CHAPTER 1
SA ILALIM ng pang-umagang araw ay hindi mapigilan ni Wesley na panoorin ang pagkaganda-gandang dalagita na si Lora. Wala itong pakialam na nagsasampay ng mga nilabhang damit. Sa kabila ng kamiserablehan ng anyo at suot nito─isang kupasing bestida na may floral print na yari sa mumurahing tela, habang ang buhok ay walang ingat at basta nalang ibinuhol paitaas--ay makikita pa din ang simple at inosenteng ganda.
Yes, she's innocent and beautiful. A beauty she didn't notice she had. Sa edad na disasais ay hindi na niya ito kinakitaang nag-ayos man lang ng sarili na tulad ng ibang teenager sa bayan nila na nasa secondary na.
Forth year highschool ito, habang siya naman ay nasa ikatlong taon sa kolehiyo ng pagnenegosyo. Sa Maynila siya nag-aaral habang ito naman sa hometown nila sa Laguna. Nitong nakaraan lang niya ito napagtuunan ng pansin, sa mismong bahay pa nila. Kasa-kasama ito ng ina nito isang araw upang maglabada sa kanila.
"Umuwi ka nalang at mag-aral, Lora. Kaya ko nang labhan ang mga ito." utos ni Aling Lourdes sa anak at saka umubo-ubo.
"Tapos ko na pong gawin ang mga assignments ko, Nay. Mas dapat na tulungan ko kayo dito."
Mula sa veranda ng kanyang silid ay minamasdan niya ang mga ito.
"Kaya ko na ito. Sige na."
Pero hindi nagpaawat sa ina ang dalagita. Patuloy ito sa pagkukusot ng damit. Nagkataon pang ang paborito niyang polo ang kinukusot nito.
"Sa amin naman po ni Ate ninyo ginagastos ang kinikita ninyo rito na halos ipagkasakit ninyo na. Dapat lang na tumulong din ako."
At patuloy na nag-argumento ang mag-ina na sa huli'y ang anak din ang napanaig.
Stubborn young lady.
Magmula noon ay hindi na ito nawala sa isip niya. Ang ina nitong regular na labandera nila ay paminsan-minsan niyang kinakausap kapag nandoon sa kanila. Nalaman niya mula rito na namatay ang ama ni Lora noong nasa elementarya pa lamang ito. Nadisgrasya ang ipinapasadang tricycle at tinakbuhan ng nakabunggo na malaking trak na may kargang tubo. Magmula noon, ito na ang nagtaguyod sa pamilya.
Isang araw ng sabado ay hindi nakarating si Aling Lourdes sa bahay nila upang maglabada. Si Lora lang ang naabutan niya sa likod bahay na kausap ng kanyang Mama.
"Kaya mo naman bang labhan ang lahat ng mga ito?" narinig niyang tanong ng kanyang ina.
"Opo naman. Sanay po akong maglaba, Ma'am Cecille."
"O siya, maiwan na kita diyan, hija. Mamaya, bago ka umuwi, dumiretso ka sa kusina. Sasabihan ko si Manang Merly na padalhan ka ng nilagang baka. Mabuti iyon para sa iyong ina, para makakain siya ng maayos."
"Salamat po."
Nang mapansin niyang nakaalis na ang kanyang Mama, saka siya nagpunta sa likod-bahay. Ang balak niya'y gulatin si Lora bilang pambungad. Subalit siya ang nagulat na sa pagbaling ni Lora ay naitutok nito ang hose na nagbubuga ng tubig.
"Ay! Naku, sorry.Ikaw naman kasi, para kang pusa. Ang tahimik mong kumilos."
Hindi niya alam kung maiinsulto ba o matatawa sa ginawa nitong pagkukumpara sa kanya sa pusa. He prefers to choose the last one.
"Nasaan ang inay mo?" tanong nalang niya.
"May sakit." Maikling tugon nito at agad nagkalambong ang mga mata.
Sa sandaling iyon, ninais ng kanyang puso na yakapin ito at alisin ang lungkot na nadarama nito, lungkot na hindi niya gusto pang muling makita.
"Bakit ka nga pala nandito sa likod-bahay?"
BINABASA MO ANG
PARADISE VIEW SERIES (Republished)
RomanceRepublished. Written by Gazchela Aerienne Five men, five love stories. Love stories that would show you how great it feels to fall in love... A/N: Light stories lang po ito. Walang mga intimate scenes. Puro pabebeng kilig lang. Hehehe. Enjoy...