Tyron-Part8

1.5K 39 0
                                    


NANIBAGO si Gaizchel nang hindi makita si Tyron sa opisina nito. Wala rin ang binata sa mismong taniman nang magpunta siya roon. May gusto sana siyang ikonsulta tungkol sa online orders. Nitong nakaraan ay unti-unti siyang sinasanay ni Tyron sa pagma-manage ng negosyo. Gusto niya iyon dahil marami siyang natututuhan. Madalas na rin siya nitong isama sa mga meeting at seminar dahil marami raw itong ipinagagawa kay Bea. And she doubted if it was really about business. Para kasing siya na ang nagiging personal assistant ni Tyron. Pero ayos lang. Masaya naman siyang kasama ang binata.

Kahit sinabi ng pinsan niya na ayaw nito kay Tyron para sa kanya, hindi pa rin niya napigilan ang sarili na lalong mahulog kay Tyron.

Gusto nga niyang magtaka. Bakit hindi niya maramdamang totoo ang sinasabi ni Aleika tungkol kay Tyron? Pero wala namang dahilan para magsinungaling ang kanyang pinsan. Mas kilala nito si Tyron kesa sa kanya. Gayumpaman, malaking bahagi ng kanyang puso ang nagsasabing dapat niyang alamin ang katotohanan sa likod niyon. Paano kung nagbago na pala si Tyron at hindi alam ni Aleika?

"Aling Mameng, napansin n'yo po ba si Tyron?" tanong ni Gaizchel nang buong araw na niyang hindi pa rin nakikita sa paligid ang binata. Sinadya na niya ang matanda sa staff house kinahapunan dahil hindi na siya mapakali.

"Hindi mo alam? Nasa pavilion house siya. May trangkaso kaya hindi makalabas. Inabutan kasi ng ulan kahapon sa taniman at—"

Hindi na niya pinatapos sa pagsasalita si Aling Mameng. Sa sobrang pag-aalala, mabilis siyang napasugod sa tinutuluyan ng limang may-ari ng Paradise View. Ilang beses na siyang nakapasok doon. Kapag nagkakaroon ng monthly agenda ang lima ay isinasama siya roon sa meeting.

Tahimik sa loob. Wala kasi ang apat pang kaibigan ni Tyron. Si Tyron ang nakatoka sa linggong iyon. At mukhang hindi nito magagampanan ang trabaho dahil sa sakit.

Dumeretso si Gaizchel sa kuwarto ni Tyron at nakita itong nakatalukbong ng kumot. Lumapit siya sa kama. Mukhang naramdaman ng binata ang kanyang presensiya kaya inalis ang pagkakatalukbong.

"Ikaw pala. Akala ko kung sino."

"Akala mo si Bea."

"Hindi. Bukas pa siya pupunta rito."

Parang sinuntok ang kanyang dibdib nang marinig iyon. May sakit na nga pero hayun si Tyron, hindi mai-postpone ang naka-schedule na pakikipaglandian sa girlfriend. Pero naantig pa rin ang damdamin niya nang mapansing nangangalumata ang binata. Naupo siya sa gilid ng kama at dinama ang noo nito.

"Ang taas ng lagnat mo. Uminom ka na ba ng gamot?"

"Oo. And don't worry, I can take care of myself."

Hindi inintindi ni Gaizchel ang sinabi ni Tyron. Bumaba siya at nagpunta sa kusina para kumuha ng maligamgam na tubig at malinis na bimpo. Tumawag din siya sa staff house para hilingin kay Aling Mameng na ipagluto at dalhan si Tyron ng pagkain. Sa pagbalik niya sa kuwarto, nakapikit na ang binata at hindi gumagalaw. Malamang na nakatulog na.

Kumilos siya para punasan ng basang bimpo ang mukha at katawan ni Tyron. Hindi niya maintindihan kung bakit nakakadama siya ng kasiyahan habang ginagawa iyon. Gusto niyang alagaan si Tyron. Gusto niyang siya ang mag-asikaso rito hanggang sa paggaling. At ni minsan sa buong buhay, hindi niya iyon naramdaman. Dahil nasanay siyang mag-isa at walang pakialam sa mga nasa paligid.

Tuwing magpapawis ang binata, pinupunasan niya ng isa pang tuyong bimpo ang pawis.

Mayamaya ay umungol si Tyron. "Gaizchel..." Hinagip nito ang kamay niyang nagpupunas ng pawisan nitong leeg.

"T-Tyron." Inagaw niya ang kamay pero hindi iyon pinakawalan ng binata.

Nagmulat ito ng mga mata. "Dito ka lang. Huwag kang umalis. Promise me, hindi ka aalis."

PARADISE VIEW SERIES (Republished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon