SINIPAT muna ni Aleika ang sarili sa salamin ng compact powder. Matapos ma-satisfy sa hitsura, ibinalik niya iyon sa bag, saka nagpasyang bumaba ng kanyang sasakyan. Nakaparada na iyon sa parking area ng restaurant na napagkasunduan nilang dating place ni Kyle.
Yes, it was a date. Kung ganoon ang paraan ni Kyle ng panliligaw sa kanya, wala na siyang pakialam. Gusto rin naman niya ito at hindi na sila mga bata para dumaan pa sa napakahabang proseso ng pagpapaulan ng mga regalo, bulaklak, at sweet nothings bago magkaroon ng isang matinong date.
She was so excited to see him again. Buong maghapon siyang naiinip matapos ang scheduled activities niya para lang mapuntahan na ang kanyang date. Idagdag pang ibinilin ng kanyang ina na sa kanya muna uuwi si Allina dahil may business conference ito sa labas ng bansa. Allina was her younger sister. Kahit gusto niyang makasama ang ina at kapatid, tinitiis niya. Dahil tuwing makikita niya ang dalawa, pakiramdam niya, wala siyang mukhang ihaharap sa mga ito.
But then, it was her responsibility to take care of her teen sister. Susunduin niya dapat sa eskwelahan si Allina pero sinabing kaya na nitong umuwing mag-isa sa bahay niya dahil may project pa raw itong tatapusin. Ihahatid naman daw ito ng mga kagrupo.
Well, teen nowadays wanted a little space and privacy when they mingled with friends. At naiintindihan iyon ni Aleika kaya hinayaan na lang niya nang tumangging magpasundo si Allina. Isa pa, kailangan niyang bumawi kay Kyle sa hindi niya pagsipot sa una nilang "planned date."
Nginitian ni Aleika ang waiter na sumalubong sa kanya sa entrance ng restaurant. Mayamaya ay naghanap ang kanyang mga mata. Hindi naman nagtagal at nakita rin niya ang hinahanap. Pero ganoon na lang ang pagbangon ng kanyang inis matapos makitang may ibang babaeng kasama si Kyle sa mesa.
Lalapit na sana siya para ipaalam ang kanyang presensiya nang biglang dumukwang ang babae at mariing hinalikan sa mga labi si Kyle. At ang walanghiyang lalaki, gustong-gusto naman ang pakikipaglingkisan sa kung sinong lintik na sawang 'yon!
Galit na sinugod ni Aleika ang dalawa. Ngalingaling hablutin niya ang buhok ng babae. Pero edukadang tao siya at may delikadesa. Kaya pinilit na lang niyang kalmahin ang sarili. Isang eksaheradong tikhim ang pinakawalan niya sa harap ni Kyle.
"Aleika!" Mabilis na naitulak ni Kyle ang babaeng kalampungan at inalis ang brasong nakapulupot sa leeg nito.
"And who you are?" pamalditang tanong ng babaeng sawa.
"I'm his..." Sino nga uli siya kay Kyle? "His date. Ikaw? Sino kang sawa na bigla-bigla na lang lilingkisin ang date ko?"
"I'm Kyle's girlfriend," confident namang sagot ng bruha.
Aba, matindi!
Tiningnan niya nang masama si Kyle.
"Let me explain, Aleika," natatarantang sabi nito.
"Come on, baby. Explain to her that your date was cancelled. Dahil tayo ang magkasama ngayong gabi."
"Shut up! I'm not talking to you," angil ni Aleika sa bruhang sawa.
"At sino ka para utusan ako? Come on, woman. Masokista ka bang talaga? Gusto mo pa talagang marinig sa bibig ni Kyle na ayaw ka niyang kasama ngayon dahil ako ang-"
"Stop it, Lissy," saway ni Kyle.
Hindi na naintindihan ni Aleika ang sumunod na sinabi ng binata dahil tumunog ang cell phone niya. Si Allina ang tumatawag. Bago pa siya tuluyang ma-high blood sa dalawang kaharap, sinagot niya ang tawag ng kanyang kapatid.
BINABASA MO ANG
PARADISE VIEW SERIES (Republished)
RomanceRepublished. Written by Gazchela Aerienne Five men, five love stories. Love stories that would show you how great it feels to fall in love... A/N: Light stories lang po ito. Walang mga intimate scenes. Puro pabebeng kilig lang. Hehehe. Enjoy...