(Chapter 6 - Light Embrace -7)

3.3K 43 0
                                    

“welcome to my humble house” panimula ni Justin

“thanks”

“coffee, tea or milk?”

“just a plain water..”

“just a minute”

“sure”

Pumasok sa kusina si Justin upang kumuha nang maiinom para sa bisita, walang yelo sa lugar na iyon at lalo nang walang fridge sa kaniyang munting bahay ngunit likas na malamig at masarap ang kanilang tubig. He’s the first visitor ever, a stranger whom he doesn’t know anything about yet he feels  a lil comfortable ang static to him. Alam niyang hindi maganda ang tumatakbo sa isip niya, kaya sinisikap niya nalamang ang pag istema sa kaniyang bisita. Naguumapaw ang kasirma nang doktor na ito, sing tangkad din niya ngunit may pagka chinito at may matangos na ilong, may manipis itong labi ngunit mapula at glossy.

“buti naman at pumayag ka dito magturo, ito kasi ang lugar na inaayawan nang lahat, meron man nagtitiyaga ngunit ilang araw lang uma alis na” si Doc. Andrew

“ganun nga din ang mga naririnig ko sa ibang mga naging teacher dito, pero nagtataka nga ako kung bakit, na kung tutuusin ang ganda dito at normal naman ang pamumuhay”

“sana nga magstay ka nang matagal dito” makahulugang pahayg ni Doc. Andrew

“para sa mga bata naman kung bakit ako nandito, marahil kakayanin ko naman”

“Can I ask you something Sir. Justin”

“sure.. what is it?”

“ahm.. do you have a famiy... I mean.. a wife and children”

Di sinasadyang napatawa si Justin..

“naku.. I’m still single Doc.”

“nice, buti naman hindi ako nag iisa dito.. atleast may bago na silang irereto sa mga dalaga rito”  malakas na tawa ni Doc. Andrew at tila hindi nahihiya sa kaharap at parang matagal na silang mag kakilala  nito.

“naku, sana wag naman at hindi panaman ako sanay tuksuhin,.. in short pikunin ako” paliwanag ni Justin

“well i’m so sorry for that”

“it’s okey... i’ll get used to it- sana” at sabay silang nagtawanan

“maiba ako Doc, kayo ho.. bakit ho kayo na assign dito... madaming magagandang hospital na pede kang tanggapin, sa galing niyo po sa iyong propisyon tiyak   pag aagawan kayo”

“not really.. flattered naman ako.. hmm.. siguro i just have a heart to help those less fortunate people who can’t afford for medical assurance.. alam muna.. legacy kasi nang family..ewan ko ba..pero ang foundation ang nagibibgay sakin nang sweldo kahit  maliit pakiramdam ko sapat na iyon compare naman sa natutulungan ko, napakagaan sa pakiramdam”

“you’re a great man Doc”

“may sarili kaming hospital sa manila,davao at cebu.. at lahat nang mga kapatid ko inlined sa medecine.. sila ang namamahala, habang ako naman mas pinili ang pumunta sa iba’t ibang lugar.. pakiramdam ko kasi exciting at marahil marami akong matutulungan.

“pareho pala tayo, ayaw ko din nag stay sa isang lugar lang, marami kang makikilala at mararating.. and marahil mas lubusang makikilala mo ang sarili..”

“your right Justin.. i have a feeling na mag kakasundo nga talga tayo”

“oh.. that’s good to hear”

“pano yan sir. Justin. kailangan ko nang bumaba, mahirap gabihin sa daan..maraming salamat... I’m happy to meet you”

“as well am I doc.. thank you”

“oh siya sige at aalis na ako”

Napaka gaan nang pakiramdam ni Justin nang una niyang nakita si Doc. Andrew, hindi niya inaakala na may Doctor palang nakaasign sa lugar na ito. He is Andrew Tan, tila hindi nagkakalayo ang kanilang mga edad, kaya naman hinahangad niya na maging masaya ang mga susunod na araw.  Sa pag alis ni Doc. Andrew ay tila nakaramdam siya nang panghihinayang at munting kalungkutan, ngunit sa tuwing naaalala niya ang itsura nito ay bumibilis ang tibok nang kaniyang puso at tila umukit na sa kaniyang memorya ang maamo nitong boses.

Ilang minuto lang ang nakakalipas nang makaalis si Doc. Andrew nakarinig siya nang ilang mga putok, hingal hingal namang sumugod sa munting bahay ni Justin si Anton at tila may dalang masamang balita at umiiyak ito.

“sir. Justin, buksan mo po ang pinto” at dali dali namang binuksan ni Justin ang pintuan

“halika, pasok ka, anong nangyari at parang hinahabol ka nang sampung kabayo?”

“sir. Justin wag ho kayong lalabas ngayon, naririto po ang mga KUPAL”

“sinong kupal?, bakit ka umiiyak?”

“Sir. Justin, pinatay nila si Tatang!..” buong hinagpis na umiiyak si Anton

“ha.. paano nangyari yon, sino ang mga kupal?”

“mga rebelde ho, mga sakim at mababangis, gusto nilang kunin ang mga bagong aning bigas nang kaban nang bayan ngunit tumanggi ho ang tatang kaya walang awa nilang binugbog ang tatang ko,.. Sir.Justin wala ho akong nagawa para ipagtanggol si tatang, pinigilan ho ako ni Mamang”

Buong suyong yinakap ni Justin si Anton na tila isang batang umiiyak na tumugon din sa kaniya nang yakap. Naawa si Justin sa naging sitwasyon nang mag ina, napakabilis nang panahon- kahapon lamang ay masaya ang lahat ngunit dagling umiba ang ihip nang hangin.  Nababalot nang takot at karahasan ang sitio na ito dahil sa mga rebelde na tinatawag nilang mga “KUPAL”, kaya pala labis nalamang ang takot nang mga naging volunteer teacher dito dahil sa ganito palang sitwasyon. Naiintindihan niya na kung bakit hindi sa kaniya ipinaliwanag ang buong sitwasyon nang lugar na ito, dahil alam nilang tatanggi agad siya, ngunit ano pa nga ba ang magagawa niya kundi panindigan ang desisyon na ginawa niya. Wala nang panahon para umatras, ito na yata ang tinatawag na exciting, ngunit tila napasubo ata siya dahil hindi naman ito ang excitment na hinahanap niya.. ang barilan at putukan... ito’y kalabisan!”

M2m The Promise (Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon