Tyron-Part2

2.2K 49 0
                                    

GUSTO nang mairita ni Gaizchel. Pakiramdam kasi niya ay napipilitan lang si Tyron na kausapin siya at para bang naiinis pa nga sa mga sagot niya sa tanong nito. Yes, she might be candid and very chatty, but it was because she was just being herself. Hindi kasi niya ugaling magpakaplastik para lang ma-impress ang kausap.

"I-I don't!" Nautal si Tyron sa pagsagot, malamang na nagulat sa pagka-straightforward niya.

Mabuti na ang malinaw. Kung ayaw nito sa kanya, eh, di huwag. Hindi na niya ito kakausapin. Tutal, ngayon ang magiging una at huli nilang pagkikita.

Pero sa isiping iyon, agad na nilukob ng lungkot kanyang puso.

Bumukas ang elevator at lumabas na sila.

"Thank you for bringing me here. Puwede mo na akong iwan. Ako na lang ang maghahanap sa office ng—"

Tuloy-tuloy ang lalaki sa paglalakad na para bang hindi siya narinig. Lumapit ito sa table ng isang babae na malamang ay sekretarya.

"Paki-print out ang resumé ni Miss Marais at pakisunod sa amin sa loob."

Resumé?

Walang matandaan si Gaizchel na gumawa siya ng resumé. Ang alam kasi niya ay kailangan lang na mag-report sa opisina at maayos na ang lahat. Iyon ang sabi ng kanyang pinsan.

"I'll take care of everything," naalala pa niyang sabi ni Aleika.

Kung ganoon, malamang na ito ang nag-e-mail ng resumé na hindi naman niya alam kung ano ang mga nakalagay roon.

At bakit ganoon mag-utos si Tyron sa babaeng nasa harap nila?

Bigla ang kanyang realisasyon.

"Right away, Sir," sagot ng babae.

Nagulat siya!

"Come with me," baling ni Tyron sa kanya, saka tumalikod at pumasok sa opisina.

Hindi na magawang i-appreciate ni Gaizchel ang kagandahan ng loob ng opisina. Daig pa kasi niya ang pinukpok ng maso sa ulo dahil sa sobrang pagkapahiya. Ang lalaking kanina pa niya dinadaldal ay siya palang magiging big boss niya?

Ito ba talaga ang may-ari ng kompanyang iyon? Si Tyron ba ang tinutukoy ni Aleika na kaibigan nito? Kung si Tyron nga, bakit wala sa hitsura? Sa pananamit? Naka-maong jeans at casual shirt lang ito na hindi bagay bilang may-ari ng building at nagmamay-ari ng negosyong mayroon sa establisimyento.

"Please have a seat, Miss Marais," utos nito nang mapansing nakatayo pa rin siya at tulala.

"S-sir." Agad na lumapit si Gaizchel sa silyang nasa harap ng mesa. Napansin pa niya ang pangalan sa ibabaw niyon. Tyron Aldeguer, Paradise View Operating Manager. Hindi na lang niya gaanong pinagtuunan ng pansin ang posisyon nito. "Sir naman. Bakit hindi kayo nagsasalita? Kayo pala ang magiging boss ko. Naku! Iyong sinabi ko kanina, wala 'yon. Nalibang lang akong magsalita kanina. Actually, I can assure you that—"

Bigla siyang natigilan nang mapansing kumurba ang mga labi ni Tyron.

He was smiling!

At iyon ang kanina pa niya hinihintay. Sa kabila ng kamiserablehan, may mabuting bagay pa rin siyang nakita. Ngumiti si Tyron. Napangiti niya ito! Pero ano at masayang-masaya yata siyang masyado na napangiti niya ito?

"What was that supposed to mean?"

"Ha?"

"You're smiling." Hindi niya gusto ang ideya na pinagtatawanan ni Tyron ang kanyang pagkapahiya. Pero parang gusto rin niyang awayin ang sarili matapos mapansing nawala ang ngiti nito dahil sa kadaldalan niya. Kung bakit ba naman kasi hindi niya mapigilan ang bibig.

PARADISE VIEW SERIES (Republished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon