m2m - Love Story (Chapter 1 - The Incident 01 )
Ang kwentong ito ay hango sa totoong buhay ng isang 3rd year college sa isang Pamantasan. Si Justin na isang Physci students na kalimitang nakikitang mag isa dahil sa ugali nito na walang ganang makipaghalubilo sa ibang tao at lalo nat kapag di niya ito kilala. Bukod sa pagging matalino, isa din siyang manlalaro sa larangan ng swimming, volleyball, table tennis at football. Makikita ang kakaibang hubog ng katawan dahil sa work-out na kadalasan niyang nagiging libangan. Siya ay kilala bilang sikat na atleta sa kanilang unibersidad at pinapangarap ng mga chikas na makausap man lang at masulyapan ang mala anghel nitong mukha. Kahit sino ang makaksalubong ay siguradung laglag ang mga panga dahil sakanyang kagwapuhan kasama ang mga mapupungay na mata at mala rosas na labi. Sa kabutihang palad siya ay nabiyayan ng katangi tanging kaibigan na si Nica at ngaun ay 4th year college na sa kursong Education. Si Nica na madaldal at isip batang kaibigan ni Justin ay may naipapamalas ding katalinuhan pagdating sa seryosong buhay. Parehong shcholar ng unibersidad na nag pupumilit na makapagtapos dahil parehong independent at medyo may kahirapan ang buhay.Isang araw sa di kalayaun ng football ground mahinahong hinahagod ni Justin ang suot na tennis upang makapagsimulang mag ensayo. Tapos nang makapagstretch si Justin at tinatanaw ang goal area upang asintahin papasok ang bola. Nagsimula siyang pumwesto sa di kalayuan at nagsimulang umarangkada at nag banana kick. Tanaw na tanaw niya ang lipad ng bola at sa kasamaang palad lumampas ito sa goal at sapol ang isang lalaking naka uniporme at kitang badshot dahil sa nadumihang white polo shirt.
Kinakabahang lumapit sa lugar kung saan natamaan nia ang estudyante na galit na galit sa kanya habang hinahantay siya papalapit.
"ano problema mo dre?, kinukulangan ka pa ba sa bola na sinipa mo?"
"ahm.. ah...ah.. kc.... di , ko sinasad....ya" pautal utal na sagot ni Justin. At biglang ibinato sakanya ng lalaki ang bola at sapul ang kanyang mukha. Namula mula sa galit si Justin at dahil napaka bait ng nito.. kumuyom nalamang ang kanyang mga palad habang pawisan sa pagkatitig sa lalaki. At muli siang nakabalik sa sarili at naalala ang larawan sa student's paper - anak pala ng VPAA University (Vice President of Academic Affairs) ang kaharap.
"Anong paki ko?" sabi sa sarili, at bigla ulit itanpon sakanya ang bola at nadumihan ang kanyang jersey. Akmang sasapakin ni Justin ang anak ng VPAA dahil sa tindi ng pagbabastos nito sa kaniya ngunit napigili ito dahil sa napigil ang sarili. Parehong 5'8" ang tangkad ng dalawa at parehong matitipuno at may itsurahing mestizo. Di mapigilan ni Justin ang galit, ngunit wala siyang magawa at tinitigan nalamang ng masama ang kaharap. Sa hindi maipaliwanag na pagkakataon, di pa sila nagsisimulang magbuno, tumulo na ang dugo sa ilong ng anak ng VPAA, mapulang mapula na tila namumuo at tuluyang hinimatay ang binata, ito'y maputlang maputla ng bumagsak sa damuhan.
Hindi matukoy ni Justin kung ano nangyayari sa binata at sa pagkakataong iyon natarantang inalalayan ni Justin ang binata at nakalimutang bigla ang kaniyang galit dito. May kung anong habag ang nadama niya sa taong ito kayat nagawa niyang saklolohan at dali daling kumuha ng maliit na towel at ipinahid ito sa ilong ng binata. Umiral ang pagiging mabait ni Justin, dahil sa matipuno ang katawan niya ay nakuha nitong buhatin ang binata papuntang infirmary at sa kabutihang palad ito ay maagang nagbukas. Dali daling inihiga ni Justin ang binata sa malambot na higaan na nakaalalay din ang isang intern na medical student.
"ano nangyari boy?"
"Bigla po siyang hinimatay kanina habang may dugo na tumutulo sa ilong niya" tugon ni Justin.
"Kunin mo ung school I.D baka may contact number siya sa guardian nia dali! (Name: James Ropher Manzano) sabi ng intern.
agad namang kumilos si Justin, at ibinigay sa intern ang number para macontact.
Habang kinakausap ng intern ang guardian, pawisan namang nakatitig si Justin sa nakahiga. Napaka amo ng mukha na may magandang pangangatawan at may mahogany color ang buhok nito. Kusang tinanggal ni Justin ang black leather shoes para maging comportable sa pagkakahiga ang pasyente at dinagdagan ng isang malambot na unan ang ulo nito.
Habang paalis na siya sa infirmary sakto namang pagdating ng mga magulang ni James at ubod ang pagpapasalamat nila sakanya. Di na naintindihan ni Justin ang mga narinig dahil sa hindi niya maipaliwanag na kaba at hiya. At tuluyan niya nang nilisan ang lugar at tumungo pabalik sa ball ground at nagpasyang umuwi sa apart ment na tinutuluyan katabi ng campus nila. Iyon ang kauna unahang pagkakataon na nakaranas siya nag kakaibang eksena sa pahina ng kanyang buhay. Hindi niya makalimutan si James habang kalong kalong niya ito sa kanyang mga bisig. May kung anong enerhiya ang bumabalot saknya na tila umuudyok na titigan nia ang binata. Bumibilis ang pintig ng kanyang puso habang damang dama nia ang init na katawan ni James. Ngayon siya ay naguguluhan sa mga nararamdaman at nalilito sa nangyari -ngunit sa likod ng kanyang isipan ay mayroong bahid ng ngiti. Hanggang sa tuluyang nakatulog at hindi namalayan ang oras.