Courage of Hearts - 10

3.3K 48 0
                                    

Pasok sa top ten sila Liz at Gea, ganun din si Oscar, Eric at si Justin... tigsampu sa male and female category at sila ang magpapasiklaban sa kanilang evening gown at male suit, at sa sampu kukunin ang top 5 na siyang sasalang sa pinaka mahirap na parte.. ang Q and A portion.

Parang mga hollywood stars ang mga contestant na tila maglalakad sa Red Carpet. Napakaganda ni Liz sa kaniyang red turtle neck gown na nagpsexy nang kaniyang katawan. Gea naman suot ang matingkad na royal blue na may mahabangn slit sa kaniyang kanang hita at lumilitaw ang sexy at napakaputi nitong legs.

Hindi naman nag pahuli ang mga lalaki suot ang txido na lalong nag pakisig nang kanilang image.

Pormang porma si Eric sa kaniyang suot lalong siyang nagmukhang celebrity. Swabeng swabe sa lakad at markado ang kakisigan, at hindi rin nag patalo si Oscar sa spot light. Angkin na angkin ni Oscar ang ibabaw nang stage sa kaniyang pamosong suot na nagpalitaw din nang kaniyang ka gwapuhan. Lahat nang contestants ay naging maganda ang performance sa kanilang mga suot at rampa. Kaya hirap na hirap naman talga ang mga judges sa pagpili kung sino ang angat dahil halos lahat ay magagaling.

“ano nek? nandiyan na ba si James?”

“ah oo.. na nunood  siya ngayon..” pagsisinungaling ni Nica

“ganun ba? Bakit hindi siya pumunta dito?”

“ah.. ano kasi.. bawal diba.. este  may official talent scout lang ang payagang pumasok sa dressing room” palusot nalamang ni Nica

“ah ganun ba?”

“cheer up noy..ang galing galing mo grabe!”

“talaga... ano sabi ni james?”

“ah eh.. lintik naman .. ako ang nandito si james pa rin ang nasa isip” bulong ni Nica sa sarili “naku.. grabe.. ayun.. nagsisigaw kasi ang galing mo daw, kulang nalang sabihin mahal ko yan!!!!”

Bumalik ang sigla sa ngiti ni Justin

“oh ano pa sabi niya?” excited na pagtatanong ni Justin

“ano ka ba? Cocentrate ka muna dian... maya dadalhin ko siya rito promise..”

“sige.. thanks.. ang bait mo tlaga.. hintayin ko kayong dalawa dito ha..”

“oo nga sabi.. go.... balik kana dun”

“talga ha”

“kulit.. promise”

“sige..thanks” at yinakap nito si Nica...sa unang pagkakataon dun palang niya naramdaman ang yakap ni Justin na nais niyang maramdaman. Hindi siya makagalaw nang bumalik si Justin sa dressing room, at nina namnam niya pa rin ang naiwang init sa kaniyang katawan nang niyakap siya bigla ni Justin. Kahit na iba ang nasa puso at isip nang kaniyang minamahal, kontento na rin siya sa mga yakap na iyon.. Kaya lalo tuloy lumakas ang kaniyang hangarin na makuha si Justin kay James.

Black and grey ang combination  na suit ni Justin, suot din niya ang iniregalo sa kaniya ni James. Sa kaniyang paglakad sa ibabaw nang stage, ay inaalala niya ang mga magagandang bagay na nangyari sa kanila nang kaniyang mahal, malakas ang dalang ala-ala ni James kaya talagang nakabihis siya nang buong ngiti na ramdam naman ang mga manunuod. Inspirado siya sa gabing iyon para kay James, dahil lahat nang ito ay dedicated niya para sa kaniyang mahal.

Matipunong matipuno si Justin sa kaniyang lakad, sa kabilang banda hindi niya kinalimutan ang  mga tips na ibinahagi sa kaniya ni James.

“oh ayan sa paglakad kailangan straight body at wag masyadong magalaw ang mga braso naiintindihan mo? sige nga try natin Justin”

 

 “wag ganiyan Justin... sobrang galaw nang mga kamay mo, para kang babae”..

 

 “gud ganyan nga.. o sabayan mo nang ngiti, ayan nice”

 

 “wag masiadong straight ang lakad,  magmumukha kang bading niyan.. oh ayan- wag na wag ka dapat yuyuko”

 

“try natin ang pag ikot... tsk.. para kang turumpo Justin ang bilis mong umikot..dapat swabe lang”

 

“ oh diba.. ang galing mo pala.. tsk.. ikaw na!.. panalo na to!”

“binobola mo naman ata ako eh” si Justin

“believe me.. your the man”

 

“okey hon another round!”

Kahit mahirap ang pinapagawa sa kaniya ni James ay napapalitan naman ito nang saya dahil sa buong pagtitiyaga ni James para sa kaniya at gusto niya iyong suklian, suklian na maipanalo ang title upang makabawi naman sa sakit ulo na ibinigay niya kay James. kuhang kuha ni Justin ang mga anggulo sa spot light, kaya angat na angat ang kaniyang porma at sinamahan pa nang kaniyang kagwapuhan at kagisigan hearthrob and boynext door na talga ang peg.

“win or lose is not a big deal for me hon.. ang importante sakin ay mapasaya kita sa paraan na magiging masaya ka din”

“para naman lahat ito sayo James... thank you! And I love you so much”

“I love you too hon.. you’re so...” at sinalubong na nang mga halik ni Justin ang mga katagang bibitawan pa sana ni James

 

Sigawan ang mga manonood sa last pose ni Justin sa unahan ng center stage, perfect angle , at sinabayan pa nang nakakaakit na mga ngiti..and so the crowd gets more wild. And finally nakapsok sa top 5 sila Eric, Oscar at Justin, ganun din sila Gea at Liz... Halatang umiinit na rin ang pakiramdamni Mr. Ashton kay Justin at paisa isang tinantanggalang butones sa kaniyang longsleeve- napaka lagkit nang kaniyang mga tingin sa tuwing sila ay nagkakatitigan. 

M2m The Promise (Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon