Nagising nalamang si Justin sa isang malambot na kama at napakaaliwalas na silid dahil sa napakalaking bintana nasa paanan niya, habang malayang pumapasok ang napakatamis na hangin. Naririnig niya ang mga huni nang mga ibon na masisiglang naglalaro sa tapat nang kaniyang bintana, at bigla iyong pinunit nang maalala niya ang marahas na nangyari kagabi.
“oh iho, gising kana pala, wag ka munang babangon dahil nanghihina ka pa..” Donya Corazon
“si James ho?”
“ si James ba, naku nag tiyagang nagbantay iyon sayo, hindi man lang nakatulog dahil sa sobrang pag aalala nang kaibigan mo sayo, nag paalam muna saglit dahil may kakausapin daw siyang tao.” Ngunit sigurado si Justin na hindi iyon ang buong pangyayari.
Katahimikan
“ini-ahon ka nang isang bantay sa swimming pool, ang kwento’y lasing na lasing ka at di mo namalayang nahulog kana pala sa may tubig, kaya dali dali kang sinaklolohan nito, magpasalamat ka kay Anton dahil siya ang nagligtas saiyo.. “. Tinawag nito si Susan upang dalhan nang makakain si Justin sa kaniyang silid at dali dali naman itong kumilos.
“oh siya iho, maiiwan muna kita sandali ha para makapag pahinga ka pa nang husto..”
“sige ho” garlgal niyang tugun sa Donya..
Hindi niya alam kung sino ang lalapitan sa mga sandaling iyon, pakiramdam niya’y walang maniniwala sakaniya sa totoong nangyari sa kaniya noong gabing iyon. Alam niyang maglilikha lamang ito nang ingay at skandalo at tiyak na magdudulot ito nang kaguluhan, at ayaw niya ring maipahiya ang mahal niya. Sino ba naman kasi siya sa lugar na ito, isang dayuhan na walang kapangyarihan na ipagtanggol ang sarili. Isa isang pumapatak ang kaniyang mga luha dahil sa kaniyang sinapit, ngunit nangibabaw pa rin ang pagmamahal niya kay James. Ayaw niya itong bigyan nang kahihiyan, kaya nagdesisyon nalamang siyang ilihim ito.
At sakaniyang tagiliran ay may nahawakan siyang tila mga larawan na nasa ilalim nang kaniyang kumot habang siya ay nakahiga. Kinuha niya ito at nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa kaniyang nakita, nanalambot ang kaniyang mga tuhod dahil may iba pang nakakaalam nang kanilang itinatagong sikreto. Magkayakap si Justin at James sa tabi nang pool, sa isang larawan ay huli silang naghahalikan at ito ang mga tagpo kagabi na kasama niya si James, at sa likod nang larawan ay may sulat kamay “LUMAYO KA SA KANIYA KUNG AYAW MONG SIYA AT IKAW AY MAPAHAMAK”
Ngayon lantad na ang katotohanan ngunit sino ang taong may alam sa kanilang inililihim na relasyon, ang malaking katanungan na ikinakatakot niya bago pa man mangyari ang lahat nang ito.
Nangyari ang lahat nang daglian oras, at sa pagkakataon iyong nabuo sa kaniyang isipan na lumayo pansamantala sa kaniyang mahal upang makapag isa at mabigyan nang katahimikan ang sarili. Mahirap ang isang bagay na sa una pa lamang ay hindi na umaayon sa sariling kagusutuhan.
Ayaw niyang ipahamak si James kaya napagdesisyunan niya nang lumayo, alam niyang masasakatan si James ngunit iyon lang niyang paraan para maingatan niya ang kaniyang minamahal. Tila gumuho ang mga sandaling iyon para kay Justin ngunit kinakailangan.
Bawat pangarap na kanilang binuo ay at tila mauuwi nalang sa isang panaginip na walang katiyakan.
Naunang umuwi nang city sila James at Justin kasama ang ilang kasambahay habang naiwan naman ang mga magulang ng binata upang tapusin pa ang mga unfinished business. Sa gitna nang mahabang byahe walang nagawa si Justin upang pigilan ang mga luhang nag uunahang pumatak habang tinitingnan niya si James na mahimbing na natutulog at walang kaalam alam sa mga nangyari.
Hinaplos niya nang marahan ang bahaging pisngi ni James at hinawakan nang mahigpit ang kaniyang mga kamay at sa kaniyang isip ay tumatakbo ang mga katagang “ mahal na mahal kita James, ikaw ang bumuo nang buhay ko, kailangan mong magpakatatag dahil sa mga susunod na araw ay hindi mo na magugustuhan.”
malamig at nanginginig ang kaniyang kamay kaya nahimasmasan si James at nagising ito nang makita ang mukha ni Justin na basang basa nang luha. Ang lahat ay tulog sa byahe liban kay mang Kanor na abala sa pagmamaneho.
“hey, what’s wrong?” pabulong na tanong nito habang pinunas nang sariling kamay ang mga luha sa pisngi ni Justin.
Tumugon lang nang ngiti si Justin habang patuloy sa pagpatak ang mga luha nito. sumenyas nalamang ito namatulog na at magpahinga ulit dahil mahaba haba pa ang kanilang lalakbayin pauwi nang siyudad.