“I’m so sorry... sorry ERIC” mahinang sambit ni Oscar
Tahimik si Justin sa tabi at tila hindi makagalaw at pinagmamasdan ang mga susunod na mangyayari - ngunit hindi niya maiwasang malito, bakit nagsosorry si Oscar kay Eric.
Iniabot ni Eric ang kamay kay Oscar at inalalayan ito upang makatayo at sinundan ito nang mahigpit na yakap. Nabigla si Justin sa nakita, totoo ba ang lahat nang ito? Ngunit papano?
“Oscar” mahinahong sambit ni Eric
“I’m sorry” tugon ni Oscar
“diba sabi ko sayo kaylangan mong mag pakatatag”
“parang ang daling sabihin Eric”
“ibang mundo na ang ginagalawan natin ngayon Oscar”
“alam ko, pero sana maintindihan mo hindi madali para saakin ang lahat”
“ganun din ako, ngunit tingnan mo ang nangyari.. si Justin”.. napayuko si Justin na tila nahihiwagaan siya sa mga nangyayari.
Yinakap ni Eric si Oscar nang mahigpit na tila ilang panahong hindi nagkita at sabik na sabik sa isa’t isa, hindi napigilan ni Oscar ang idampi ang kaniyang mga labi kay Eric at tumugun naman ito nang halik. Kaya naman namangha si Justin sa mga nasaksihan, hindi siya makapaniwala na hindi lang pala sila ni James ang nakakaranas nang mga ganitong pagkakataon. Bukod sa kanilang dalawa ay may iba rin palang katulad nila na nahihirapan at nakikipaglaban sa agos nang panahon. Batid niya kung ano ang bigat na pinapasan nang dalawa niyang kaibigan, ngunit wala rin naman siyang magagawa para sa kanila.
( to be continue...)