(Chapter 6 - Light Embrace - 12)

3.1K 52 11
                                    

(song: By my side – a wedding song)

Kakaiba ang mga kaganapan na nangyayari sa buhay ni Justin, litong lito ang kaniyang isipan kung papaano niya haharapin ang mga bagong hamon sa kanila ni  Nica kasabay ang munting sangol. Ngunit sa kabila nang lahat ay kailangan niyang maging matatag para sa bata, kahit alam niya na hindi pa siya handa sa ganitong kabigat na responsibilidad- ngunit alang alang sa kanilang anak ay kailangan niyang pag sumikapan ang kaniyang mag ina. Kailangan niyang bumalik sa bundok upang ipagpatuloy ang nasimulang trabaho, ikaw ba naman ipatapon sa remote area na bukod sa mga taga roon ay may nakikigulo pang mga rebeldeng armado.

“oh siya Justin, ako na ang bahala kay Nica maari ko siyang patirahin sa isang apartment na malapit sa Hospital na pagmamay ari namin, bakante yun .. at mapapalagay ang loob natin na maalagaan siya nang husto doon”

“Nahihiya na ako sa iyo andrew, dahil problema ko ay pinoproblema mo din..”

“para san pa na magkaibigan tayo.. isipin mo nalang na tulong ko ito sa inyo”

“parang hindi ko kayang suklian ang lahat nang ginagawa mo para saakin..at  ang laki nang mga gagastusin”

“alam mo ( sabay ngiti) , hindi binabayaran ang tulong,.. kusa yang ibinibigay sa karapatdapat tulungan... uhmm.. katulad mo”

Huminga nang malalim si Justin habang nakatingin ang kaniyang mga mata sa labas nang bintana at tila nag iisip. Ngunit nabigla siya sa mainit na yakap sa kaniyang likuran na tila nag bigay sa kaniya ng kakaibang comfort.  Ang kalinga na matagal tagal din niyang hinanap hanap simula nang mawala sa buhay niya si James.

“i’m always here for you Justin...” at sinabayan pa ito nang mainit na dampi ng labi sa kaniyang leeg.

“teka.. baka magising si Nica at makita na ganito ang posisyon natin”

“uhm.. sorry” at tulyan nang nag paalam si Andrew upang bumalik sa Hospital

Hindi makatulog sa gabi si Justin, biglang bumalik sa kaniyang mga alaala ang  mga bawat sandali na kapiling niya ang kaniyang minamahal nang siya ay yinakap ni Andrew.  Naaalala pa rin niya ang bawat yakap sa kaniya ni James- kasabay ang matitipuno nitong mga bisig at malalambing na mga ngiti. Matagl tagal na rin ang lumipas na mga panahon ngunit tila hindi parin niya makalimutan ang minamahal.

Sa roof top “ o ayan kunot nanaman ang noo mo.. ang problema dapat hindi pinapatira diyan sa isip mo” spangiting pahiwatig ni James. “ kailangan mo ba nang masahe.?...” tanong nito. Hindi pa man nakakasagot si Justina y dahan dahang minasahe ni James ang sentido nito at pababa sa kaniyang balikat. Magaling ang mga kamay ng binata kaya nanumbalik agad ang kaniyang sigla, at tila nakikisalo sa masiglang umaga ang masarap na simoy nang hangin.

“madami kasing project and report,. Hindi ko alam kung ano uunahin ko..” paliwanag ni Justin

“ganito lang yan.. unahin mo ung most priority  na requirements mo, den saka muna lang isunod ang iba, kuha?”

“wow ha.. ang galing” sabi ni Justin at sabay silang nagtawanan dahil pareho nilang alam na tamad mag aral si James at ang lakas mag advise”

“hayaan muna ako.. minsan lang to..” James

“appreciate ko naman diba” si Justin

“ano kay... uhmm. kumain muna tayo.. nakakagutom na”

“eto may dala akong sandwhich .. heto oh” at sabay abot  kay James”

Dahil sa gutom ni James kinain niya ito nang mabilisan at...

“dahan dahan at baka mabulunan ka.. eto orange juice” sabay abot kay James

Nangalahati agad sa sandwhich si james at bigla itong tumigil sa pag nguya at napatitig kay Justin

“oh.. bakit?” usisa ni Justin

“peanutbutter....”

“oo,... peanutbutter”

Di ma iluwa ni james ang pagkain dahil ayaw niyang ipahiya si Justin, alergic nga pala siya sa peanutbutter. Pano nga niya malalaman eh sumubo kaagad at di man lang nagtanong tanong. Pero nakakhiya naman kung magtatanong tanong pa, kaya isinubo agad niya ang sandwich. Di magkamayaw si Justin ng dalhin niya si James sa clinic, namumula ang buong balat nito at bahagyang namamaga.

 

Natatawa si Justin habang nakahiga sa kaniyang kama habang naalala niya ang mga sandaling kasama niya si James, hindi niya namamalayang lumuluha napala ang kaniyang mga mata.  Lahat nang atensyon ay ibinuhos niya sa pagtratrabaho, ngunit bigo pa rin siyang makalimutan si james, pumipilit pa ring sumisiksik sa isipan niya ang mga ala ala nang kaniyang mahal. Marahil ito ang una niyang pag-ibig na kung saan naibuhos niya ng husto ang kaniyang pagmamahal.

Ganito ba talaga kasakit at pagpapahirap ang mawalan ng isang taong mahalaga saiyo lalo na kung ito ang nakaka pagbigay sigla sa bawat sandali nang iyong buhay? Bakit kailangan pang mawala, kung pwede namang manatili at mabuhay nang masaya. Marahil may mga dahilan ang bawat saya at lungkot na nangyayari sa buhay nang isang tao. Ang mahalaga ay kung paano siya magiging matatag sa kabila nang unos at kung papaano niya tutunguhin ang panibagong buhay na mayroong panibagong lakas at pag asa.

 

M2m The Promise (Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon