(to all readers.. kindly listen to the song “YOU” by Future and forestry. Hope that you will fill the sincere emotions of the two lovers who unconditionally showered their love to each other. By the way this is the theme song of this story. Enjoy!)
“salamat Nica dahil sinamahan mo kami ngayon” si Justin
“welcome Justin, oh sige... mauuna na ako... dami pa kasi gagawin, ingat kayo”
“same”
“ok.. bye” tuluyan nang nagpaalam sa kanila si Nica
“well, bibili naman tayo ngayon nang sapatos mo” si James
“wag na, meron na ako dati.. pwede na yata yun”
“eh.. luma na yun diba, sa tindi nang pagkaluma kahit i shine mo hindi na kikintab” panunukso ni James
“grabe ka naman.. sapatos lang eh”
“wag na magreklamo, sige baka magbago tuloy isip ko”
“sayang kasi nang pera, hindi naman kasi importante ang gagawin ko”
“pagbigyan mo na ako...sige na please!”
“sige na nga... tara na”
“pakipot pa kasi” and a sweet laugh echoes again
May pinuntahan ang dalawa sa isang lugar na hindi pamilyar kay Justin, kaya lubos nalang ang kaniyang pagtataka kung saan nga ba talga sila pupunta....
“hmmm.. parang palayo tayo sa mall at medyo malapit nang gumabi,...tsk..ano to? dahil lang sa sapatos inabot tayo nang gabi”
ngumiti lang sa kaniya si james
“san ba tayo kasi pupunta?”
“basta”
“layo na nang napuntahan natin,..alam mo kinakabahan ako sa sistemang to, kapag nawalan ito nang gasolina naku....”
“basta diyan lang”
“kung may balak kang itanan ako, parang awa muna magpaalam kanaman sa magulang ko” pambobola ni Justin
“pambihira, san ka nakakitang nagtanan na nag pa-alam” panunukso nito
Tumugun ng tawa si Justin
Itinabi ni James ang sasakyan at kumuha ito nang itim na panyo at ginawang cover sa mata ni Justin.
“whoah, ano to James,... tanan na nauwi sa panghoholdap?”
“ano ba yan, kanina pa reklamo nang reklamo ang mahal ko”
“pano kasi...” pinutol agad ni James ang mga sasabihin ni Justin sa pamamagitan nang matitinding halik sa labi. Siyempre ramdam ni Justin ang matinding halik na ibinigay sa kaniya, kaya hindi niya naiwasang tumugon din nang mga halik sa kaniyang mahal. Yes, they kiss thoridly and tenderly...
“I love you Justin.. love you so much.. let me take over this one..”
“hmmmm” tumango nalamang si Justin bilang pagsangayon habang nakapiring ang kaniyang mga mata, ngunit nakaramdam siya nang matinding excitement,parang bata na kinikilig ang si Justin at sabik na sabik sa kung ano ang mga susunod na mangyayari....
At muling pinaharurot ni James ang sasakyan patungo sa kaniyang inihandang sorpresa.
Ilang minuto pa ay tinabi na ni James ang kaniyang sasakyan at inakay dahan dahan si Justin patungo sa isang site na kaniyang inihanda. Nangangapa si Justin dahil sa wala siyang nakikita, kaya mahigpit niyang hinawakan ang mga kamay ni James para hindi siya mawala.