Mabilis na umalis si Justin at tinungo ang ibang pinto upang di makahalata ng kababata at sabay hinananap sa labas si James. Hinanap niya si James at mabilis itong nawala, may nagsabi na pumunta raw ito ng restroom , kaya tinungo niya ang pinakamalapit na rest room at nagbabakasakali na makita si James, ngunit siya ay nabigo dahil walang tao doon.
Mabilis na lumabas si Justin sa restroom upang maghanap sa ibang c.r at aksidenteng nakabangga niya ang isang college student na tila nagmamadali pumasok.
“shit.. pare gago ka ba? Tumingin ka sa babanggain mo, tang ina mo tol” si Limwel isang ace player ng basketball team at isang demonyong hearthrob ng kanilang university, gwapo ngunit mayabang, basagulero at napaka unrully.
“senxia na pare”.. tugun ni Justin
“ sa susunod gamitin mo yang mga mata mo, tingnan mo ang nangyari!” si Limwel
“pare, pasensya na nga di ko naman sinasadya..”
“ tol, yung pasensya mo di makakaayos ng phone ko, ( basag ang screen ) you have to pay your damage?” pagpipilit ni Limwel
“pare, di ko tlaga sina sadya.. at wala pa ako allowance para ipaayos yan.. tol naman..” si Justin.
Akmang aalis na si Justin, ngunit mabilis ang mga kamay ni Limwel at nahawakan nito ang kamay ni Justin. Inilock nito ang pinto at sabay na hinablot ang mga kwelyo ni Justin.
“pare, wag mo akong takbuhan .. bagong bili ang phone na to.. kaya please..”
“pare di kita tatakbuhan, nagmamadali lang ako dahil may pasok ako.. pede mo naman akong singilin sa susunod na araw!”
“pare tang ina mo, wag mo akong lokohin”.
“tang ina mo rin..bitawan mo ako!” at akmang lalabas na si Justin.
Mabilis ang mga kamay ni Limwel at napkalakas na hawak ang pumigil sa balikt ni Justin. Nabigla si Justin dahil sa matinding pagkahawak sa kaniya, di sinasadyang na itapon nito ang mga kamay ni Limwel at napasubsub ito sa pinto ng isang cubicle.
Natahimik ang dalawa at tila mayroong hindi magandang mangyayari, at kung sa katawan ang basehan parehong matipuno at pareho ding matangkad. Dinaluhong ni Limwel si Justin at sumalpak sila sa isang tabi. Di makasapak si Limwel dahil hawak hawak ni Justin ang mga kamay nito. Tinadyakan ni Justin ang kaharap at sabay sinuntok ito. Isang malakas na suntok din ang tumama sa sikmura ni Justin at sabay na nagbuno ang dalawa at tila walang nagpapatalo. At isang malakas na tulak ang pinakawalan ni Limwel kaya tumilapon si Justin at nawalan ito ng malay dahil tumama ang ulo nito sa bowl. Sa di inaasahang pagkakataon pumasok si Mang Ambo at nasaksihan ang mga nangyayari kaya naman mabilis na sumaklolo ito sa duguan binata. Dinala ito sa school infirmary upang icheck ang kalagayan ni Justin.
Testigo si Mang Ambo kaya Expulsion ang ipapataw kay Limwel at dahil dito isang napakalaking headline ang pinag uusapan sa university. Nagkaroon ng malaking iringan ang dalawang team, Football team kung saan kabilang si Justin at Basketball team naman kung saan kabilang si Limwel. Sa Infirmary, umiiyak si Nica kasama si Coach Romy at tila napakalungkot ng mga sandaling iyon. Mabilis ang mga pangyayar kaya humupa na rin ang tensyon sa campus, at sa wakas lumabas na ang result.