"SIGE na, cousin. I have to go. There's some urgent things in the city that need looking after."
Matapos humalik sa pisngi ni Gaizchel ang pinsan, instant na itong nawala sa harap niya. Pero ang alingawngaw ng pagkahaba-haba nitong litanya tungkol kay Tyron, hindi mawala-wala sa kanyang pandinig.
"Hindi siya marunong magmahal nang totoo, cuz. I doubt it if you think he can. Para sa kanya, ang pag-ibig ay isa lang ilusyon. And being in a relationship is just his way of having fun. I don't think you can stand that."
So, Bea can?
"Ikaw pa na may-pagka-hopeless romantic? If I know, kaya hindi ka makapag-jump sa isang relationship is because you want to find a man who can truly love you. At ayokong masaktan ka lang kung mahuhulog ka sa isang tulad ni Tyron."
Lahat ng iyon ay nagsi-sink in nang maayos sa utak ni Gaizchel habang naglalakad siya. Hindi niya namalayang sa office na pala siya dinala ng mga paa.Hindi niya maintindihan kung bakit para siyang lumulutang at hindi alam ang ginagawa. May pakiramdam siya na posibleng magka-hypoglycemia siya dahil sa pag-iisip ng mga pinagsasasabi ni Aleika.
Sa pagdaan sa tapat ng pinto ng office ni Tyron, narinig ni Gaizchel ang hagikgikan ng binata at ni Bea. Nakaawang ang pinto kaya malaya niyang nakikita kung gaano kasaya ang dalawa habang nagkukuwentuhan. Para siyang mabibingi sa tawanan kaya pinili na lang niyang lumagpas. Dumeretso siya sa sariling table at naghanap ng puwedeng gawin. Pero kahit ano ang gawin, hindi pa rin mawala ang alingawngaw ng hagikgikan nina Tyron at Bea sa kanyang pandinig.
Binuksan niya ang drawer at inilabas ang iPod. Magsa-sound trip na lang siya, baka makatulong iyon. Matapos maisuksok sa mga tenga ang earphones, binuksan niya ang MP3.
Kahit paano naman, nabaling sa iba ang isip ni Gaizchel mula sa kung ano-anong itinatakbo niyon. Nagsimula na rin siyang sumabay sa kanta habang nag-i-sketch. Kapag may mga sandaling lumulutang ang kanyang isip, bumabalik siya sa nakasanayang gawin. Ang gumuhit habang kasama ang kanyang iPod na sinadya niyang iisang kanta lang ang nakalagay.
Gustong-gusto niya ang kantang iyon. Ang official soundtrack ng Asianovela na Princess Hours na paulit-ulit niyang pinapanood sa Internet.
'Di na maalala, pa'no nagsimula. Ikaw ang laging nasa isip ko bawat araw. Laging ikaw, ang aking nakikita. Ano ba ang nadarama ko tuwing ikaw ay kasama?'
Patuloy si Gaizchel sa pagsabay sa kanta habang nag-i-sketch nang bigla siyang matigilan. She was creating an elegant personalized design of a ring! Pero hindi iyon ang mas nakapagpagulat sa kanya. The lyrics of the song were exactly expressing her feelings!
'Di na mapipigilan. Pag-ibig nga ito. Sana'y di matapos ang nadaramang ito. Pag-ibig na kaya ito?'
Hinablot niya ang earphones mula sa mga tenga. Hanggang sa pakikinig ba naman ng music, makikisingit pa rin si Tyron?
Ipinikit niya nang mariin ang mga mata.
Nakakainis ka na, Tyron. Lubayan mo na ako, utang-na-loob!
Pakiramdam ni Gaizchel, mababaliw na siya. Bakit ganoon? Kahit pa pumikit, mukha pa rin ni Tyron ang nakikita niya? Ganoon ba talaga kapag umiibig? Nakakabaliw?
Tumayo siya at nagpasyang abalahin ang sarili sa ibang bagay. Kailangan niyang may pagkaabalahan dahil hindi na tama ang nagiging takbo ng kanyang isip at puso. Hindi na niya maialis-alis sa sistema ang lalaking nagpapagulo ng kanyang mundo.
Bago pa man siya makaalis, tumunog ang cell phone. Ang mommy niya ang caller. These past few weeks, napapadalas ang pagtawag ng mga magulang niya at sinusuyo siyang umuwi.
![](https://img.wattpad.com/cover/63527838-288-k888273.jpg)
BINABASA MO ANG
PARADISE VIEW SERIES (Republished)
Lãng mạnRepublished. Written by Gazchela Aerienne Five men, five love stories. Love stories that would show you how great it feels to fall in love... A/N: Light stories lang po ito. Walang mga intimate scenes. Puro pabebeng kilig lang. Hehehe. Enjoy...