"GUSTO ko nang umuwi, Jam," yaya ni Sugar Ashley. Ang akala niya, aalalayan siyang bumaba ng bleacher. Pero sa halip, inayos ni Jam ang buhok niyang hindi naman gaanong nagulo.
"Nagpapa-sweet lang. Nakatingin dito sina Szade at Nikkai," paliwanag nito. "I think, kung may bullet lang ang mga mata ni Szade, kanina pa niya ako napatay."
Babaling sana siya para tingnan ang tinutukoy ni Jam pero pinigilan siya nito. Kumilos si Jam para matakpan siya at yumuko. Kinabahan siya sa plano nitong gawin.
"Don't worry, I won't kiss you. Pinsan pa rin kita at tanggap ko na iyon. May gusto lang akong patunayan," sabi nito, gahibla na lang ang pagitan ng mga mukha nila.
Biglang nawala sa harap ni Sugar Ashley si Jam. Ang kasunod na niyang nakita ay bumalandra ang katawan nito sa sahig habang nakatayo si Szade na mukhang galit na leon. Susugod sana uli si Szade pero bumaba na siya ng bleacher at tinulungan si Jam.
"Ano ba'ng problema mo, Szade?" singhal niya. Ito naman kasi ang pasimuno kung bakit pinagkakaguluhan na sila ng mga naroroon. Tinulungan niyang makabangon si Jam at hindi pinansin ang halos marinig na niyang pagtatagis ng mga bagang ni Szade.
"Wala! Wala akong problema!" angil ni Szade, halatang nagpipigil ng matinding emosyon.
Bakit ba ito nagkakaganoon? Hindi ba siya ang mas dapat na nagagalit ngayon?
"Kayo? Baka magkaroon kayo ng problema. Hindi ba't magpinsan kayo?"
"Hindi kami magpinsan at alam mo 'yan!" sigaw ni Sugar Ashley sa sobrang pagkapikon. "Saka ano ba'ng pakialam mo?" Dati-rati, si Szade ang nagpipilit sa kanya sa bagay na iyon. Na hindi sila magpinsan ni Jam. Bakit nabaligtad yata? Binalingan niya si Jam. "Tara na, Jam. Ihatid mo na ako. Kumukulo lang ang dugo ko rito."
Nagsimula siyang lumayo na hindi naging madali dahil sa suot niyang skates. Inalalayan naman siya ni Jam hanggang sa marating nila ang sasakyan nito.
"He loves you, Sugar," sabi ni Jam habang nagmamaneho pabalik sa villa.
"Ano?! Kita mo nga't galit na galit pa ang walanghiyang 'yon!"
"Nagseselos lang siya. Napatunayan ko na ang gusto kong patunayan. Sinadya ko siyang galitin at pagselosin. Kaya ikaw, kumilos ka na. Hindi ko alam kung ano'ng nangyari sa inyo. Pero ikaw na ang kumausap sa mokong na 'yon. For sure he won't make a move. Mapa-pride ang mga lawyer. Lalo pa't malamang na iba na ang tumatakbo sa utak n'on pagkatapos ng nangyari ngayon."
Bumuntong-hininga si Sugar Ashley. Saan ba niya sisimulan ang lahat? Taken na mahal siya ni Szade, pero hanggang kailan? Hanggang may kaagaw ito? Hanggang sinusupladahan at hindi niya pinapansin ang pananakit nito sa kanyang damdamin? She couldn't bear having that kind of relationship. Hindi niya kayang palaging kumuha ng magpapanggap na kaagaw ni Szade sa kanya para lang ma-thrill ito. Hindi ganoong uri ng pag-ibig ang gusto niya. Ayaw niya ng pag-ibig na may expiration.
APAT na beses nang nagpapabalik-balik si Sugar Ashley sa bahay nila at sa bahay nina Szade. Kapag malapit na siya sa tapat ng bahay nina Szade, nag-i-skate siya pabalik sa bahay nila. Pero kapag naman nandoon na siya sa tapat ng bahay nila, babalik na naman siya kina Szade. Nagpapaurong-sulong siya. Hindi niya kasi alam kung tama ba ang gagawing pagharap kay Szade.
Handa ba siyang tanggapin ang magiging kapalaran niya sa pakikipagrelasyon kay Szade? Paano kung hindi maganda ang kalabasan ng paghaharap nila? Ni hindi nga niya alam kung bakit biglang naging malamig ang treatment nito sa kanya. Kaya lang, tama rin naman si Jam. Kung hindi pa siya kikilos para makipag-ayos kay Szade, walang mangyayari.
Nag-doorbell si Sugar Ashley sa wakas.
It's now or never!
Pinagbuksan siya ng isang kasambahay at pinatuloy sa receiving area.

BINABASA MO ANG
PARADISE VIEW SERIES (Republished)
RomanceRepublished. Written by Gazchela Aerienne Five men, five love stories. Love stories that would show you how great it feels to fall in love... A/N: Light stories lang po ito. Walang mga intimate scenes. Puro pabebeng kilig lang. Hehehe. Enjoy...