“I invited Samantha and her family to have a dinner with us tonight, this is your chance to prove your worth anak.. I’m so proud of you son...” si Don Roberto. Sa likod nang kaniyang tawa at pagtugon sa ama ay puno naman nang pagtutol at pagluluksa ang kaniyang puso. Isang napakabigat na pasanin na kaniyang dadalhin alang alang sa kaniyang pamilya, habang siya naman ay nahihirapan at di matagpuan ang sariling gusto upang hanapin ang tunay na magpapasaya sa kaniya.
“okey Dad, ahm... Dad,.. by the way I will visit our plant today... hindi po ba kayo sasama?”
“iho.. i trust you.. you had prove so many things to me.. kaya di na ako sasama.. I’ll stay her while taking care of our grape farm...”
“i see... so take care.. I’ll go ahead”
“sige po..”
“have a great day iho”
“thanks Dad” at sabay yakap ito sa ama
Pinaharuruot nito ang sasakyan at habang ang kaniyang diwa naman ay naglalakbay patungo sa kawalan, “love of my life” Jiim Brickman, ito ang kaniyang palaging pinapatugtog sa kaniyang sasakyan. Ito ang paborito niyang kanta para kay Justin, this song contains a lot of memories for both of them, a song that keeps him holding on in good and bad times.
“kmusta na kaya siya?” sa isipan ni James “naalala niya pa ba kaya ako?”
Maraming katanungan ang tumatakbo sa kaniyang isipan sa mga sandaling iyon, pagkakataon lamang ang kaniyang hinihintay upang makatakas siya sa kalagayang ito na hindi mabibigyang pagdududa nang kaniyang mga magulang. Mahal niya rin ang kaniyang pamilya, kaya lubos ang kaniyang pag iingat upang hindi sakaniya mawala ang tiwalang muling ibinigay sa kaniya.
Inikot ni James ang buong planta ng J&J Fine Wine Industry, chineck niya ang kundisyon nang mga apartus at ng mga produkto na kanilang ginagawa. Halo halo ang nationality na gumagawa sa planta, pero majority nito ay mga pilipino dahil narin sa pambihira nilang skills na hindi matutumbasan nang ibang lahi. Management and good appraoch ang natatanging likas na talento ni James, sa kabila nang lahat nang kaguluhan ay nakukuha niyang itago ang lahat nang ito pag dating niya sa trabaho. Ayaw niya rin maapektuhan ang status nang kanilang kumpanya, at madalas isang buntong hininga ang kaniyang kalimitang pinapakawalan. Bumabawi nalang siya sa paglalasing sa kaniyang sariling mansyon, kasama ang kaniyang loyal na pinsan na si Berham.
“Gusto mo talga mag babliwbaliwan ano? Sige may pupuntahan tayo” si Berham
“I want to stay here, don’t bother” tugon ni James
“I’m sure magugustuhan mo ang pupuntahan natin”
“di nanaman ako nagtititwala sa mga iniisip mo”
“magibihis kana, let’s go”
“san ba kasi tayo pupunta?”
“wag ka nang magtanong, trust me”
“c’mon, sayang nang oras, kaialangan ko bumisita kina Dad”
“tang ina, mag unwind naman tayo bro.. nagmumukha kanang papel dahil puro trabaho isip mo”
Bihira siyang lumabas at maglibang dahil ang kaniyang focus ay nakatutok sa pagtratrabaho, salamat nalamang sa kaniyang pinsang konsintedor, si Berham, galing ito sa Barcelona at ipinatapon siya nang kaniyang mga magulang kay James upang tumino ang pag iisip. Wala itong ibang ginawa kundi gumala at ayaw magtrabaho na siya namang kabaliktarang ugali nang kaniyang pinsang si James. Ngunit sa pagkakataong ito, mukhang malakas ang impluwensya ni Berham at marahil pabor iyon para kay James, siguro panahon na rin na ibahin niya ang mood nang kaniyang buhay. At hindi lang puro negosyo ang nasa isip niya, kahit medyo mahirap, ngunit sa paunti unting pag papalaya nang sarili ay malaki rin ang maitutulong nito para maka pag move on na siya sa mga nakaraan.