Light Embrace -6

3.4K 48 3
                                    

Kinaumagahan nagising siya sa sipol nang takure sa kaniyang kusina at nakita ang sarili na hubo’t hubad, at bigla niya naalala ang nangyari sa kanilang dalawa ni Anton. Kakaibang bata din si Anton, masyadong mapusok ngunit napakabait naman nito at magalang, kahit elementary lang ang natapos nito bakas ang matulunging anak sa kaniya.

“Sir. Justin magkape muna kayo habang hintayin po nating maluto ang kanin” si Anton na masiglang masiglang binati ito, sa kaniyang galaw ay tila walang nangyari sa kanila kagabi, magiliw parin ito at napaka bibo.

“ah salamat..”

“sir Justin dumating na pala ang iba niyo po na gamit, andun po sa sala”

Agad na tinungo ni Justin ang sala at inayos ang kaniyang mga libro at iba pang gamit para sa eskwelahan na gagamitin niya. Sinisi niya ang sarili dahil kulang ang kaniyang nadalang panturo, kaya naman kailangan niyang maging resourceful at creative para magawa niya ang nais sa pagtuturo. Hindi basta basta ang pagtuturo, lalo na kapag mahihina pumick up nang lesson ang mga estudyante, napaka challenging ito para sa isang guro at isang baguhan tulad ni Justin.  Ginugol niya ang buong weekend sa pag aayos nang kaniyang ituturo, dahil sa halo halo ang edad nang mga bata ay hinati hati niya ito sa ibat ibang grupo para hindi siya mahirapan sa kanilang mga activity at hindi maging magulo. At pagkatapos ay tinungo niya ang eskwelahan, may kalumaan na ito tumutulo ang tubig sa bubungan na butas butas na yari lamang sa nipa, ang malamig na hangin ay malayang pumapasok dahil sa kawayan lamang ang mga dingding nito, at ang mga upuan ay yari rin sa kawayan na nakatayo sa matigas na lupa.

Nilinis na pala ang silid na ito ngunit tila walang kabuhay buhay, kaya dali dali siyang umuwi sa kaniyang bahay at kinuha ang mga charts at iba iba pang visual materials na maaring magpakulay sa silid. Inayos niya ang pagkakalagay nang mga upuan ayon sa pagkaksunod sunod nang edad nang mga estudyante,dahil sa parating malamig ang panahon mayroong pugun sa tabi nang silid para magsilbing painitan upang hindi malamigan ang mga estudyane sa kanilang klase.

Bagong pintura ang mga upuan at ang kanilang blackboard, sayang naman ito kung tutuluan nang tubig ulan kaya siniksikan niya nang mga papel ang bawat butas nang bubong nito, ayan at gumana ang kaniyang pagiging resourcefulness. Sa labas nang munting paaralan ay ang malalagong bulaklak nang sampaguita na humahalimuyak sa bango nito, at ang magandang tubig batis ay dumaraan sa palibot nang school at kumikinang ito sa linaw at linis nito. Napakagandang lugar, nung panahon nga ay di uso ang kuryente ngunit nabubuhay ang tao nang masagana kaya sino makakapag sabi na mahirap ang pamumuhay dito, kailangan lang nang sipag at tiyaga upang maka survive, at higit sa lahat ay buo ang pagsuport nang buong taga Sitio sa kaniya.

“ah ... andito ka lang pala sir Justin” si Maam Nana

“opo, binisita ko lang po itong silid aralan nang mga bata, para sa lunes ay makapag start na po tayo”

“ah siya nga pala, ito itlog nang ganso mas doble ang sustansya nito sa manok sariwa pa ito.. ipinabibigay ni Isko”

“maraming salamat po, nag abala pa po tuloy kayo”

“walang anuman, may ipapa kilala san ako sayo.. sir. Justin..... Doc.. Andrew pasok po kayo dito!”

“Doc. Andrew si Sir Justin pala ang bagong teacher nang paaralan dito saamin, sir Justin si Doc. Andrew ang health incharge dito saming sitio...” si Maam Nana.

“kumusta ang unang araw Sir. Justin” sabay abot nang kamay nito sa kaniya

“ah.. well.. maayos naman at... napakabait nang mga tao dito...” nakangiting tugun ni Justin, tumugun naman siya at nag daupang palad ang kanilang mga kamay...

“I’m currently on the job and at the same time doing my medecine research.. i hope na makatulong din ako para sa mga bata”

Nabubulol si Justin dahil sa napakalas na dating ni Doc. Andrew  soot ang kaniyang white lab gown at maong nitong pantalon, sa tindig at boses ay tila isang anghel ito na bumaba sa langit upang makipagkita lamang sa kaniya.

“ah.. eh... sure.. magtutulungan tayo para sa kalusugan at karunungan ng mga bata dito sa Sitio Mapurok.. and i’m welling to help”

“tamang tama doc. Andrew at Sir. Justin, bagay kayo maging team, gaganda ang lugar na ito at aayos ang paaralan natin....”

“oo nga po maam Nana, ” nakangiting tugun ni Doc Andrew

“oh sige. Maiwan ko muna kayong dalawa dito ha..” tuluyang umalis si Mam Nana habang naiwan ang dalawa sa silid paaralan.

M2m The Promise (Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon