At last , Q and A na...
“Contestant number 15 pick a card.. and you picked Ashton Smith... Mr. Smith your question please!”
“shit.. bakit ikaw.. pa.. ............okey.. relax” sa isip ni Justin
“How are you Contestant no. 15?” Sir. Ash
“feel great sir” sagot ni Justin
“i like that confidence.hmmmm. well here’s your question : what are the possible way to become an effective Mr. University of this institution?”
“thank you sir.. given a chance to become Mr. University is a huge responsibilies considering its function in the studentry. Mr. University should be a role model of values and morality, such influence will be a great help to encourage our students to become more responsible to their dealings in life. Making them as a priority in this University will result to active participation and full cooperation along the way. Molding their skills and talents will bring pride and honor to our beloved University.. thank you....
Masigabong palakpakan ang kaniyang narining pakatapos niyang sagutin ang question na ibinigay sa kaniya ni Sir. Ash, ganun pa man hindi niya alam kung paano at kung saan nanggaling ang mga sagot na iyon, o sadya lamang talgang matalino siya para maunawaan ang tanong na iyon. Pagkatapos nang question and answer portion ay ibinigay na ang special awards sa mga contestants
Best in Ramp modeling, Best in formal attire, Mr. Photogenic and Mr. Personality ang nakuha ni Justin, habang nakuha naman ni Eric ang best in production number at Mr. Congeniality. Nakuha rin ni Oscar ang Mr. Popularity and Best in Ethnic Attire. Sa Female Category naman ay Ms. Personality at Ms. Talent si Gea na nag acrobatics habang best in Long gown naman si Liz.
Nag final walk ang top 5 para sa huling sulyap at pakatapos ay pumwesto na ang sampung contestants para sa runner ups and Tittle.
Napakahirap ang ginawang desisyon nang mga hurado dahil sadyang matatalino at mgagaling ang mga contestants. Ganun pa man, hindi mapakali si Justin sa kaniyang kinatatayuan, kinakabahan siya at tila nanlalamig ang kaniyang pakiramdam. Nagtataka siya kung bakit ganun ang pakiramdam niya sa mga sandaling iyon samantalang hindi naman siya lubos na nag aalala sa magiging resulta, kung anong maging resulta ay magiging okey na iyon para sa kaniya, ang mahalaga ay na ipakita niya sa lahat ang kaniyang kakisigan at angking galing...
Nasungkit ni Gea ang tittle habang naging 1st runner up naman si Liz. Bumuhos ang tensyon ng sa mga lalaki na ang itatanghal na resulta...
“4th runner goes to .. candidate no. 2!.. Clarence Dominguez!... kerri lang ang palakpakan
“our 3rd runner up si candidate no. 12.. Daniel Salazar... mas lumakas ang palakpakan dahil sila Oscar, Eric at Justin nalang ang natitira.
“let see who is the 2nd runner up...oh! it’s you candidate number 1. Eric Mendoza!”..
“good luck sating dalawa pare” pabulong ni Oscar
“oo pare” tugun naman ni Justin..... ngunit ang attensyon niya ay hindi nakatoon sa announcement dahil hinahanap niya sa mga manonood si James na kanina pa ay sabik na sabik na siyang makita ito. “Asan ka James, asan ka ba” ang mga katagang tumatakbo sa kaniyang isipan.
“and finally, our Mr. University 2013 is ,,.................... you candidate number... 15! Mr. Justin Lemar Maurico del Ramos! Yinakap siya bigla ni Oscar bilang pagbati sa kaniya, sa kabilang banda nagkahiyaan si Eric at Oscar kaya tuloy deadma nalamang ang dalawa sa ibabaw nang stage.
Kringggg!
“hello.. James saang lupalop kana nang bansa nakarating..hello?... “ si Nica
“pasensya na kaibigan ba to ni Mr. James Dela cruz?” hindi pamilyar na boses ang nanggagaling sa kabilan linya na tila napakabigat na boses...
“opo,.. bakit ho sino ito..?”
“this is P02 Roberth Gascon from PNP station 2, I’m sorry but I just want to inform you na naaksidente ho sa motor ang kaibigan niyo”.. hindi makasalita si Nica at nangangatog ang kaniyang mga tuhod sa narinig mula sa kabilang linya kaya ibinigay nalamang nang police ang address nang hospital kung saan dinala si James, siya ay natagpuang duguan sa tabi nang kalsada at wala itong malay.
Ang mga mata ni Nica ay napako sa kinatatayuan ni Justin, ramdam niya ang saya at tagumpay na nakuha niya ngunit sa kabilang bahagi nang kaniyang isipan ay lubos itong naaawa sa kaniya. Alam niyang umaasa si Justin na magpapakita sa kaniya si James ngunit sa kasamaang palad nasa hospital ang kaniyang mahal at nag-aagaw buhay. Hindi alam ni Nica ang kaniyang gagawin, dapat niya bang sabihin ang mga pangyayari o ipagpabukas nalamang dahil alam niyang ikababaliw ito ni Justin kaya- minarapat niya nalamang na tumahimik sa isang tabi.
“asan na? Nek ... asan na?” Hindi mapakali si Jutin at halos humaba na ang kaniyang leeg sa paghahanap kay James.
“i’m sorry Noy,,..” maluha luhang tugun n Nica “but, he’s in the hospital right now... Noy naaksidente si James”
“haha.. Nice Joke nek.. nice try..” at sabay siyang yinakap ni Nica.. “i’m sorry Justin..”
Hindi alam ni Justin kung alin ang mauuna ang pag tulo nang kaniyang luha o ang pag sigaw sa gitna nang maraming tao, gumuhit sa kaniyang mukha ang buong pagkabalisa at ramdam niya ang lamig na kanina pa sumisiksik sa kaniyang kalamnan. At kaagad nilang pinaharurot ang float na sinakyan ni Justin, bagamat puno ito nang dikorasyon ay napakatulin nitong rumaragasa sa kahabaan nang national high way makarating lamang sa hospital. “wala kang kasalanan noy.. wag mong sisihin ang sarili mo”
“Nek.. ako ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat nang ito sa kaniya.. ang dami niya nang ginawa saakin at ngayon ito pa ang mangyayari sa kaniya.” Halos mawala siya sa sarili at kanina pa bumubuhos sa kaniyang mukha ang masaganang luha na walang sawang pumapatak.
“damn it .. this is all my fault!!!!!!!