Wesley Part6

2.3K 61 3
                                    


KATAKOT-TAKOT na katok sa pinto ang gumising sa pagkakatulala ni Lora sa mga maleta. Nakabihis na siya sa pag-alis papuntang Bangkok. Handa na rin ang mga gamit niya pero parang ayaw pang kumilos ng kanyang katawan para lumabas ng condominium unit. 

Gusto sana niyang isama si Venice pero may sakit naman ang bata kaya hindi pinayagan ng kanyang bayaw. Hindi naman niya mayaya si Chesney dahil may iba na itong plano para sa araw na iyon. Wala na siyang ibang maisip na yayain. Kaya sa huli, ibinilin na lang siya ng kaibigan kay Alex. Hindi pa niya alam kung sino ang kasama ng huli pero maigi na rin na sa mga ito siya sumama. Tutal, pareho naman ang accommodation na napanalunan nila sa kompanya.

Ngayon nga, susunduin siya ni Alex para sabay-sabay na silang pupunta sa airport.
Pinagbuksan ni Lora ang kumakatok at nagulat sa iritadong hitsura ni Wesley. Dere-deretso itong pumasok sa kanyang unit nang walang imik. Nagpalinga-linga pa na parang may hinahanap. His eyes stopped and stared at her suitcase, and after a brief moment, he started eyeing her.

“Totoo palang may Bangkok trip ka, kayo ng Alex na 'yon. At hindi mo man lang ipinaalam sa akin?”

“Obligasyon ko bang ipaalam sa 'yo ang mga schedule ko?” Gusto ni Lora na paangil sabihin iyon, pero lumabas ang mga salita nang halos pabulong. “Paano mo nga pala nakilala si Alex?”

“He was there at the ground floor. Narinig kong itinatanong niya sa information ang unit mo. So, I approached him and asked him why. At 'yon nga, sinusundo ka na niya dahil ngayon daw ang flight ninyo. Ang napanalunan n’yong trip to Bangkok. Ibigay mo sa 'kin ang address ng hotel kung saan kayo naka-check in, magpapa-reserve din ako ng suite.”

“Ha? Bakit?” naguguluhang tanong niya.

“Basta ibigay mo sa 'kin ang address!”

“What if I don’t give it to you?” she challenged him.

“All right!” Tumaas ang dalawang kamay ni Wesley na parang sumusuko. “I can find it myself!” Pagkatapos ay basta na lang itong umalis at iniwan siya. Halos gibain din ang pinto sa pabagsak na pagsasara niyon. Sandali pa at muling may kumatok.

At nagawa pang kumatok ng magaling na lalaki! Matapos mong halos pagkakalasin ang mga bisagra ng pinto ko?

Asar na binuksan ni Lora ang pinto. “I won’t give you the address, okay? Manigas—” Natigilan siya nang ma-realize na hindi naman si Wesley ang sinigawan niya kundi si Alex. “I’m sorry,” hinging paumanhin niya.

“May kaaway ka ba?” nakangiting tanong nito sa amused na tono.

“Oh, well. May pumasok kasing sira-ulo dito at sinigaw-sigawan ako, 'tapos bigla na lang umalis. Akala ko, siya ulit ang kumakatok kaya gumanti ako.”

“Joker ka pala.” Tumawa nang malakas si Alex “Anyway, nasaan na ang bagahe mo? Tara nang umalis at baka maiwan tayo ng eroplano.”

Tumango si Lora at ngumiti. Itinuro niya ang bagahe. “Nasaan nga pala 'yong kasama mo?” naitanong niya dahil nag-iisang umakyat si Alex. Ang inaasahan niya, sasabihin nitong iniwan sa lobby ang kasama pero hindi iyon ang kanyang narinig.

“Katulad mo, wala rin akong naisama. Mga busy sila, eh. And since working days, wala akong basta mapa-absent sa trabaho sa mga kaibigan ko. 'Yong mga kapatid ko naman, ang iba may pasok sa school, ang iba nagtatrabaho din.”

PARADISE VIEW SERIES (Republished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon