Courage of Hearts - 12

3.2K 46 1
                                    

Malamig na gabi at pinalamig pa ito nang mga pangyayari na halos dumudurog sa puso ni Justin, ang mga pangyayari na kanina lang ay masaya ngunit ngayon ay naghihinagpis at nahihirapan siya sa kalagayang natamo ng kaniyang mahal. 

 PAK!!!!!!!

 Isang malakas na sampal ang sumalubong sa mukha ni Justin mula kay Donya Aurora, ang eksenang ito ay ikinabigla ni Mang Kanor at Nica, maging sila man ay nabigla sa galit na tumambad sa kanilang harapan.

“you made all these things worst Justin... I don’t need you here.. get out..!!! GET OUT!!!!

 Sa galit ni Donya Aurora ay naibato niya ang purse sa dibdib ni Justin, tulala at maluha luha si Justin dahil sa pangyayaring iyon, hindi niya alam kung aalis siya o manantili para bantayan ang kaniyang mahal, subalit alam niyang hindi maganda ang pagkakataon na iyon para ipilit ang gusto niyang mangyari.

“I’m sorry ho tita... hindi ko po alam na ganito ang mangyayari..” garalgal na pakiusap ni Justin

“kung hindi sa kalokohan niyo.. hindi ito lahat mangyayari.... dahil sayo.. DAHIL SAYO!!! Lumayas ka sa harap ko... !

“parang awa niyo na ho...”

“enough!!!!...you’ve caused a lot of trouble to James..... akala mo ba hindi ko alam ang itinatago ninyong dalawa!”

Kinabahan si Justin sa mga katagang binitawan ng mommy ni James, matalim ang mga binitiwang salita nito at pakiramdam niy ay hinihiwa ang kaniyang katawan nang dahan dahan. Ang kaniyang dibdib ay unti unting sumisikip at bumibigat ang pagpintig nang kaniyang puso, marahil ay natuklasan niya na ang itinatago nilang relasyon na siya naman nilang pinaka iingat ingatang hindi mabunyag. Ngayon, ang pakiramdam niya ay tila nasa gitna siya nang nag uumpugang bato at tila’y wala siyang lakas upang makawala sa sitwasyon na ito.

“what you’ve casued are trashes of stupidity JUSTIN!,.. GO!! and never come back.. mang kanor please!!! Paalisin mo ang lalaking yan dito..” malakas na utos nang Mommy ni Justin

“hindi naman ho tama na paalisin niyo si Justin,,.. grabe naman ho kayo kung makapag salita..” pagtatanggol ni Nica

“and who are you to tell me such kind of ignorance!... lumayas kayo....”

“tara na ho sir. Justin, maam Nica... “ mahinahong pakiusap ni Mang Kanor sa dalawa

“tita... please.. I want to see James, parang awa niyo na ho...” nagmamakaawang tugun ni Justin

“don’t touch me...” at sumunod ulit ang malakas na sampal sa kaniyang pisngi.... “get out”

“parang awa niyo na ho.. tita”

“Palayasin sila!!!!”  malakas na sigaw ni Donya Aurora sa kaniyang dalawang tauhan

 Wala nang maayos na tumatakbo sa isip ni Justin sa mga sandaling iyon kundi ang kumapit sa kamay ni Donya Aurora upang manatili sa lugar na iyon, ngunit hinarang lamang sila nang dlawang tauhan nito, sa kaniyang pag pipilit ay lalong sumidhi ang galit nang Donya kaya ipinakaladkad si Justin sa dalawang guwardiya  palabas nang hospital. 

to be continue...

M2m The Promise (Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon