Rocco-Part6

3.6K 75 4
                                    

CHAPTER 6

"BAKIT GANON?" Wala sa sariling tanong ni Shane na sa malayo nakatingin.

"Anong bakit ganon?" balik-tanong sa kanya ni Gaizchel.

Kanina, habang nagha-harvest sila ni Rocco ng mga bulaklak ay hiniram siya ng dalaga sa binata upang isama sa work area. Ipinakita nito sa kanya kung paano ginagawa ang mga floral design. Sina Tyron at Gaizchel ang hands-on sa pagma-manage ng flower plantation, bagaman kahalili ng mga ito sa pagpapatakbo ang apat pang part-owner dahil may mga sariling ultimate passion ang lahat. Nagsisilbing libangan lang ng mga ito ang plantation at rendezvous ng mga magkakaibigan kung kaya't may rotating schedule ang bawat isa. At kung hindi gaanong abala ay tumatambay roon upang tumulong sa mga trabahador.

Bumuntong-hininga si Shane at nangalumbaba sa mesa habang ang isang kamay ay nilaro-laro ang isang pirasong tulips. "Para kasing may mali." sabi pa niya kay Gaizchel.

"May mali dahil hinalikan ka niya? Tapos kung kumilos siya, parang walang nangyari?" nanunuksong hayag naman ni Gaizchel.

Agad siyang bumaling sa dalaga. Naupo naman ito sa tabi niya.

"Nakita mo kami?"

"Yep!" Bumungisngis ito. "Pasensiya ka na, nakinood na ako sa inyo. PDA naman kasi kayo."

"PD lang, walang real A. Wala naman kaming mutual affection, I mean for that PDA matter. Magkaibigan lang kami." Kaila niya na sinimulang gutay-gutayin ang flower bulb ng mga rejected black long stemed roses sa mesa.

"Huuu! Wag ka nga, dumaan na ako diyan, kaya di ka makakapagsinungaling sa akin! Pero alam mo, isa lang ang masasabi ko, at napansin din ni Tyron."

"Ano?"

"You look good together."

Lumapad ang ngiti niya. "Napansin mo din?"

"O di ba? Tuwang-tuwa ka diyan, akala ko ba walang A, ha?" panunukso nito.

"Ako lang ang may A sa kanya." pag-amin niya.

Ngumiti ito ng makahulugan. "Hindi ngumingiting ganyan si Rocco nung wala ka pa. Hindi din siya ganyan ka-possessive sa isang babae. Ang totoo, wala iyong pakialam sa mga babaeng pinagpapa-cute-an ng mga kaibigan niya. Minsan, nakikiagaw siya pero paraan iyon ng pakikipagkulitan niya sa mga kaibigan. At siguro nga, kaya siya ganyan sayo, dahil inlove siya sayo. I can see it in his eyes the way he looked at you. Possessive and caring."

"Moody naman ang isang iyon eh. Kung makikita mo lang din kung paano niya ako sigaw-sigawan." pangangatwiran niya.

Bagaman natutuwa siya sa logic ni Gaizchel ay ayaw pa din niyang umasa.

"Minsan, defense mechanism ng mga lalaki ang pagiging masungit sa mga mahal nila. Hindi kasi nila magawang magtapat hangga't may mga unfinished business pa sila."

"Ano naman kayang unfinished mayroon si Rocco?"

'O baka naman talagang walang ipagtatapat si Rocco at nagha-hallucinate lang itong si Gaizchel.'

'Pero hinalikan ka niya!'

'So what? Kissing wasn't a big deal. Lalo't nanirahan ka sa Amerika. Aware siya kung gaano ka-liberated ang mga babae doon.'

Patuloy sa pagtatalo ang puso at isip niya ng magsalita si Gaizchel.

"You'll knew it, when you try to find it."

May damdamin nga kaya si Rocco para sa kanya? Pero bakit hindi ito minsan man kumontak sa kanya noon? Parang ang labo ng logic ni Gaizchel. Sa sobrang labo, hindi niya makita ang pag-ibig na nakikita nito. Pero nadadama niya ang pagpapahalaga sa kanya ni Rocco. Sapat na ba iyon?

PARADISE VIEW SERIES (Republished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon