"WOW!" Manghang minamasdan ni Gaizchel ang napakalawak na lupaing nag-uumapaw ng mga halamang namumulaklak habang sakay pa rin siya ng kotse ni Tyron. Kanina ay pinili niyang ibahin ang usapan dahil hindi na niya nagugustuhan ang tinutumbok niyon. Pinagkuwento na lang niya si Tyron tungkol sa negosyo nito at tama ang na-visualize niya.
Sa paghinto pa lang ng sasakyan, kaagad siyang bumaba at tinakbo ang parang walang hanggang hardin. Hindi niya akalain na ganoon katindi niya hahangaan ang lugar.
Paano ay hindi naman siya nagpupunta sa country side noong nasa Italy pa siya. She used to deal with papers, pencils, clothes, and all. Kung may naiiba man sa kanyang paningin, siguro ang mangilan-ngilang beaches na napuntahan niya.
She loved arts. Naglalagi siya sa mga lugar kung saan mayaman at lubos ang pagpapahalaga sa fashion arts. Maliwanag na isa siyang city girl. Iyon ang dahilan kung bakit sa kanyang isip, boring ang magpunta sa probinsya at magtanim ng halaman.
Pero ngayon, parang biglang bumaliktad ang kanyang mundo. She was amazed seeing these beautiful and colorful flowers. Pakiramdam niya, nasa isang paraiso siya na nalalatagan ng walang hanggang naggagandahang bulaklak. Pati ang mga paruparong nagliliwaliw sa mga bulaklak ay parang nagkakasiyahan din.
Lalong naramdaman ni Gaizchel na babaeng-babae siya sa suot na summer dress. Dagdag pa na malayang nililipad ng hangin ang kanyang tuwid at mahabang buhok. Well, isa sa mga asset niya ang natural na makintab at tuwid na buhok. Virgin pa iyon sa kahit na anong hair treatment. Kahit pa noong nag-model siya sa isang magazine at nagtangka ang mga hairstylist na pakialaman iyon, hindi siya pumayag. Sukdulang mag-back out siya sa photo shoot. Sa huli, siya rin ang nasunod. At wala naman talagang kahit na sino ang puwedeng magpasunod sa kanya.
Nasanay si Gaizchel sa malayang buhay. Dahil walang panahon ang mga magulang para sa kanilang magkakapatid dahil busy sa negosyo, nakasanayan nilang paikutin ang mundo sa kanilang gusto. Ayos lang iyon para sa kanya. At least, walang sisita sa mga gusto niyang gawin.
Malaya siya.
Katulad ngayon. Katulad ng kalayaan ng hangin sa himpapawid na tangayin ang gustong tangayin.
Nagmasid-masid sa paligid si Gaizchel at masuyong inamoy ang mga bulaklak. Masarap pala ang pakiramdam ng ganoon, magaan sa dibdib.
Hanggang sa may isang hindi pamilyar na boses ang kanyang narinig.
"Are you lost, Miss—"
Napalingon si Gaizchel sa nagsalita—isang guwapong lalaki na may hawak na digital camera.
"Baka buyer siya ng mga bulaklak, dude!" sabi naman ng isa pang sumulpot na guwapong lalaki. Wala itong pang-itaas at may hawak na maliit na pala.
Hardinero ba ito? Pero hindi bagay sa kaguwapuhan ng lalaki ang maging hardinero.
At may sumulpot pa...
...at may isa pa.
Four.
Four stunning specimens of manhood were now in front of her. Walang duda! Lahat ay kabigha-bighani na kahit sinong babae ay maglalaway sa mga ito. Pero ang isip ni Gaizchel ay naglalakbay papunta sa isang tao. Kay Tyron.
Ano kaya ang magiging hitsura nito kung maghubad sa harap niya—with these four fascinating specimens?
Tyron might stand out.
Pasimple niyang ipinilig ang ulo para ma-distract ang isip sa kung ano-anong bagay.
Ano ka ba naman, Gaizchel? Ang laswa mo!
BINABASA MO ANG
PARADISE VIEW SERIES (Republished)
RomansaRepublished. Written by Gazchela Aerienne Five men, five love stories. Love stories that would show you how great it feels to fall in love... A/N: Light stories lang po ito. Walang mga intimate scenes. Puro pabebeng kilig lang. Hehehe. Enjoy...