"ANO BA naman iyang si Tyron? Lahat kami dito ginugulo niya kapag wala siya sa plantation," reklamo ni Rocco habang pumupuwesto sa mesa.
Nasa dining area din si Gaizchel kasama sina Rocco at Szade. Ang dalawang lalaki ang nakatokang magtrabaho sa plantation para sa linggong iyon. May rotating schedule ang limang magkakaibigan sa pagtatrabaho sa plantation dahil may sariling ultimate career ang mga ito. Si Tyron lang ang hands-on sa Paradise View dahil ito naman daw ang nagpasimuno ng business na iyon. Libangan lang sana ng magkakaibigan ang paghahalaman hanggang sa mauwi sa paglago at maging negosyo.
"'Yaan n'yo na ang kaibigan n'yong 'yon," sabi ni Aling Mameng na naghahain ng tanghalian.
Parang naging kusina na ng limang nagmamay-ari ng Paradise view ang kusina sa staff house dahil kapag naroon ang mga ito ay doon kumakain.
"Minsan lang naman magkaganyan si Tyron. Kahit ako nga, pinagbibigyan ko na lang ang pangungulit niya."
"Ay naku, Aling Mameng! Nakukulili ang tenga ko sa kanya. Tatawag lang siya para magtanong ng iisang bagay," patuloy pa rin ni Rocco.
Na-curious tuloy si Gaizchel sa inirereklamo. "Ano ba ang itinatanong sa 'yo ni Tyron kapag tumatawag siya?" Nang bumaling si Rocco sa kanya, makahulugan itong ngumiti. Napansin niyang ganoon din si Szade, kahit si Aling Mameng na nagsasalin ng juice sa mga baso. "O, bakit ganyan kayo makangiti?"
"Come to think of it, ngayon lang nagkaganyan si Tyron," sabad ni Szade.
"Oo nga. Iniistorbo niya kami sa mga ginagawa namin dito sa plantation para lang usisain kung kumain ka na ba o kung ano'ng ginagawa mo," segunda naman ni Rocco.
"Talaga?" Napangiti si Gaizchel. Tuwang-tuwa ang puso niya sa narinig. Ginagawa talaga iyon ni Tyron?
Pero bakit?
"Syota mo ba si Tyron, Gaizchel?"
Siniko ni Rocco si Szade.
"Kahit kailan, balahura ka talaga. Gumamit ka naman ng mas magandang term. Boyfriend naman!"
"He's not my boyfriend!" kaagad na tanggi ni Gaizchel bago pa man makapagtanong si Szade.
Nagsimula silang kumuha ng pagkain. Dumeretso naman sa lababo si Aling Mameng.
"'Di nga? Bakit gano'n ang lalaking 'yon sa 'yo? Binalaan pa kami na huwag ka daw popormahan."
"Eh, kasi daw, mga luku-luko daw kayo!" biro ni Gaizchel.
"Overprotective naman niya sa 'yo."
"Ibinilin kasi ako ni Aleika sa kanya. Baka kaya siya gano'n." Pero kahit ang puso niya ay parang gustong tumutol sa kanyang sinabi.
"Sinong Aleika?" tanong ni Szade. "Siya ba 'yong dating niligawan ni Tyron?"
"Hindi, 'no. Si Bea 'yon. Ang alam ko, si Bea lang ang una at huling niligawan niya. The rest, mga babae na ang naghahabol sa kanya. 'Di nga lang pinapansin ni Tyron."
"Bea? 'Yong secretary niya sa main office?" Bigla ang pagbundol ng kaba sa dibdib ni Gaizchel.
"Oo. Naging sila yata noong college pa lang si Bea. Nag-break sila dahil nabawian ng license si Tyron. Clinical Instructor si Tyron noon at si Bea ang hawak niyang student."
Ngayon lang naalalang mag-usisa ni Gaizchel sa dating career ni Tyron. Nawala na kasi sa isip niyang tanungin si Aling Mameng dahil naging abala siya sa trabaho.
"Ang bali-balita sa ospital, dahil nagliligawan ang dalawa, nagkamali ng gamot na naibigay si Bea sa pasyente. Kamuntik nang natuluyan ang pasyente kaya naalisan ng nursing license si Tyron."
BINABASA MO ANG
PARADISE VIEW SERIES (Republished)
RomansaRepublished. Written by Gazchela Aerienne Five men, five love stories. Love stories that would show you how great it feels to fall in love... A/N: Light stories lang po ito. Walang mga intimate scenes. Puro pabebeng kilig lang. Hehehe. Enjoy...