(Chapter 6 - Light Embrace - 11)

3.4K 49 19
                                    

“I’m home” si Justin

“buti naman at umuwi ka ngayong week end” si Nica

“sino ba naman ang hindi makakamiss sa maingay mong bibig bawat umaga”

“sino ang kasama mo?”

 “ah..Doc. Andrew si Nica pala, she’s my childhood bestfriend, Nica si Doc. Andrew volunter siya sa sitio for a medical mission”

“Hi nica” at nakipag kamay ito sa kaniya

“kelan pa?”  Kumunot ang noo ni Andrew at hindi nakuha ang ibig sabihin nang mga tanong ni Nica. Medyo matamlay si Nica at tila magaspang ang ugali nito sa pagsalubong niya sa bisita ni Justin.

“ah,, ang ibig sabihin ay kelan pa darating ang kape at tinapay.. nakakgutom kasi sa byahe..diba Nek” Nakuha naman agad ni nica ang ibig sabihin ni Justin.

“sige punta muna ako sa kusina...maiwan ko muna kayo diyan”

“pag pasensyahan mo na siya”

“ok lang.. di na rin ako magtatagal at kailangan ko na ring umuwi sa bahay”

“salamat sa pag hatid ha”

“walang anuman. Justin.., please don’t lose my contact”

“sige.. i’ll txt u”

At bigla nalamang nilang narinig na may nabasag sa kusina..

“Noy!” sigaw ni Nica, at dali dali silang pumunta sa kusina upang saklolohan si Nica, “nahihilo ako” dagdag pa nito, at panay ang duwal at suka nito. To the rescue si Andrew  at agad inilabas niya ang kaniyang stetoscope at pam bp at chineck niya ang kalagayan ni Nica. Habang si Justin naman ay hindi mapakali at panay ang lakad paroon at parito at bakas sa kaniyang mukha ang pagkabalisa at pag aalala niya para kay Nica.

“nakatulog na siya Justin”

“kamusta Andrew ang kalagayan niya”

“wag kang mag alala Justin konting hilo lang naman, ngunit mababa ang kaniyang bp  ang tendcy nito ay ang pagsakit nang ulo at pagkahilo, kailangan sapat na pagpahinga at tamang oras ang kaniyang pagkain”

“Malayo ako andrew para bantayan si Nica”

“hindi mo kailangang bantayan si Nica dahil simpleng pangangalaga lang naman sa sarili ang kailangan niyang gawin at hindi naman ito mabigat”

“pero..”

“at siya’y nagdadalang tao”

“ano!!!!?” bumagsak ang kaniyang mga balikat at tila nadurog ang kaniyang puso sa hindi inaasahang balitang narinig ngunit sinalo siya nang mahigpit na yakap ni Andrew. Hindi niya inaasahan na magkakaanak na siya at ang hindi niya matanggap ay kay Nica, pakiramdam niya’y ito’y isang napakatinding pagkakamali para sa kanilang dalawa.

M2m The Promise (Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon