Maagang naka uwi si James sa mansyon kasama si Justin
“santisimo,... anong nangyari sayo James?” pag-aalala ni nanay Ana
“wala ho ito, na ano lang diyan..”
“anak nang kambal na butiki.. anong ano lang? Bakit may benda ang braso mo! Justin ano ito?”
Yumuko lang si Justin at walang kibo
“nay... wag ho kayo mag alala, para ito lang.. galos lang ho...”
“ay naku iho..”
“huwag ho kayong mag-alala, ako ang bahala, pasok na nga ho tayo,,,.. ano po ba ang almsual natin?”
“nag luto ako ng tapa at kare kare,, diba paborito mo yun... tara na para makapag agahan... may pasok pa naman kayo”
“ah.. hindi muna ho kami papasok... magpapahinga muna ho”
“ah ganun ba? Tamang tama, naayos kuna ang kabilang kwarto, pwede na iyon para kay Justin”
At sabay silang nagtinginan...
Hindi man pabor na magkahiwalay sila nag silid, ngunit para sa ikabubuti nang lahat ay sang ayon narin sila.
Dahil sa panatag na ang mansyon sa presensya ni Justin ay nasanay na ang lahat sakaniya. Madalang na ring makauwi si Justin sa kaniyang apartment dahil tila bahay na rin niya ang mansyon nang mga Dela Cruz. Sa tingin nang lahat ay magkapatid ang turingan nang dalawa, ngunit sa likod nito ay ang kakaibang pagmamahalang tila hindi kayang masukat at matumbasan.
Magkaiba nang schedule ang klase nang dalawa kaya madalas maagang gumigising si Justin at naiiwan si James na mahimbing pang natutulog. Naging ugali na ni Justin ang gumawa nang milk tea na naging paborito nila dahil sa impluwensya ni nanay ana. Kaya bawat gising ni James ay nasa tabi na nang kaniyang kama ang maninit at espesyal na gatas na inihahanda mismo ni Justin. Hindi niya man nakikita bawat umaga ang mahal ngunit naiiwan sa kaniyang mga labi ang nakakakilig na buntong hininga habang hawak hawak ang espesyal na inumin.
Every week end ay sabay silang nag jojogging sa buong kalawakan ng parke sa kanilang city. Madalas din nilang maging libangan ang kick boxing kaya every Sunday morning ang schedule nang dalawa sa isang high class at pribadong gym. Mas malakas si Justin ngunit litaw ang bilis ni James, kaya naman sa ganda at hubog nang mga katawan nito mapapagkamalan mong mga modelo sa isang sikat na magazine. Maingat sila sa kanilang mga kilos dahil ayaw din nilang mapulaan ng mga karamihang naroroon, marami ding naging mga kaibigan ngunit hindi gaanong ka close.
Minsan sa hindi inaasahang pagkakataon...
“Mauna ka muna Justin sa gym susunod ako... ”
“bakit?”
“usap lang kami ni mom, I promise susunod ako”
“ok” at mabilis na kiss ang ibinigay ni James at isang nakaka pangigigil na pisil sa matambok na puwet ang ibinigay niya para kay Justin.
“ano ba, baka may makakita” si Justin
“ basta mamayang gabi ha,( sabay kindat kay Justin ) Pag bigyan mo ako.. please!!!!”
“sira!” natatawang sagot ni Justin...at sabay na nag tawanan ang dalawa..
Nabagot si Justin kahihintay sa locker room kaya nauna na itong sumalang sa session nila. Magaling ang ka sparing ni Justin kaya naman muntik na siyang mapilayan dahil sa matinding pihit sa kaniyang braso na sumapol at nagpabagsak sa kaniya. Dama ni Justin ang muscle na naipit sa kaliwang balikat niya kaya hindi niya maitaas ng maayos ang kaniyang mga braso. Dahil sa pag aalala nang kaniyang ka sparring, sinaklolohan niya ito at minassage. Siyempre di maiiwasan ang mga ganong serye..
Siya si Ashton Smith, isang pHil-am instructor sa gym na iyon, mesitzo at napaka gwapo, may anggulo kay Orlando Bloom at bakas ang 6 packs abs nito at may mga bilugang muscle sa katawan. Sexy ang dating ni Ashton kaya kahit sino mapaptitig talaga sa kaniyang kakisigan, mabait at simple ngunit pamatay din ang mga ngiti nito.
“sorry Justin, halika sa locker room, kailangan malagyan nang ointment ang muscles mo para hindi ma maga” si ashton
“sige, masakit po talaga”
Umupo si Justin sa isang comforter bench, siyempre hindi rin magpapatalo sa ka kisigan si Justin,. Bakat ang mga matitipunong mga muscle ni Justin na nakuha niya sa kaniyang mga ensayo bilang varsity player ng university at siyempre sa work out na rin...