Kyle-Part8

1.3K 34 1
                                    


NAGMAMADALI si Aleika papunta sa emergency room. Nasa opisina siya ng Rodriguez Medical Center nang malaman mula sa isang staff na isinugod doon ang walang utak na si Kyle Jeremy Aragon. Pinalipad daw nito ang motorsiklo habang papunta sa photo shoot na malapit sa Makati. Nagtataka nga siya kung bakit motorsiklo ang gamit ni Kyle gayong may kotse naman ito.

"Doc Lei," nagtatakang bungad ng isa sa mga nurse sa emergency room pagkapasok niya.

Nahawi ang mga umaasikaso sa binatang walang malay. Bugbog ang mukha at katawan nito dahil sa aksidente. Kumuntik na nga raw sumuot ang motorsiklo sa ilalim ng kasalubong na delivery truck. Mabuti na lang at maluwag ang kalsada nang mga sandaling iyon kaya madaling nakaiwas ang driver ng truck sa rumaragasang motorsiklo.

"Dumating na ba si Doc Laroza?" tanong ni Aleika habang kinukunan ng vital signs at sinusuri ang pasyente.

Ayon sa record sa ospital, si Doc Laroza ang family doctor ng mga Aragon bago pa mag-migrate sa New York ang pamilya years ago. At ito rin ang isa sa mga scheduled physician para sa araw na iyon.

Diyos ko, Kyle! Ano ba'ng mga pinaggagagawa mo sa buhay? You're so stupid for doing that! Tutuluyan na talaga kitang lalaki ka!

Hindi tuloy niya alam ang gagawin at mararamdaman habang ginagamot ang injury ni Kyle. He was the last person she expected to be lying in that bed. Para siyang kakapusin ng hininga kapag isa sa mahahalagang tao sa buhay niya ang nakahiga sa hospital bed.

"On the way na daw po siya," sagot ng isang nurse.

Biglang bumaling si Aleika sa mga nurse. "Then humanap na lang kayo ng ibang doktor na puwedeng tumingin sa pasyente! Kung mamaya pa si Doc Laroza, baka matuluyan na si Kyle!"

Agad kumilos ang staff para sumunod sa utos. Hindi na naninibago sa kanya ang mga kasama sa trabaho kung bakit nagpapahanap pa siya ng ibang doktor gayong doktor din naman siya. Alam kasi ng mga ito na kapag malapit sa kanya ang nasa emergency room, hindi niya kayang asikasuhin.

Pero teka, alam ba ng mga staff niya na si Kyle ay isang napakahalagang bahagi ng kanyang buhay?

Ah, she didn't care if they knew or not. Kailangang magamot na si Kyle!

"Doc Lei, ano'ng nangyari sa pasyente?" tanong ni Doctor Naguid, isa sa mga attending physicians nila.

Ibinigay ni Aleika ang lahat ng impormasyon sa kararating lang na doktor, saka lumabas ng emergency room. Hindi na niya kaya pang tingnan ang walang malay na si Kyle. Para siyang hihimatayin. Maski dalawang taon na silang hindi nag-uusap, hindi naman nangangahulugan na wala na siyang pakialam sa lalaking ito.

Mahalaga sa kanya si Kyle. Napakahalaga. Hindi niya yata kakayanin kapag hindi naging maganda ang resulta ng pagsusuri ni Doctor Naguid dito.

Palakad-lakad siya sa labas ng emergency room nang may humila sa kanya.

"Maupo ka nga rito, Lei."

Si Lora iyon, nasa likuran nito ang fiancé na si Rocco at ang iba pang mga kaibigan ni Kyle na sina Szade, Tyron at Wesley.

Hindi niya namalayang nandoon na pala kaagad ang magkakaibigan. Sa mga ganoong sitwasyon, saan mang panig ng daigdig mapunta ang mga ito ay agad na susugod para dumamay sa isa't isa. Higit pa nga yata sa magkakapatid ang turingan ng limang lalaki.

Alam niya iyon dahil kapag dinadalaw niya sa Paradise View si Gaizchel, nakikita niya ang kulitan at samahan ng magkakaibigan. Parang rendezvous o kulitan place nga lang ng mga ito ang plantation. She enjoyed being with them. 'Yon nga lang, kapag dumadalaw siya kay Gaizchel at nagkataong nandoon si Kyle, hindi niya maiwasang mailang. Pero si Kyle, wala itong panahong mailang dahil parating may babaeng kalingkis.

PARADISE VIEW SERIES (Republished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon