Isang bagong umaga ang kakaharapin ng dalawa, bagong pakikisama at pagkukunwari na kailangang paghandaan alang alang sa pag-ibig na kanilang iniingatan. Hindi magiging madali ang mga susunod na araw dahil ang mga panahon ay hindi magiging magaan sa bawat isa. Ganun pa man wala silang pinag-sisisihan sa kanilang mga desisyon dahil alam nila na ito ang sapat na magpapaligaya sa kanilang mga sabik na puso.
Maagang pumasok si Justin at bakas ang panibagong lakas at saya at tila sabik na sabik na nitong makita si James, hangad na muli nitong mahagkan ang matamis nitong labi at muling mahawakan ang mga kamay at muling magkayakap.
“How are you Justin, seems that you’re wearing a big smile today?”- Madam De Leon
“I’m just happy today ma’am” tugun ng binata
“that’s very good, and I want everybody enjoying my subject,… “ paliwanag nito sa ibang mga estudyante
“radiant face si Justin, inspirado…?” sambit ni Lea na kanina pa nakatitig sa binata
“ woah!!” sigawan ng classmates nito… palibahasa artista ang turing ng mga kaklase niya sa kaniya dahil sa pambihira nitong kagwapuhan at kakisigan.
“naku ang swerte naman nang malanding babaeng yan.” Si Riza ang social forum addict
“si Nica ba yun, yung palagi mo kasama? Dagdag na isa pa
“tol, pakilala mo samin ha! para naman share share ng blessings.” Sabay tawanan ng tropa nila Eric ang team mate nia sa basketball.
simpleng ngiti lang ang tinugun niya sa mga osyoserong kaklasi…
“that’s enough class, wala kayo sa tambayan niyo, andito kayo ngayon sa classroom ko, so may I request everyone to please keep quiet and read your handouts on page 20-25, then afterwards long quiz…”.
“sigurado kayo mam?” protesta ng mga estudyante…
“oh eh bakit… ang babata niyo pa para ma-ulyanin… I reminded this class yesterday- am I right Justin?”
“yes mam.”
“see.!”
Sunod sunod na lumabas ang mga estudyante after the nerve cracking long quiz ni Madam Almighty Hulk Woman, but of course Justin made it easy.
“imbierna ang lola mo te, naligo ako sa sariling dugo.. powtek na Hulk Woman na yun, buti ka pa Justin parang boyscout – laging handa” buong pang aakit ni Riza kay justin… at sabay silang nagtawanan habang nakayakap na parang python kay Justin.
Tahimik na tao si Justin kaya simpleng ngiti at mga salita lang ang ibinibigay nito sa kanila, talagang napaka misteryoso talga nitong tao at tila may sariling mundong tinitirahan. Ngunit hindi na siya ngayon nag iisa sa mundong iyon dahil sa pagdating nang napaka espesyal na nilalang sa buhay niya at ito ay si James. Kahit ganun si Justin maganda naman ang respeto at trato sa kaniya ng mga kaklase, sadya nga lang talgang silent type of person si Justin.
Buong klase ang naglakad papunta ng canteen para makapag relax at sa tabi ng covered pathwalk naghihintay si James, kaya simple silang nagkatitigan at tila nangungusap ang mga mata nito at may kailangang pag usapan. Bumagal ang lakad ni Justin at nasa hulihan na ito ng grupo. Hindi na din siya napansin ng buong klase dahil tila mga sawang gutum ang mga ito at mabibilis nakapaglakad papunta ng university canteen.
“busy ka ba ngaun? Si James” at sabay abot ng doughnuts at bottled water.
“thanks, uhm hindi naman”…. Hindi na kasi dahil andiyan na siya “ may isang oras pa akong vacant bago ang sunod kung subject.”