“Isko!!!!” alingaw ngaw na hiyaw ni Maam Nana, puno ito nang hinagpis at lungkot, kasabay nito ang sunod sunod na pagmamakaawa.
“Parang awa niyo na.. wag naman ninyo kaming saktan, ibinibigay namin lahat ang inyong pangangailangan, kalabisan na ito para saamin, mahirap kami at hikahos, wag niyo nang dagdagan pa”
“tumahimik ka..!” isang malakas na bayo ang tumama sa mukha ni Maam Nana, dumugo iyon dahil sa buntot nang baril ang ipi nang tama.
“sige, kunin na ang lahat nang mapapakinabangan” si Kumander Mata..
Nanghalughog ang may tatlumpong mga lalaki na kargada nang mga baril sa mga bahay bahay, kaya wala ni isang nangahas na lumaban o tumanggi man dahil tiyak kamatayan ang naghihintay. Sa kasamaang palad may limang lalaki na patungo sa bahay ni Justin, balisa siya hindi para sa sarili kundi para kay Anton, dahil ano naman ang maibibigay niya, ang tanging kayamanan niya ay ang mga bagong libro at encylopedia na binili niya bago pumunta sa lugar na ito.
“magandang umaga ho.. ano po ang maipaglilingkod namin”
“bagong salta ka dito ano?!” Si Ka Bungol (bingi)
“bagong assign na teacher dito sa sitio”
“ang kailangan namin sir ay ikabubuhay.. may pera ka ba dian?”
“ah.. lahat naman po tayo nag hahanap buhay..wala pa ho ako sweldo. Bagong assign pa lamang po ako dito”
“sir. gusto niyo ho sir hanap patay?”
“ah ibig kung sabihin.. wala pa hong budget, siguro kunin niyo na ho kung ano mapapkinabangan ninyo sa loob nang bahay ko.”
“sige halughugin ang bahay”
Tahimik si Justin at Anton habang nakatutuok sa kanila ang mga mahahabang baril, ngunit ramdam ni Justin na nagngangalit na dibdib ni Anton dahil sa nangyari, kaya minarapat niyang hawakan ang balikat nang binata upang mapakalma ito at hindi makagawa nang hindi maganda na tiyak hindi sila malilintikan, sa pagkakataong ito kailangan paganahin ang kahinahunan upang hindi sila mapahamak.
Lahat nang nakikil ay isanakay sa balsa nang kalabaw, siempre kailangan nila nang pambahay na pangangailangan upang maka survive sa gitna nang kabundukan at kagubatan. Mahirap silang mapukol nang mga sundalo dahil masukal ang daan at maraming patibong na nagkalat sa kanilang nasasakupan, kaya hindi makaporma ang mga depensa nang pamahalan dahil sa ganitong sitwasyon.
“Kumander Mata sandali ho!” nagtaka ang lahat nang lumabas si Doc. Andrew sa kaniyang pinagtataguan, nakita iyon ni Justin, laking pagtataka niya dahil ang buong akala niya ay umalis na ito. “nalintikan na.. si Doc. Andrew, magbubuwis ba siya nang buhay?” sa isip ni Justin at bakas sa kaniya ang pagkabalisa. Lumapit si Andrew sa lider nang grupo at tila nakikipag usap ito nang masinsinan, hindi nila marinig ang usapan dahil may distansya ito sa kanila ngunit tanaw nang buong kalahatan kung anong nangyayari sa pagitan ni Doc. Andrew at nang mga KUPAL. Sa kaniyang likuran ay sumenyas ang si Andrew at nagsimulang umubo ang mga bata at matatanda, at ilang minuto pa ay nagsialisan ang mga kupal na nawala na parang mga bula.
“nakikiramay ho kami sa inyo Aling Nana” ang mga katagang naririnig nang nabalong asawa dahil sa insidente, marami ang tumulong sa pag ayos nang burol ni Mang Isko at lubos na nagdadalamhati ang buong sityo dahil sa pagkawala nang kanilang butihing lider. Hindi matatawaran ang kaniyang pambihirang panunungkulan at pagtataguyod sa kanilang sitio kaya naman lubos silagn nanlulumo dahil sa pagkawala ni Mang Isko.
“Salamat tayo kay Doc. Andrew, dahil kung hindi dahil sa kaniya marahil ay ubus na ang mga inani natin sa pagsasaka” sabi nang isang matanda
“Doc. Ano po ang ginawa ninyo ?” usisa ni Anthon
“Humihingi ako nang dispensa sa may itaas kung ako ho ay nakapag sinungaling, dahil nga ako ay isang doctor ay nakuha ko kaagad ang kanilang tiwala, at ipinahayag ko na ang bayang ito ay nababalot nang epidemya, isinalaysay ko ang mga posibleng sakit na naririto, at nagpapasalamat ako sa magandang palabas na ibinigay ninyo” pahayag ni Doc. Andrew.
“Kung nakita ninyo ang reaksyon ang mga kupal, sila ay natakot at namutla nang nangsimulang umubo ang mga kabataan, tila nawalan nang tikas at nagmukhang mga namumutlang unggoy sa sobrang takot, hindi ko alam na madali pala silang mauto nang ganoong taktika” dagdag pa niya. Kahit nakakalungkot ang sitwasyon, bumakas sakanila ang mga tawanan dahil sa palabas ng epidemya. Humanga ng husto si Justin sa angking tapang nito, nagawa niyang linlangin ang mga ito gamit ang kaniyang galing sa pakikipag usap, marahil nga dahil nasanay siya sa mga patiente at na develop sa kaniya ang convincing power.
Sa burol ay makikita ang paggalang sa patay, walang sugalan o ano pamang ingay ang nangyayari dahil mahigpit itong ipinagbabawal nang sitio, bagkus ang mga matatanda ay nananalangin kasabay ang kanilang mga ritwal habang ang mga bata at kabataan naman ay matiyagang nakaupo at tahimik na pinapanood ang mga matatanda sa kanilang natatanging seremonya. Ang hindi maunawaan ni Justin ay kung bakit panay ang sulyap sa kaniya ni Doc. Andrew at tila nangungusap ang mga mata nito, at kapag nahuhuli niya nang tingin ay umiiba ito nang direksyon. Natatawa nalamang si Justin at tila may na aalalang importanteng tao na dumaan sa kaniyang buhay.
Lumakad papalayo si Justin sa burol at tinungo ang munting batis upang patirin ang kaniyang uhaw, nakita iyon ni Doc. Andrew kaya sinundan siya nito. Malulutong na lagaslas nang batis at napaklinaw nito dahil sa sinag nang buwan at bituin na nagkalat sa itaas langit.
“okey ka lang ba Sir. Justin?”
“ah.. ikaw pala.. akala ko katapusan na namin.. hindi ko inaasahan ang ganung sitwasyon, at wala sa aking isipan na may ganito palang nangyayari sa sitiong ito”
“masanay kana Sir. dahil hindi pambihira ang mamuhay dito, ngunit sa kabila nang lahat, masaya at makabuluhan ang manatili sa lugar na ito, kaya hanga ako sayo Sir. Justin, kokunti nalang ang mga taong dedicated sa kanilang propisyon”
“pambobola ba yan? O pampalakas loob?” at nagtawanan silang dalawa, katahimikan
“now, I got my own problem...hmm.. where am I going to stay for this whole shuggy night?”
“I can offer my house, but i don’t know if it will make you comfortable”
“hmm., that’s better idea, yun nga din sasabihin ko kaso, siempre nakakahiya...”
“sus, yun lang eh....paalam na muna tayo kay Maam Nana.. so you can have a rest”
“Another request..”
“ano yun”
“just call me Andrew.. “
“oh sige.. Andrew”
“and that’s good to hear”