“bakit ngayon kalang?” si Justin
“ anong ngayong lang? kanina pa kita hinahanap, san ka ba nagpunta? Tanong ni James
“ah… pasensya na, inikot lang ako nang lola mo sa buong mansyon, alam mo nalula ako at sobrang nahilo, pambihira, tol ang yaman mo..” pabiro ni Justin
“tol ka dian, patingin nga nang kamay mo?”
“bakit?”
“magtatanong pa eh, dalian mo”
Iniabot ni Justin ang kaliwang kamay at bigla itong hinatak ni James palapit sakaniya at bigla niya itong yinakap nang mahigpit na tila sabik na sabik na muling maramdaman ang katawan nito.
“akala ko kung ano na, yayakap kalang naman pala, bakit hindi mo nalang sinabi, kung ano ano pang orasyon pinapagawa mo saakin.” Tawang sambint ni Justin
“malay ko ba kung pagod kana at tinatamad na”
“hmp.. palusot, di kana makatiis ano..?” nanatili silang nakatayo habang dinadama ang bawat init nang mga katawan, napakaginhawa at tila nag dudulot nang kagaanan sa pakiramdam. Dahan dahang inihiga ni James sa kama si Justin habang siya ay nakapatong sa ibabaw nito.
“I love you mahal.”si James
“ haha, korny”
“hmp..” sabay kurot sa tagiliran ni Justin
“ano ka ba joke lang” “I love you too James, love you so much”
Napaka amo nang mukha ni James naglapat ang kanilang mga labi at mariin silang nagpalitan nang mga halik. Dahan dahan at tila sakto ang bawat tagpo nang kanilang mga labi. Mapangahas na halikan na tila nag aalab sa matinding init, ikinulong ni James ang buong katawan ni Justin sa kaniyang mga bisig habang patuloy ito sa paghalik sa kaniya. Habang ang malilikot na kamay ni Justin ay kinukuyum ang malalambot na puwetan ni James at pinipilit na idiin ito sa kaniya.
Biglang kumawala si Justin kay James na siya namang nagdulot nang pagkabigla nito,
“oh ano problema mahal?” si James
“ ang pintuan hindi naka lock,” at sabay silang nagkangitian. Tumayo si James at isinara ang pinto at paglingon niya pabalik ay agad siyang sinunggaban nang halik ni Justin. Nakasandal siya sa likod ng pintuan habang nilalaro siya ni Justin gamit ang bibig nito. Nagyakapan ulit ang dalawa habang patuloy parin sa paglaplapan ang dalawa.
Tok!tok!tok!tok!
“damn it!” himutok ni James. Inayos nang dalawa ang mga sarili at dali daling binuksan ang pinto.
“kuya kailangan niyo raw maghanda dahil maya maya lang darating na ang mga tita at tito mo, salubungin niyo daw ho utos ng mama niyo” si Susan, habang si Justin kamot kamot ang ulo habang nakayuko at pinapakinggang na lamang ang usapan.
“ sige susan, pakidalhan mo na rin kami nang malamig na juice at hopia dito”
“opo kuya” tugon nito “babalik ako Mr. Pogi ha” dagdag nito kay Justin- nginitian siya nito.
“galling nang timing ni ate susuan” si Justin
“sinabi mo pa, kainis at in love ata sayo”. Tumawa nalamang si Justin bilang pang iinis sa binata.
“ngayon palang nahihiya na ako James”
“ ano ka ba? Ngayon ka pa ba mahihiya kung saan nakilala muna ang lolo at lola ko..”
“iba parin kc pakiramdam ko eh.. parang nanliliit ako sa sarili ko..”
“pakiramdam mo lang yun.. you belong to the family Justin.. don’t be little your self, sagot kita- ako ang bahala”
“kc james, natatakot ako para saating dalawa, pakiramdam ko nasa paligid lang si kamatayan na sa konting pagkakamali ko o natin mapapaslang ako nang walang kalaban laban”
“ ikaw lang ang lahat sakin Justin, at di ako papayag na may mangyari sayong masama lalo na’t nasa pamamahay kita, handa akong protektahan ka, ipagtatanggol kita Justin at handa ako harangin ang sarili kung mga magulang para sayo”. Tumulo ang luha ni Justin dahil ramdam niya ang buong pagsikap na pagmamahal sa kaniya ni James. “ konting tiis lang tayo Justin, makakayanan natin to, maghintay tayo sa tamang panahon, may magandang pagkakataon din ang nakalaan para satin, ang kailangan lang ay hindi dapat tayo sumuko.. just stay with me justin,,. I love you so much”
“salamat sa pagmamahal James”
“salamat din sa pagtitiwala..”
muling bumalik ang kanilang sigla at mga ngiti sa kanilang mga labi. Gustuhin man nilang magyakapan at halikan ang bawat isa, di na nila magawa dahil andiyan na si Susan dala dala ang request na pagkain at hindi na rin nahiyang nakisalo sa dalawa….
It’s already evening and so the grand ball for the Duke is about to begin and everybody is properly dressed, the ambiance is quiet impressive, at excited na rin si James na makita ang minamahal suot ang pambihirang black suit de laux na bigay niya rito, habang si Justin ay hindi na rin mapakali dahil gusto niya na ring masilayan ang minamahal…..