Chapter 3 – The Parents - 5
Maagang nagising ang lahat, isang tradisyon na kailangan sabay sabay kumain ang buong pamilya tuwing umaga. Nasa 65 mahigit na rin ang edad ng ng lolo ni James ngunit bakas pa din ang bagsik at lakas nito at tila handa pa rin sa sagupaan.
Yari sa marble at lime stone ang buong mansyon, ngunit secured nang karpet ang bawat sahig. Isang palasyo marahil ang lugar na napuntahan ni Justin at di niya lubos akalain na mas maganda pa ito sa malaking bahay nila James sa city. At ito na ang pinaka kakatakutan niyang pagtatagpo na mararanasan niya sa buong buhay niya.
Pansin din niya ang palaging naka buntot na lalaki sa Don, ang pangalan niya ay si Antnon. Isa rin sa pinagkakatiwalaan ng pamilya at nakakaalam nang lahat ng operasyon ng mag ama. Moreno si anton ngunit masasabing napakatikas ng katawan nito, 5,9 ang taas nito, may pilat sa kaliwang kilay ngunit nangingibabaw pa rin ang ka gwapuhan nito, manipis ang labi ngunit may nakakaakit na manipis na bigote sa gawing baba nang labi nito.
Palaging nahuhuli ni James na nakatingin palagi si Anton kay Justin, ngunit ito ang hindi napapansin ni Justin, kaya naman kinukutuban si James nang hindi maganda dahil sa bawat pagtitig ni Anton sa binata.
“oh iho, kelan mo ba ako bibigyan ng apo sa tuhod? Ha!” panimulang tanong ni Don Fausto
“ papa, wag na muna, kailangan makapagtapos muna yan bago tayo presentahan nang bagong lahi.” Sambit kaagad ng Daddy ni James. “ para naman may mag mamana nang matino sa lahat nang pinagpaguran natin papa..” dagdag pa nito.
“siya nga, oh eh bat wala pa saaking pinapakilala ng nobya ang itong si Jaime?” ulit na pagtatanong nito….
“ah. Ano po eh…” si James
“ naku pihikan ang mga binata sa panahon ngayon” sabad ng Donya “pasalamat nalang tayo at matinong apo si James, at magaling sumunod sa mga magulang”…dagdag ng donya
“naku..alam mo ba iho.. ang lahi natin ay hindi inaayawan nang mga babae..” si Don Fausto
“papa, wag na po kayo mag-alala kasi meron na akong ipapakilala kay james, tiyak magugustuhan niya iyon. Siya si Jessica Villafuerte anak ng Presidente ng shipping line company si Maynila.” sambit nang kaniyang mommy.
Halos mabilaukan si James sa narinig buti nalang at agad niyang nakuha ang basong may lamang tubig.
“ imbitahan ang mga magulang nang Jessica na yan upang makilala din natin, at pagkatapos na makagraduate si Jaime kasalan kaagad nang makarami tayo ng apo” si Don fausto
“ wag niyong madaliin ang apo ko, hayaan niyo siya ang magdisisyun para sa sarili niya,” saklolo nang Donya
Naawa si Justin sa kalagayan ni James, halata niyang pinagpapawisan ito nang matindi dahil sa mga demand nang kaniyang lolo. At alam nilang dalawa na mahirap kalabanin ang ampong sa, - kapangyarihan at impluwensya ba naman na dala nito, sino ang hindi matatakot at hindi susunod. Kaya kailangang mag ingat ang dalawa sa kanilang mga galaw.
At sumunod na ang usapang transaksyon at iba pa….
“siya nga pala Roberto, maaga tayo ngayong aalis dahil may tatapusin tayong transaksyon sa kabilang hasyenda na pag mamay ari ng matandang hukluban na si Cabaltera”
“opo papa” sunud sunurang tugun ng Daddy ni James
“teka nga pala, sino itong binatang kasama niyo?” tanong nang Donya
“ si Justin ho papa, kaibigan ni Jaime sa university, alam mo naman ang batang to mapili sa tao” tugon ni Aurora
“ganun ba, oh siya iho,.. wag ka mahiya dito ha… at ituring mo na ring parang bahay ito…”
“opo sir”.. halos hindi niya marinig ang kaniyang boses sa tindi nang kaba nito. Malalking tao pala ang mga kaharap niya at hindi basta basta.
“oh siya at mag ayos na tayo nang lalakarin” si Don Fausto
Inabangan ni James si Anton papunta sa kwadra nang mga kabayo at bigla niya itong kwinelyuhan at isinandal sa pader.
“Putang ina mo Anton, binabalaan kita, wag na wag mong gagalawin si Justin! Dahil hindi ako magdadalawang isip na patayin ka..!”
“dahan dahan ka James sa mga sinasabi mo,.. baka hindi mo alam kung ano ang kaya kung gawin”
“hayop ka.. kilala kitang ahas ka”
“at wag na wag kang magkakamali saakin James, dahil pag nalaman nang papa mo kung ano katauhan meron ka.. alam muna ang mangyayari sayo..”
Hinigpitan ni James ang pagkakahawak kay Anton..
“ puwes, hindi ako natatakot sa mga banta mo hayop ka, hindi ko pa nakakalimutan ang kababuyang ginawa mo sakin noon at pasalamat ka dahil nandito ka sa pamamahay nang lolo ko, binabalaan kita”
“alin ganito ba?”
at sabay siyang niyakap nito at hinalikan nang hinalikan. Mahigpit ang pagkakayakap sa kaniya ni Anton ngunit malakas na rin ang pangangatawan ni James at nakuha nitong makawala sa matitipunong braso ni Anton, at sabay niya itong inundayan ng suntok na halos nagpabuwal kay Anton. Dugo dugo ang bibig nito dahil sa malakas na pagkakasuntok sa kaniya ni James ngunit tumawa lang ito nang may halong panguuyam.
Sa buong pag-aakala ni James hindi niya na makikita si Anton sa lugar na iyon, dahil ang balita’y tumilapon ito sa gitna nang dagat dahil sa matinding pagsabog at ngayon ay buhay pa pala ang hudas na humalaya sa kaniya. Nagsisi siya dahil sa maling pagkakamali na naisama niya ang pinakamamahal niyang si Justin.