Abala si Justin sa pag aayos nang kaniyang report, inihanda niya rin ang kaniyang mga materials na gagamitin sa kaniyang demo teaching at gaya pa rin nang dati, mahusay parin sa pagrereport si Justin.
“Good job Justin, your getting better” papuri nang kaniyang professor.
“thank you mam” simpleng tugun niya sa binata
Gaya nang dati nakatitig nanaman ito sa kawalan at tila malalim ang iniisip. Isang buwan na rin ang nakakaraan at pinipilit na kalimutang ang mga malagim na sinapit sa isinumpa niyang lugar at kailanmay di niya na hihilingin na makabalik sa lugar na iyon.
Halos isang buwan ding hindi siya nagpakita kay James na siya ring ipinagtataka nang mga magulang nito. Kailangan niyang makapag isa at makapag focus dahil sa nalalapit na off campus teaching bilang prepration niya sa sarili, kaya naman nawalan na siya nang komunikasyon sa minamahal.
*****--------***************--------------************
Sa rooftop
“siguro ito na ang panahon para tapusin ang lahat nang kabaliwang ito, Di ko kayang saktan ka, ngunit wala akong magagawa kundi layuan ka!” si Justin.. tumawa si James
“Alam mo effective ang joke mo” at sinundan ulit ito nang malutong na tawa
Hindi pa rin umiimik si Justin.
“may role play ba kayo? Pang mmk?” ngunit wala pa ring kibo si Justin
Natigilan si james nagbago ang kaniyang mukha nang makitang seryoso ang kaharap sa mga sinabi.. ilang minutong katahimikan….
“pwede ba..sabihin mong nagbibiro kalang” panimula ni James
“layuan mo ako, hindi kuna kaya ang manatili sa ganitong sitwasyon”
“anong nangyari? Bakit ganit, alam mo bang sinasaktan mo ako?”
“alam kung mabigat para sayo, pero hindi ako na aangkop sa katayuan mo”
“parang awa muna, hindi kita maintindihan”.. habang nag uumpisang pumatak ang mga luha nito
“di tayo nararapat para sa isa’t isa”.
“ anong sinasabi mo,.. mahal na mahal kita, at nangako ako sayo, di mo ba natatandaan yun?” at dahan dahan siyang Yinakap ni James ngunit malakas siyang itinulak nito papalayo
“ano ba ang problema mo!” si James
“hindi tayo pwede sa isa’t isa naiintindihan mo, please, kalimutan mo nalang ako”
“Damn it Justin, damn you!”
“pede ba tama na, ayaw ko nang marinig pa ang boses mo.. ayaw kuna…ayaw na ayaw kuna.. at., alam mo ba ha!,, alam mo bang nandidiri ako sayo! Tama ang narinig mo.. NANDIDIRI AKO SAYO!!!!!”
Sa pagkakataong iyon Nagdilim ang paningin ni James at malakas na suntok ang pinakawalan nito sakaniya, bumagsak si Justin habang hinihimas ang dumudugo niyang mga labi.
At biglang natauhan si James sa kaniyang nagawa
“oh god, I’m so sorry Justin, please,,, I’m so sorry.. please.. nabigla ako..” habang palapit ito kay Justin at tutulungang tumayo - ngunit malakas ding suntok ang iginanti nito kay James. Nabigla si James sa mga sandaling iyon, ramdam niya ang kirot sa pisngi habang itoy dumudugo dahil sa nabababasa ito nang kaniyang mga luha.
“ito na ang huli nating pagkikita, salamat at paalam sayo”….
Tila napaka lalim na punyal ang tumama sa kaniyang kaibuturan. At hindi narin niya nagawang pigilan pa ang pag layo ni Justin, hindi siya makakilos sa mga tagpong iyon, ngunit naiintindihan niya si Justin. Mabigat ang mga salita ngunit pawang mga katotohanan, at wala siyang maipagkaila dahil iyon ay tama….
Nanlabo ang kaniyang mga mata dahil sa mga luhang naguunahang bumubuhos at habang nanginginig ang kaniyang katawan dahil sa pagkatakot, pagkatakot - dahil siya ay iniwan na tila isang maruming basahan at tila durog na salamin na tinapakan. ( itutuloy )…………….