(Chapter 4 - Be Still with You - 3)

4K 49 2
                                    

“himala mag-isa ka yata ngayon?” si Nica

“parang hindi mo ako kilala” si Justin

“oo nga, tama ka, medyo di na kita nakikilala lately, ano bang nangyari? Nawala ka nang ilang dekada at hindi man lang nagparamdam saakin”

“sensya na ha, gumala gala lang sa karatig bayan...”

“at kelan ka naman natutung gumala.. sa pagkakaalam ko kc tamad ka sa paglalakwatsa, liban na lang kung may nag yaya sayo...”

“let me guess kasama mo ung kaibigan mo no? Sino nga ulit yun?”

“please don’t ask me about him, okey!?”

“woah, wait.. anong meron... bat parang imbierna ang lolo mo?”

“wala nag away lang..” pagsisinungaling  ni Justin

“charot! Hahaha... ang sweet niyo naman para mag away..” pamimikon ni Nica

“ano ka ba gusto mo bang ibuhos ko tong softdrink dian sa mukha mo..?”

“tell me, what’s wrong?” seryosong tanong ni Nica

Kaunting katahimikan at muli ay nagpatuloy si Nica

“sa tingin mo bulag at manhid ako, na hindi ko napapansin ang mga pagbabago mo?, my god justin since nasa grade school palang tayo ako na ang naging mata mo, kulang nalang maging nanay mo. Kilala kita mula ulo hanggang paa at alam ko kung ano ang nagpapalungkot at nagpapasaya sayo..”

“pwede ba hindi to panahon para mag senti”

“stop being arrogant boy.. wala kang mapapala kung puro ka takas nang takas”

“hindi kita maintindihan Nica, ang weird mo ngayon”

“look who’s talking..”

“ano ba!”

“ok fine, saka nalang ako ulit mag aaksayang puntahan ka, at nang lumamig muna yang ulo mo, sige I gotta go, sorry” pagpapaalam nito. Dalawang hakbang paalis si Nica nang biglang...

“I’m sorry, I can’t give what you want from me”.

 Umecho iyon sa pandinig ni Nica at natigilan siya sandali; alam niya kung ano ang tinutukoy nito tungkol sa kanilang dalawa.

“Hindi rin ako manhid Nica para hindi ko maramdaman yan, humihingi ako nang tawad sayo kung napahirapan man kita o nasasaktan, but I’m already happy and satisfied kung ano man ang meron satin ngayon” pag papatuloy ni Justin

“Nica, you’re such a wonderful bestfriend and It will always be forever” at bigla niyang hinatak si Nica pabalik at yinakap niya ito nang mahigpit.

“hala, ang kapal talga nang mukha mo ( kinurot niya si Justin ), itsura mo noy! ewww ka..” at malakas na tawa ang pinakawalan ni Nica.  “sige maiwan na kita diyan at pupunta muna ako nang palengke, and wait.............  for me your my sweetest brother”.

 At tuluyang nilisan ni Nica ang silid nang room habang nakikipag unahan sa kaniyang paglakad ang kaniyang mga luhang pumapatak. Nakayukong umalis si Nica at hindi niya sinasadyang bumangga sa isang lalaki, si James iyon, kayat tumindi lalo ang pagbuhos nang kaniyang mga luha sa mga sandaling iyon, hindi dahil sa tindi nang pagkabangga niya kundi sa tindi nang sakit na naramdaman niya karugtong ang prisensya ni James na lalong nag pakirot nang kaniygn pusong nasaktan.

“wait, i’m sorry, si Justin?”. At di iyon pinansin ni Nica at tuloy parin ito sa mabilis na paglakad.

Lumabas kaagad nang room si Justin upang habulin si Nica ngunit hindi siya makadiretso dahil nasa harap niya na si James.

“Please,,........... can we talk?” at pinigilan siya ng kamay ni James ngunit tinabig iyon ni Justin at tinawag niya si Nica. Kunwari’y tila walang nakita si Justin at direderetso niyang hinabol si Nica.

“Justin!” sigaw nito sa kaniya. Tila nakakapagod na habulan ang magaganap sa mga oras na iyon.

Sa gate nang university.

“Nica, sandali kausapin mo ako”

“tara na manong sa  kanto nang gasolinahan”. Ngunit pinigil ni Justin ang trysicle driver.

“Naku iho nasaktan ata si Miss beautiful”

“tarantado, wag kang paki alamero” singhal nito sa driver

“Nica ano  ba,....sandali, mag usap tayo, please,,,..I’m so sorry kung nabigla kita”

“Justin!” si James

“Pagod na ako Justin...( si Nica )...., sige na......, kausapin mo na siya” “nyeta! ano ba manong aalis ka ba oh hindi?!” sigaw ni Nica sa trysicle driver na nabigla at tila kaawa awa dahil naiipit sa sitwasyon.

“ah eto na nga ho,, eto na ho at aalis na”

“bastos ka ha.. kita munang nag uusap pa kami, isa pa!” banta ni James sa driver

“pambihirang buhay to” reklamo ni manong at napakamot nalang sa kaniyang ulo

“Manong anong petsa na!” singhal ni Nica.. at dali dali naman sa pagpadyak ng trysicle ang kawawang driver..

M2m The Promise (Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon