Prologue

134 4 0
                                    


Jacob's POV

Papansin.

Epal.

Bida-bida.

Feeling close.

These are the most comments I get from other people. First of all... Ouch. Hindi kaya ako papansin! Hindi ko naman kasalanan na sobrang cute ko't lahat ng tao napapansin ako e. Pangalawa, lalong hindi rin ako epal o bida-bida kase hindi ko rin naman kasalanan na alam ko yung mga sagot sa tanong ng professors namin e. Kasalanan nila yun kasi hindi sila nakikinig kapag lessons. Yung feeling close pwede pa kase totoo naman e. Lahat kase feeling ko kaibigan ko pwera na lang sa mga taong ayaw sakin of course. Well, anyway, bahala sila sa buhay nila. Wala naman akong pakialam sa kanila e.

Nga pala, ako si Juan Jacob Del Villar. 17 years old. 5.8 feet tall, dark skinned but not too dark and most especially, handsome. Well... that's what my grandmother told me. Tinanggap ko na lang. Positive e! Haha.

Siguro nawiwirdohan na kayo sakin ngayon dahil ang daldal ko no? Well, I cannot blame you guys. Kahit ako nadadaldalan na sa sarili ko e. Minsan nga naiisip ko na ipinaglihi yata ako ng nanay ko sa kapitbahay naming chismosa na walang ibang ginawa kundi pagkwentuhan ang buhay ng ibang tao. Wala naman siyang napapala dun. Ewan ko ba! O kaya, madaldal ako kasi nung bata ako nakalunok ako ng watusi e. Well, who knows diba? Malay natin alien pala ko kase kakaiba yung daldal ko kumpara sa normal na tao. Iba yung way of thinking ko kumpara sa nakararami. Haay. Andaming possibilities kaya wag na natin pahirapan mga sarili natin mag-isip.

Okay. Enough about me because this story is NOT about me. You read that right fellas. This story is about my friends, James Micael Villareal, Shawn Christian Cruz and Freeman De Vera and how they found their one true love kahit na NAPAKATORPE NILA.

Weird ba na ako yung magkukwento ng mga buhay pag-ibig nila? E hayaan niyo na. Why? Wait. Nakalimutan ko bang sabihin na pakialamero ko? Oo. Pakialamero ko. Lahat ng bagay na konektado sa mga kaibigan ko, inaalam ko at pinakikialaman ko. Why again? Kase gusto ko lang. Or maybe because I care? I don't know and I am too lazy to think about it.

Okay. Simulan na nga natin tong istoryang to't kung anu-ano na sinasabi ko. Simulan natin ang napakagandang istoryang ito sa pinakamaangas na torpe... si James Micael Villareal.

#TorpeWhere stories live. Discover now