HINGAL na hingal si Sugar Ashley habang nauupo sa isa sa mga bench sa park sa subdivision. Kagagaling lang niya sa pagdya-jogging at pakiramdam niya, napuwersa ang kanyang kanang binti. Nakadama siya ng bahagyang kirot. Hinihimas-himas niya iyon nang may sumulpot na bottled water sa kanyang harap.
Hindi tuloy niya malaman ang magiging reaksyon nang ma-realize kung sino ang nag-aabot.
"You look thirsty. Sige na, inumin mo na," alok ni Szade.
Ano na naman ang ginagawa ng magaling na lalaki rito? Hanggang dito ba naman, nasundan siya para pag-initin ang kanyang ulo? At bakit ba napakaguwapo pa rin ng hinayupak sa kanyang paningin kahit pawisan ang hitsura? Mukhang galing din ito sa pagdya-jogging.
Dahil hindi kumikilos si Sugar Ashley, hinagip na ni Szade ang kamay niya at inilagay roon ang bottled water. "B-bakit nandito ka?"
"Dito din kami nakatira."
Oh my!
Napakamalas naman niya. Kung ganoon pala, araw-araw niyang makikita sa subdivision si Szade. At araw-araw din siyang mabubuwisit dito.
Ininom na lang ni Sugar Ashley ang ibinigay na tubig habang nauupo naman sa kanyang tabi si Szade.
"'Yong nangyari kahapon, pasensiya ka na."
Matapos mong nakawin ang first kiss ko, hihingi ka lang ng pasensiya? As if maibabalik mo pa 'yon?
"Alin sa nangyari kahapon ang inihihingi mo ng pasensiya?"
"Sobra ka naman! Marami ba akong ginawa kahapon? 'Yong pagkahulog lang natin sa tubig ang inihihingi ko ng sorry. Na sa palagay ko, hindi ko naman kasalanan talaga. Idinamay mo pa nga ako. Pero dahil napakabait kong tao at peace lover ako, ako na lang ang magso-sorry sa 'yo."
Aba't ang walanghiya! Ako pa pala ang may kasalanan!
Abogado nga si Szade dahil napakagaling mangatwiran. Pero kahit ganoon, hindi nakakatakot ang boses at hitsura nito. Mukha pa ngang easy go lucky guy na malamang, second personality nito. Puwede ring iyon ang usual personality nito at ang second, kapag nasa court room.
Ano't ano man, naiinis si Sugar Ashley. Sa labis na pagkainis, napatayo siya. Kasunod ang isang sampal sa mukha ni Szade.
"Tama ka, hindi mo na nga dapat ihingi ng sorry ang iba mo pang ginawa kahapon. Dahil hindi na maibabalik ng sorry ang ninakaw mo. And that was my first ki—"
Hindi niya natapos ang sinasabi dahil bigla ring tumayo si Szade at kinabig siya.
"Have you forgotten already what I told you yesterday? Na kapag sinampal mo pa uli ako—" Hindi nito itinuloy ang sinasabi at sa halip, inangkin na naman ang kanyang mga labi, mariin.
"Sige, subukan mong sampalin uli ako. Hindi ko na bibitiwan pa ang mga labi mo."
Was he serious?
Pero sa halip na maging threat, kakaibang saya pa ang hatid niyon kay Sugar Ashley. Gustong-gusto pa niya ang ginagawa ni Szade. She enjoyed the blissful feeling brought by his kisses. Pero ang dapat, namumuhi siya kay Szade. Sino ang nagbigay ng karapatan sa damuhong lalaking ito na halikan siya anumang oras gustuhin?
Isang malakas na tikhim ang pumutol sa ginagawa nila.
"E-Eyessa!" kandabulol na bulalas ni Sugar Ashley sa kaibigang nasa harap nila.
"I thought you're lonely here dahil mag-isa kang umuwi sa Pilipinas. Pero sa nakita ko, mukhang hindi ka naman nabo-bore." Eyessa was grinning from ear to ear, kakaiba ang ngiting ibinigay kay Szade. "Hello there! I'm Eyessa!" Lumapit ito kay Szade.
![](https://img.wattpad.com/cover/63527838-288-k888273.jpg)
BINABASA MO ANG
PARADISE VIEW SERIES (Republished)
Любовные романыRepublished. Written by Gazchela Aerienne Five men, five love stories. Love stories that would show you how great it feels to fall in love... A/N: Light stories lang po ito. Walang mga intimate scenes. Puro pabebeng kilig lang. Hehehe. Enjoy...