailangan niya" Tss masama pa naman sa buntis ang umiyak nang umiyak.
![](https://img.wattpad.com/cover/66317265-288-k730481.jpg)
BINABASA MO ANG
Herrington 2: Precious Gift (COMPLETED)
Storie d'amorePaano kung nabiyayaan ka ng pinakamahalagang regalo na maaari mong matanggap sa panahong hindi mo pa kayang tanggapin, paano kung biniyayaan ka ng anak, ng kambal na anak pero kapalit noon ang pag-iwan sayo ng mahal mo? Maituturing mo pa rin ba ito...