....at nang magkatitigan ang dalawa.. malalaking boltahe ang gumapang sa buong katawan ni Justin. Hindi nia maipaliwanag ang kanyang nararamdaman sa mga sandaling iyon at para bang ibig niang daluhungin ng yakap ang kaharap. Ibinaling ni James ang titig sa sarili niyang bathroom at sandaling tinungo ang pintuan at napahinto sa tindi ng init na kaniyang nararamdaman. Ngayon maliwanag na sa isip ni Justin kung ano nga ba talaga siya, at batid na niya ang mga bagay bagay na magpapasaya at tutugon ng kaniyang pangangailangan. Bagamat mahiyain si Justn lakas loob itong lumapit sa kaibigan at iniabot ang tuwalya at ngumiti na tila walang pag aalinlangan. Tumugon ng ngiti ang binata at sa pagkakataong iyon sa di sinasadyang pagkakataon ay nagkatagpo ang kanilang mga kamay. Sinong mag-aakala na ang magkaaway ay ngayo'y ay nasa isang bubong at tila masayang nagkakamaigihan.
Pumasok na si James at pursigidong maligo habang tumutunog ang audio (instrumental music: ocean breeze with piano accompaniment) na damang dama ng bisita ang napaka komportableng kalagayan. Di maisuot ni Justin ang mga damit na ipinahiram sa kaniya ng makita niya ang mala macheteng katawan ni James, istruktura ng matipunong pangangatawan. Dahil sa ang gym nito ay tila naka install na sa kaniyang room, di kaila na nakaktakam ang kaniyang kabuuan. Umaalab ang mga tingin ni Justin dahil aninag sa kaniyang mga mata kung paano hagurin ni James ang kaniyang katawan. Sa kasamaang palad di makita ni Justin ang focal-spot ng kaibigan. Tila sa isang saglit natapos ng maligo si James at pareho na silang amoy mga sanggol na bagong paligo ng soap bath at tubig na may halong cologne dahil sa tindi ng halimuyak ng dalawa.
"Pare tapos kana pala.. sige.. ah.. teka.. saan pala ang locker mo" tanong ni Justin.
"dian, katabi ng bathroom tol"
"salamat nga pala sa pag-imbita mo saakin" habang nakaupo sa kama at parehong nakatapis
"naku! wala yun. i told you.. feel at home"
"tsk.. slamat tol sa tiwala na ibinibigay mo saakin, ngayon may dahilan na ako para mag cutting classes tuwing di ko type pumasok". at sabay silang nagtawanan
"oo ba.. siempre..just inform me. and you'r always welcome"
at sa pagtayo ni Justin di sinasadyang nahulog ang puting tuwalya sa harap ng kaibigan at bumungad ang kanina pang kumakawalang alaga ni Justin at sa sobrang pagkabigla at hiya ay nahugot nia ang puting bed sheet sa isang iglap lamang. Di maipaliwanag ang tawa ng kaharap sa nakita kaya naman hinubad din ni James ang sarilng tuwalya at ngayo'y sila'y tila mga bagong panganak na sanggol na walang saplot - para lang hindi maipahiya ang kaibigan.
"ano na mag tititigan nalang ba tau dian?, o ayan parehas na tayo" tanong ng James...ilang minutong naging tahimik ang kabubuang room ni James dahil sa tanong na iyon.
"ha ano bang ibig sabihin ni James.. gagawin ba namin ba ngaun ito?, grabe.. kakayanin ko ba?" sa isip ni Justin na may halong pag kakaba.
"ay teka. tama ba ang sinabi ko?,.... gusto ko din sana kaso.. baka masampal ako ng taong to." sa isip ni James.
"ha.. ano.. teka .. ah...kc.. di pa ako hand....pautal utal na sagot ni Justin
"ibig kung sabihin tol.. bihis na tau, lamig na oh.. may pagkain pang naghihintay sa baba.." pakunwaring tugun ni James , habang nanghihinayang sa kaniyang naisabi.
" ah oo nga pala...at dali dali ni Justin sinuot ang damit at tila sinukat sakaniya ang puting tshirt at short na may tatak pang "Boss".
Hiyang hiya si Justin sa inasal kaya kunwari nalang na feel at home sia ngunit sa kabaligtaran... namumoo na ang kanyang pawis sa kaniyang mga kamay dahil sa sobrang kaba.
Sabay nilang tinungo ang baba ng bahay at dumeretso na agad sa kusina... may tatlong bahagi ang dinning room ng binata.. Malawak ang kabuuan dahil sa may oval table (fiber glass) na naka puwesto.. at mga mamahaling upuan na yari sa mahogany. Ito ay ginagamit kapag may mahahalagang okasyon sa kanilang bahay.. sa kabilang bahagi ay ang ordinaryong kusina na may round table ( yari sa matigas na kahoy) at may 7 na upuan at kumpleto sa mga kasangkapan. ang pangatlong bahagi ay nasa labas ng kusina at doon niluluto ang mga pagkaing pangmaramihan. Steel table (white ) at mga plastik na upuan. Nahilo si Justin sa Kabuuan ng kusina... ngunit hangad niya na makakain na at makapgahinga dahil siya ay pagud na pagud na.
Nagin masarap ang hapunan.. sa mga iniluto ng kanyang nanay nanayan... malulutong na tawanan tungkol sa mga karanasan ng kaniyang alaga at masaya silang nagpalitan ng mga kwento.
alas otso na ng gabi natapos ang hapunan at yinaya ng ni nanay ana na matulog nalang sa bahay nila ang bagong bisita. Nagkatinginan ang magkaibigan... at tila nangungusap ang bawat mga mata..
"hahaha.. ito na nga ba sinasabi ko... aba siempre papakawalan ko pa ba ang mga pagkakataong ito.. " sa isip ni Justin na tila bata kung ma excite.
"ah.. naku nanay.. ala po problema sakin..ang lawak ng kwarto ko... at pede kami dun gumulong gulong. at mag wrestling..." pabirong tugun ni James..
"naku pare.. nakakahiya"
"ano ka ba... yan lang eh.., would you please agree.. i'm already bothered here coz i don't have somebody closed to aside from my nanay... you'r now my friend.. and thankful di na ako malulungkot sa skul.."
" pareho pala tau James. " sa isip ni Justin, "oo, isang gabi lang pare ha...nakakhiya sa mga parents mo".. dagdag pa ni Justin.
"wala sa kanilang problema yun.. matutuwa pa nga ang mga yun,,,diba nay?"
"oo naman...".. tugun ni nanay ana...
"c'mon.. let's go upstairs... i will show u something"
"naku magyayabang ka nanaman James. dahan dahan lang ha..." habang tumatawa si nanay ana
"Don't wory nay... i'l promise..!"....
Sabay nilang tinungo agad pabalik ang 2nd floor kung saan nandoon ang kanya kanayng mga private room ng pamilya..
Sa isang espesyal na silid dinala ni James ang kaibigan.. at ipinakita ang mga naitatagong talento ng binata. Isang mahusay na pintor si James simula ng tumuntong siya sa elementary. Ang pagpipinta ay nakahiligan niya na at tila karugtong na ito ng kaniyang buhay. Sari saring mga obra ang ipinakita niya sa kaibigan. Mga paintings na ginawa ng siya palang ay nagsisimula palamang. Namangha si Justin sa mga nasaksihan, kaya naman lubos ang papuri nito sa kaibigan.
"minsan James magpapaturo ako sau"
"of course.. why not? i'm willing to be teacher. .Your first task .. is how to conceptualize your masterpiece trough the help of your inspirations .. i know you'l gonna make it."
"medyo mahirap ata.."
"sana ako nalang inspirasyon mo, at hindi ito magging mahirap para sau"..sa isip ni james ng may halung munting kalungkutan..Nagsimula ng mahulog ang damdamin ng binata sa bagong kaibigan.