Bumukas ang elevator kaya pumasok kami ni Ian sa loob. Kitang-kita ko ang mga titig niya saakin sa salamin ng elevator.
Bumulong siya saakin kaya sinunod ko ang gusto niyang mangyari. Pinindot ko ang 10 sa elevator at hinintay na makarating kami.
"Mabigat ba ako? Pwede naman ako maglakad hubby eh" Malambing kong sabi sakanya.
Nilapit ko pa ang sarili ko sakanya.
"Gusto ko wife, hayaan mo ako. Kaya naman kita. Ang matcho ko kaya plus gwapo pa" Ngumisi nalang ako sa kahanginan ng asawa ko.
Tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na kami. Lumabas siya at nagsimulang lumakad. 5
Limang kwarto ang nalagpasan namin bago siya huminto sa tapat ng isang kwarto. Yumakap ako sakanya at binaon ang mukha ko sa leeg niya nang bumitaw ang isa niyang kamay. Maya't maya lang ay bumalik na iyon sa katawan ko.Tinulak ng paa niya ang pinto kaya pumasok siya sa loob at tinulak ulit ang pinto para maisara.
"Lock the door wife" Tumango ako at nilock ang pinto.
Naglakad siya papuntang kama at dahan-dahan niya ako hiniga sa malaking mattress.
Hinalikan niya ang noo ko kaya napapikit ako. Ngumiti ako ng nakapikit.
" I'm so happy Ian, mahal na mahal kita" Bulong ko.
Naramdaman kong tumungo siya at pinatakan ng halik ang labi ko. Isang halik lang iyon pero matamis at nakakamiss.
Dinilat ko ang mata ko at pinakawalan siya. Hinubad niya ang suit niya. Napapikit ako at ngumiti sa kawalan.Mukhang hindi na siya mabibitin ngayon.
Ang dami kong tanong. Sino ang mga kumidnap saakin? Kilala ko ba sila? Pero bakit narinig ko ang boses ni Jerome?
"Ian may kumidnap saakin. Natakot ako kasi narinig ko ang boses ni Jerome. Feeling ko na ulit na naman ang nakaraan" Bulong ko habang nakapikit.
Dumilat ako nang maramdaman ko ang init galing sa katawan niya. Pumaibabaw siya saakin at tinitigan ako sa mata. Kahit kailan ang lalim talaga ng mga titig niya.
Ngumiti siya saakin bago niya hinalikan ang noo ko.
"Plano namin yon Alya, noong una hindi ako pumayag pero ang sabi niya kabayaran na raw iyon para sa mga kasalanang nagawa niya sa atin. Hindi sapat Alya pero pinagbigyan ko siya. Gusto ko ngang lumpuhin kaso alam kong magagalit ka kapag ginawa ko iyon" Ngumiti ako at hinaplos ang likod niya.
"I'm sorry kung natakot ka. Sinabihan mo pa raw ng bobo si Jimboy" Nanlaki ang mata ko.
Sorry jimboy!
"Now, can I have my wife?" Napakagat ako sa labi ko at tumitig sa mata niya.
Sana tulad ko ay mabasa niya rin ang sinisigaw ng mata ko. Gusto kong iparamdam sakanya kung gaano ako kasaya. Nagkatitigan kami for almost seconds bago niya ako inatake ng halik. Gumanti ako sa mainit niyang halik at hinaplos ang likod niya. Pumikit ako at dinama ang kamay niyang lumalakbay sa katawan ko.
Inangat ko ang katawan ko habang gumaganti ng halik sakanya. Dahan-dahan niyang binaba ang zipper ng wedding dress ko. Tumigil siya sa paghahalik saakin kaya dumilat ako.Nakatitig siya sa dibdib ko. Wala kasi akong suot na bra kaya pagkababa niya ng dress ko ay kita na agad ang dibdib ko.
Napapikit ako ng dumapo ang halik niya sa dibdib ko. Nagtagal siya doon bago niya binaba ang halik niya.Hinubad niya ang suot kong dress.
"Ian.." Tawag ko sa pangalan niya nang maramdaman ko ang balat niya sa balat ko.
BINABASA MO ANG
Herrington 2: Precious Gift (COMPLETED)
RomancePaano kung nabiyayaan ka ng pinakamahalagang regalo na maaari mong matanggap sa panahong hindi mo pa kayang tanggapin, paano kung biniyayaan ka ng anak, ng kambal na anak pero kapalit noon ang pag-iwan sayo ng mahal mo? Maituturing mo pa rin ba ito...