CHAPTER 5
EKSAHERADONG tumawa si Shane kahit wala namang nakakatawa sa anime na pinapanood niya. Paano'y mula sa kinauupuan niyang couch, nasisilip niyang idinidikit ni Charsey ang mukha nito sa mukha ni Rocco na kulang nalang ay sunggaban nito ng halik ang binata. Inaakit ng ganda nito ang iniirog niya.
All right! She's one heck of a woman. Pero hindi siya makakapayag na mas maganda ito sa kanya. Mas matangkad, pero hindi ang mas maganda. Kanina, ipinakilala ito ni Rocco sa kanya bilang kaibigan at marketing consultant sa kompanyang pinagtatrabahuhan nito. Matapos iyon, hindi na naghiwalay ang dalawa. Hindi din naman siya nag-abalang makisalo sa dinner ng mga ito kahit niyaya siya. Baka ma-out of place lang siya.Lalo pa't di naman siya makasakay sa pinag-uusapan ng mga ito.
Tiningnan siya ng masama ni Rocco, matapos sumilip sa gawi niya, na para bang sinasabi ng mga mata nitong nakakaistorbo siya sa mga ito. Hindi naman niya ito pinansin, sa halip, lalo niyang nilaksan ang paghalakhak.
"Ah, Rocco baby, ano kaya kung sa labas nalang tayo mag-usap. Ang ingay naman kasi dito." pagpaparinig ni Charsey.
Sinimangutan niya ang babaeng sawa ng lumingon ito sa kanya—si Charsey. Para itong sawa kung makalingkis kay Rocco.
"Dito nalang tayo, Charsey. Pagod na ako sa maghapong stress na pinagdaanan ko. Gusto ko ng magpahinga pagkatapos nito." tugon ni Rocco na sa kanya naman nakatingin.
Nasa mga mata nito ang babala. Pinagtaasan niya lang ito ng kilay. Mayamaya pa'y napansin niyang hinihimas-himas na ni Charsey ang braso ni Rocco na para bang todong inaakit nito ang binata. Nag-init ang ulo niya at tumaas ang blood pressure niya. Gumawa siya ng ingay na makaka-distract sa dalawa. Sinadya niyang magbagsakan ang mga DVD cases na nasa coffee table. Nagtagumpay naman siya. Tumayo si Rocco at lumapit sa kanya.
"Anong nangyari?"
"Ah, wala. Naglaglagan lang ang mga DVD's." painosenteng tugon niya.
"Rocco, baby. I think I have to go. Bukas nalang nga tayo mag-usap."
Kung patalim lang ang mga titig ni Charsey, malamang na kanina pa siya bumulagta. Pero nasisiyahang ngumiti pa rin siya rito. "Bye Charsey. Ingat ka!" malambing na wika pa niya.
Inirapan siya ni Charsey at bumaling kay Rocco na tumango lang habang namumulot ng DVD's. Nahulaan na niya ang plano nito ng yumuko ito sa tabi ni Rocco. Hahalikan nito si Rocco!
Agad siyang kumilos upang kunway may aabutin sa pagitan ng dalawa. Kamuntik pang sa buhok niya maglanding ang nguso ni Charsey.
"Ang daming DVD sa ilalim ng couch." sabi niya na kunway may inaabot sa ilalim noon.
Padabog na naglakad palabas ng bahay si Charsey. Siya naman ay ngiting-ngiti pang sinilip ang umalis na dalaga. Naitaboy niya din ang babaeng sawa. Ngayo'y solo na ulit niya ang gwapong sinisinta niya.
"Wala ka na bangibang gagawin kundi bwisitin ako? Pati ang pakikipag-usap ko sa mahahalagang tao ay ginagambala mo!"
Napalingon siya sa nakasambakol na mukha ni Rocco.
"Eh hindi naman kayo nag-uusap! Nilalandi ka na ng babaeng iyon!" nakangusong reklamo niya.
Pakiramdam niya ay para siyang girlfriend na nagseselos, ganitong wala naman silang relasyon maliban sa dati silang magkaibigan. Sabagay, tama din naman ang reaksiyon niya kung tutuusin, dahil siya lang naman ang nakakaalam na baliw na baliw siya sa lalaking ito.
"Nag-uusap lang kami."
"Hindi iyon ang nakikita ko!" Sigaw na niya. Parang nais pa ngang maghisterya ng dibdib niya. Itinatanggi pa nito samantalang kitang-kita naman niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/63527838-288-k888273.jpg)
BINABASA MO ANG
PARADISE VIEW SERIES (Republished)
Любовные романыRepublished. Written by Gazchela Aerienne Five men, five love stories. Love stories that would show you how great it feels to fall in love... A/N: Light stories lang po ito. Walang mga intimate scenes. Puro pabebeng kilig lang. Hehehe. Enjoy...